"Hello, pogi!" Bati ni Audrey at sinalubong ang pamangkin.
"Uncle, Sungit!" Sigaw ni Aeiou na karga karga na ni Audrey. Sumaludo naman si Trevor sa kanya at bumaling na ulit sa akin.
Agad na binundol ng kaba ang dibdib ko sa naiisip. Hindi kaya..
"He's with him." I stiffed. Hindi alam ang gagawin. Nakita iyon ni Trevor kaya naman ngumiti siya na parang okay lang ang lahat.
"Ugh. I think, now is not the right time for us to talk.." Umiiling na sabi ko at tumingin sa lalaking kalalabas lang sa kulay itim na Aventador. Itim na cap, puting v-neck shirt, itim na short at naka-tsinelas lang siya. His unsual attire.
"But you guys should talk about your problem." Aniya.
"We will, Trevor. Thanks for your time." I smiled then patted his shoulder.
Tumayo na ako at naglakad na papalapit sa sasakyan ko ng mapansing may mga mobile ng pulis ang paparating. Nagroronda lang siguro. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa tapat ng Accent ko. Pinatunog ko na ito at saka binuksan.
Nanlamig ang buong sistema ko ng biglang may humawak sa balikat ko. Hindi pa man ako humaharap ay parang kilala ko na kung sino ito. Isang tao lang naman ang nakakapagpa-huramentado ng ganito sa puso ko.
"Please, don't you ever dare leave me again, Love. Hindi ko kaya. Please. Just throw away all your hesitations and runaway with me." He hugged me tighter and burried his face against my shoulder. I can feel his masculine chest against my back.
Walang anu ano ay bigla nalang tumulo ang luha ko. Nang marinig niya ang mumunting hikbi ko ay iniharap niya ako sakanya at pinag-lapat ang mga labi namin.
"I'm sorry." Mahina kong sabi at napayuko.
Alam kong mali na pinaghinalaan ko siya. Hindi ko inalam yung totoo. Basta nalang ako naniwala sa kung ano yung tingin kong tama. Hindi ko siya hinayaang magpaliwanag..
"Yes. You should be." Isang mapaglarong ngiti ang sumilay sa labi niya pero iba ang nakikita ko sa mga mata niya.
"I'm sorry for-"
"Dapat kinausap mo nalang ako. Ang selosa mo kasi!" Pabiro parin niyang sabi.
"Sorry Pio. Love." Ngumiti ako at pinatakan siya ng isang mabilis na halik sa labi.
Ngayon ay ngumiti na siya at kita na sa mga mata niya ang saya. Mahal ko talaga ang lalaking 'to. Walang duda.
"Pwede bang umuwi na kayo?" Nagulat ako ng makita si Charles na naka police uniform. Kalalabas lang niya sa kotse na nakapark sa likod ng sasakyan ko.
"Pulis ka?" Takang tanung ko. He just shrugged his shoulders.
"Kainis talaga 'to kausapin.." mahinang bulong ko.
"I told you to confirm it first but you didn't. Look what this man just did, he fucking called me to annouce that you're missing. And ask me to help him find you. So me and my men find you anywhere but you're simply relaxing here. Oh boy, this man is crazy in love." Umiiling na sabi ni Charles.
"Thank you for helping me bro." Nangingiting sabi ni Pio sa kaibigan at tinapik ito sa balikat.
"Thank you, Charles." Nakangiting sambit ko. He just nodded then he patted my head.
He turned his back and just waved his hand to say good bye.
"Daddy!" Sigaw ni Aeiou na papalapit sa amin.
"Aeiou! Meet your tita Aina, my wife." Hinapit niya ang bewang ko at saka niyakap mula sa likod.
"Miss beautiful is your wife? Really, Daddy Ninong?!" Bakas ang galak sa mukha ni Aeiou sa nalaman.
Di ko napigilan ang mapangiti sa ka-cute-an ng bata kaya naman kumalas ako sa yakap ni Pio at naglahad ng dalawang kamay kay Aeiou. Patakbo niya akong sinugod ng mahigpit na yakap kaya bahagya ako napatawa.
"Miss beautiful, my daddy ninong really loves you so much. I heard so many things about you and daddy ninong. But still... I have a huge crush on you.." Agad na humiwalay siya ng yakap sa akin kasabay ng pagtatakip ng mukha niya. Cute!
Tinignan ko naman yung katabi ko na naka-kunot na yung noo. Kaya bahagya akong natawa na mas lalong ikina-kunot ng noo niya.
"What?" Aniya.
"Aeiou said that- hmmmp.." Nagulat ako ng takpan ni Aeiou ang bibig ko bago ko pa masabi kay Pio ang sinabi niya.
"Aeiou!" Seryosong sabi ni Pio.
"Sorry po." Nakayukong sagot ng bata. Natakot siguro.
Matalim na tingin ang ipinukol ko kay Pio at inalo na ang bata. Pio raised his two hands and mouthed, 'What did I do?'. Inirapan ko na lamang siya.
"It's okay, baby. Your daddy ninong is just kidding. Right, Piolo?" Sambit ko at tinaasan siya ng kilay. Makuha ka sa tingin, Piolo Pascual!
"Y-yeah. I-I'm just kidding, buddy." Aniya na parang kinakabahan habang nakatingin ako sa kanya. Good boy! Lihim akong napangiti at humarap kay Aeiou na nakangiti na din.
"Let's go, Aeiou?" Tanung ni Audrey na nasa likuran na pala namin.
"But tita, I want to have dinner with Miss Beautiful." Nakangusong sabi ni Aeiou.
"You will little boy. Next time. Right, Ate Aina?" Ngumiti si Audrey sa akin at tumingin din kay Pio. Masyadong halata na kinikilig siya dahil namumula ang kulay porselana niyang balat.
"Yes! Of course. Your Tita Audrey is right, Aeiou.. Don't worry, we'll have our dinner date next time." Agad na napalitan ng malawak na ngiti ang naka busangot na mukha ni Aeiou.
"Okay! Bye daddy ninong and tita Aina!" Nag fist bump sila ni Pio at pagkatapos ay lumapit siya sakin para yumakap.
"Bye Aeiou! Be a good boy, okay?" Sambit ko at hinalikan siya sa pisngi.
"O-opo!" Aniya at tumakbo na patungo sa sasakyan. Kulit!
"Thank you so much for taking care of my nephew, Kuya Zach. Bye Ate Aina." Nagbeso kami ni Audrey at tinanguan lang siya ni Pio.
Magka-akbay kaming pumasok ng bahay na ikinagulat ni Mel.
"Ma'am! Nako jusko! Buti naman at narito kana. Napakaraming pulis ang ipinakalat ni Sir Zach para ipahanap ka. Ipina-broadcast pa si Sir sa telebisyon." Nanlaki ang mata ko sa nalaman.
Alam ko ay nagpatulong lang siya kay Charles pero hindi ko alam na ipina-broadcast nya pa!
Konti lang ang nakakaalam ng engagement party namin dahil ginawa itong pribado. Tanging malalapit na kaibigan sa business world lang ang imbitado.
Nasa labas ang press noong araw na yon dahil sa pagdating namin ni Mira at hindi para sa engagement party. Ang ibig sabihin lang nito ay alam na ng buong Pilipinas ang tungkol sa aming dalawa!
BINABASA MO ANG
Aina's Forgotten Memories
Ficción GeneralAmnesia. Isa sa pinaka nakakainis na sakit na kahit kailan ay ayokong ma-encounter. Pero sa di inaasahang pangyayari ay hindi ko lang basta na encounter ang sakit na iyon dahil sa kasamaang palad ay nagkaroon ako nito. Anong magagawa ko? Di ko nama...