"Parang may nakakalimutan ka ata ah! Binabastos mo ba yung GIRLFRIEND KO?!" Galit na sabi ni Pio habang kinukwelyuhan yung lalaki.
"Pi, stop." Suway ko habang inaawat sya. Yung tatlo naman ay nasa likod ko lang at pinapa alis yung mga students na nakiki usyoso.
"Eh 'tong gago na 'to eh! Hindi ata marunong sumunod sa rules. Ano ha?" galit na sabi ni Pio.
"A-ano h-hindi ko naman s-sinasadya yung nasabi ko. P-patawarin nyo na ako. Hindi ko-" utal utal at halatang takot na sabi nung lalaki. Lalo pang hinigpitan ni Pio yung pagkaka hawak sa kwelyo nung lalaki na konti nalang ay parang maiiyak na.
"Shut up!" Sigaw ni Pio na nagpatahimik sa mga nakikiusyosong mga estudyante.
"Love, tama na. Nagpromise ka na iiwasan mo ng makipag away diba? Hayaan mo na yang mga yan. Love, tara na." Bulong ko habang hinahatak palayo yung kamay nya dun sa lalaki. Bumitaw naman siya agad at hinawakan na ulit yung kamay ko.
"S-salamat Aina." Ani nung lalaki. Pinagtaasan naman sya ng kilay ni Pio.
"Charlie, ikaw na bahala dito." Ani Pio. Lumapit naman si Charlie at kinuwelyuhan yung lalaki at inipit sa pader saka sinikmuraan.
"Charlie!!" Sigaw ko pero hindi ako pinansin ni Charlie.
"Anung pangalan mo?!" Sigaw ni Charlie.
"R-Rob Lim." Nakayukong sabi nung lalaki.
"Magtanda kana ha? Hindi lang yan ang mangyayari sayo sa susunod. Matuto kang sumunod sa rules! Maghanap ka ng ibang babaeng babastusin mo kung ayaw mong manghiram ng mukha sa aso!-" napatigil sa pagsasalita si Charlie ng may biglang sumigaw.
"CHARLIE TIM! BASAGULERO KA TALAGANG UNGGOY KA! TIGILAN MO NA NGA YAN!" sigaw ni Jhen na kakadating lang. Ang bilis talaga kumalat ng chismis. Tsk. Tsk. Pero wait- unggoy? Pfft! HAHAHAHA.
Binitawan na ni Charlie yung lalaki at hinila na ito ng mga kasama nya patakbo. Dahil siguro sa takot. Humarap ka ba naman sa mga gangsters eh. Tss.
"Oreo Queen." Yan lang ang nasabi ni Charlie. Gulat eh hahaha.
"H-hoy! Sa gwapo kong to? Anung unggoy ang sinasabi mo dyan ha?" Ani Charlie ng matauhan sya.
"Gwapo daw? San banda? Gising uy! Binabangungot ka ata eh." Mataray na sabi ni Jhen. Ayan nanaman ang aso't pusa. Jusme.
"A-ehem!" Sabay na ubo namin ni Pio kaya napatingin samin si Jhen. Nanlaki yung mata nya ng makita na magka holding hands kami.
"OKAY NA KAYO?!" Sigaw ni Jhen na parang kilig na kilig. Baliw talaga.
"Oo naman. Ako pa ba? Di naman ako matitiis neto eh! Deds na deds kaya sakin to!" Mayabang na sabi ni Pio kaya hinampas ko yung braso nya.
"Ah ganon?" Tinaasan ko sya ng kilay habang nagpipigil ng tawa dahil sa reaksyon nya..
"J-joke lang Love. Ano ka ba? Mahal na mahal kaya kita." Aniya at hinalikan ang kamay ko na hawak nya.
"I'm so happy for you girl!" Ani jhen at niyakap ako.
"At dahil dyan! Pumasok na tayo sa first subject at baka ma-late pa tayo." Natatawang sabi ko.
Hinatid kami nila Pio sa classroom, buti nalang wala pa yung terror naming teacher. As usual, apple of the eye nanaman kami. Bakit ba kasi lahat ng bagay kaylangan nilang pansinin? Haler? Tao lang din kaya kami! Wala naman kakaiba sa amin. Kung pwede lang kami maging invisible eh. Tss.
Lunch time. Sabay sabay kaming kumain nila Pio at napansin namin ni Jhen na parang may kakaiba sa kanilang apat. Si Pio pilit na nagpapaka normal, si Jaz parang kabado at di mapakali, at yung kambal nagbubulungan. Weird.
*kring *kring *kring
Napatingin ako kay Jhen ng sinipa nya ang paa ko sa ilalim ng lamesa. Nakataas ang kilay nya na parang nagtataka rin katulad ko. Sabay kaming tumingin kay Jaz na kasasagot lang ng tawag.
"Hello? Who's this?" Takang tanong nya sa tumawag. Unknown number? Hmm.
"What the- excuse me guys." Aniya ng nakakunot ang noo at saka umalis para makipag usap sa tumawag.
"Love, kumain ka pa oh!" Alok ni Pio ng pagkain sa akin.
"Im full. Tama na. Pag ako tumaba! Lagot ka talaga sakin-"
"Kahit naman tumaba ka mamahalin parin kita eh!" Aniya sabay kindat. Ay jusme! Yung puso ko nagwawala na sa kilig.
"Hala sila! Ang corny nyo! Tss." Reklamo ni jhen sa gilid.
"Hoy unggoy- este Charlie pala, ang bitter ni Jhen noh?" Sinipa naman ako ni Jhen dahil sa sinabi ko. Hahaha. Gotcha!
"Ay grabe sya sa unggoy oh! Sa gwapo kong to Ai? Unggoy talaga? Tapos si Piolo gwapo? Mas gwapo pa ako dyan eh. Sus. Malabo na ata mata ni Aina pareng Piolo." Parang batang sabi nya kay Pio. Hahaha. Napasimangot naman yung katabi ko.
"Gago. Anong malabo mata? Ibig sabihin di ako gwapo kapag malinaw mata nya? Malinaw mata nitong Love ko no!" Dipensa ni Pio na parang bata.
"Hahaha. Joke lang pareng Piolo! By the way, here's your oreo my Oreo Queen." Ani Charlie na naglabas ng dalawang pack ng oreo.
"Pasalamat ka may dala kang Oreo! Di ko pa nakakalimutan yung ginawa mo kanina sa lalaki. Kawawa naman yun." Ani Jhen. Habang binubuksan yung oreo nya. Takaw.
"Tss. Pareho lang kayong pangit eh." Iritang sabi ni Charles sa gilid.
"ANO?!" gulat na sabi nung dalawa. Nagtawanan naman kami ni Jhen dahil sa reaksyon nila.
"Pwede bang maki share ng table?" Napatigil kami sa pagtawa dahil sa lalaking nag salita.
"Quir!" Sabay na sigaw namin ni Jhen.
"Hi Ladies!" Masiglang bati nya.
"Hey, tara dito ka. Kilala mo na si Piolo diba? Yan naman sila Charlie at Charles. Guys, this is Quir. Our new friend." Umupo sya sa kaninang inuupuan ni Jaz sa gitna ni Jhen at Charlie. Natawa naman ako sa biglang pagsimangot ni Charlie.
"Bakit ka nga pala nandito?" Tanong ko kay Quir.
"Ah wala. Bumisita lang ako. Balak kasi namin mag dagdag ng mga employee dito sa cafeteria. Kinakapos kasi sa tao lalo na kapag nasaktong lunch." Aniya.
"Wait- so sainyo 'tong caf?" Gulat na tanong ni jhen.
"Ahm.. yes. Sa parents ko." Malumanay nyang sabi.
"Love, hatid na kita sa inyo? Para makausap ko na din si Kuya Ryan at si Tita? Wala na daw klase eh." Taas kilay na sabi ni Pio.
"Wala na? Jhen?" Naniniguradong tanung ko kay jhen na nakatutok na naman sa cellphone nya.
"Oo girl. Kakapost lang ng school sa Facebook Page." Ani Jhen.
"Sige. Mauna na kami. Bye twins, bye Quir." Paalam ko sa kanila.
"Bye Ai." Sagot nila. At tinanguan lang si Pio.
"Bye Oreo." Paalam ko kay Jhen at nakipag beso sa kanya.
"Ingat kayo. Hoy Piolo Pascual, ayusin mo na yang problema nyo ni Kuya Ryan ha? Ingatan mo yang bff ko." Seryosong sabi ni Jhen.
"Is that you Jaz? Haha. Kidding. Syempre iingatan ko 'to. Bye." yun lang at naglakad na kami papunta sa parking lot.
xx
A/N: More chapters to go. Keep supporting Loves. Vote and Comment! XOXO
BINABASA MO ANG
Aina's Forgotten Memories
General FictionAmnesia. Isa sa pinaka nakakainis na sakit na kahit kailan ay ayokong ma-encounter. Pero sa di inaasahang pangyayari ay hindi ko lang basta na encounter ang sakit na iyon dahil sa kasamaang palad ay nagkaroon ako nito. Anong magagawa ko? Di ko nama...