Limang buwan na ang nakalilipas pero wala paring tawag na natanggap si Pio sa ina ni Aina. Nagaalala na siya. Gusto niya nang puntahan ang mga ito sa New York pero hindi pwede dahil tinutulungan niya ang kanyang ina na mag manage ng mga Hotel nila. Hanggang ngayon ay hindi parin nakaka-recover ang kanyang ama mula sa natamo nitong mild stroke.Home schooling nalang siya ngayon dahil nga busy na siya sa opisina. Advance na ang pinag aaralan niya ngayon para makakuha na agad ng diploma at maipagpatuloy ang pagtatrabaho sa Hotel nila.
"Hello? Anung balita? Alam mo na ba kung nasaan sila?" Tanung niya.
"I'm sorry Pio. Wala pang balita. Pero wag ka mag alala nagpapunta na ako ng mga tao sa New York."
"Good. Tutukan mo yan Cy. Salamat."
Dire-diretsong pumasok si Pio sa loob ng Hotel na pagmamayari ng kanyang ama.
"Magandang umaga Sir." Bati ng guard. Tinanguan niya ito at inihagis rito ang susi ng kanyang sasakyan.
"Nasaan si Bert?"
"May pinark pa Sir." Sagot ng guard.
"Good morning Sir." Tinanguan niya nalang ang babaeng receptionist na bumati sa kanya.
Sinalubong siya ng kanyang secretary at iniabot ang papipirmahan nitong papeles.
"Sir, kaylangan na daw po ito ngayon. At mamaya Sir may meeting po kayo with the new investors." Anito.
Habang naglalakad ay binabasa niya ang mga papeles kaya naman di niya napansin ang babaeng paparating..
"Mr. Pascual!" Bati ng babae na pumukaw ng pansin niya mula sa pagbabasa.
"What the hell are you doing here Haley Lim?" Tiim bagang niyang sagot. Simula kasi ng bumalik siya galing New York ay lagi na siyang kinukulit nito.
"May dala akong cookies. Kainin mo yan ha? Ako ang nagbake niyan." Tinanggap niya naman ang binigay ng babae.
"Haley, alam mo naman na.."
"Of course. Alam ko naman na may mahal kang iba. I just want you to be my friend.." Sinserong sabi ng babae.
"Then.. Let's be friends. Salamat sa cookies." Ani Pio. Napangiti naman ang babae at napayakap sa kanya.
"Oooppss! Sorry! Nabigla lang. Hehe." Nahihiyang sabi nito.
"If you'll excuse us Ma'am." Singit ng sekretarya ni Pio at iniabot dito ang telepono.
Sumenyas nalang ang babae na aalis na.
"Hello Cyrus. Anung meron? Kakausap lang natin kanina ah."
"Natanggap mo ba yun picture na in-email ko sayo?"
"Hindi pa. Pero sige tatawagan nalang kita mamaya kapag nakita ko na. Papanik na ako sa office ko. Okay, bye."
"Naiwanan ko ata yung phone ko. Shit!"
"Kukunin ko nalang-"
"No need. Nasa office ba yung laptop ko?"
"Yes Sir."
"Okay good."
Nagmadaling pumunta si Pio sa kanyang opisina sa dulo ng lobby. Pinirmahan niya muna ang sandamakmak na papeles sa harapan nya bago buksan ang laptop. Nagtipa agad sya ng e-mail at password dahil nakaramdam siya ng kaba sa sinabi ni Cyrus. Anong klaseng litrato ba 'yon? Bakit parang nagmamadali na hindi mapakali si Cyrus?
Pipindutin nya na sana ang mensahe ni Cyrus ng biglang nagring ang telepono sa table nya.
"Hello?"
"Sir, hinihintay na po nila kayo sa conference room." Ani ng secretary niya.
"Five minutes." Aniya at binaba na ang tawag.
Pinatay na niya ulit ang laptop at dumeretso na sa conference room.
Natapos ang meeting ng di nawawala sa isip ni Pio yung picture na kailangan niyang tignan. Aalis na sana sa loob ng conference room ng bigla syang tawagin ng isa sa mga investors ng kanilang Hotel.
"Mr. Pascual." Bati ng matanda.
"Good morning Mr. Gamboa." Bati niya rito.
"How's you Dad?"
"Oh! He's getting better now. Pero kailangan pa niyang magpahinga muna. Alam nyo naman po si Dad..." Umiiling niyang sabi.
"You're right. Your Dad is too workaholic hijo!" Humalakhak pa ang matanda.
"So tito. I gotta go. May aasikasuhin pa po ako sa opisina ko." Pagpapaalam niya rito dahil gusto na talaga niya makita yung litrato.
"Ah yes. Of course. But wait!"
"What is it tito?"
"Sa tingin ko ay ka-batch mo lang ang anak kong lalaki. Sa kanya ko kasi ipapamana ang mga ari arian ko, kaya naisip ko na pwede mo siyang matulungan kung paano pagpapatakbo ng isang negosyo. Okay lang ba sa'yo hijo?"
"Oo naman tito. Kailan po ba?"
"Baka next year pa hijo. Nasa New York kasi ang anak ko ngayon at doon nag aaral ng business management."
"New York?" Gulat na tanung niya. Naisip niya na maaaring matulungan siya ng anak ni Mr. Gamboa sa paghahanap kay Aina.
"Oo hijo. Oh siya. Mauna na rin ako." Tinapik na siya na matanda sa balikat at nagpatiuna na itong mag lakad kasama ang secretary nito.
"Kysha." Tawag nya sa sekretarya nya.
"Sir?"
"Hanapin mo sa lahat ng social media accounts na alam mo, yung pangalang Aina Georgina Fulgar."
"Okay sir."
Pumasok na siya sa opisina niya at binuksan na agad ang Laptop.
"What the heck!" Sigaw niya ng makita ang mga litrato sa laptop niya.
Agad niya naman tinawagan si Cyrus. Nanginginig na ang mga kamay niya dahil sa sobrang galit.
"Fuck! Cyrus! Totoo ba yung mga picture na 'yon?!" Asik nya dito.
"Oo Pio. I'm sorry. Sinabi ng tauhan ko na lagi daw kasama ni Aina yung lalaking yan. Nag research na rin ako at nalaman kong anak ng Doctor ni Aina yung lalaking yan." Malungkot na sabi ng kaibigan.
Sa sobrang galit ay naihagis niya ang kanyang telepono sa dingding ng kanyang opisina.
"Bro." Napa angat ang tingin niya sa lalaking kapapasok lang. Si Jaz.
"Jaz... May iba na ata siya.." Ipinakita niya dito yung mga picture na sinend sa kanya ni Cyrus.
"Di pa naman tayo sigurado dyan bro. Puntahan natin sya... Oh! Panyo oh!" Kinuha nya naman kay Jaz yung panyo na inabot nito. Ang hina nya. Ang hina hina niya pag dating kay Aina.
"Ayoko Jaz. Mukhang masaya na sya.." Umiiyak niyang sabi. Pakiramdam nya ay hinang-hina sya sa araw na 'yon. Uminom sila kinagabihan. Naalala nanaman niya yung mga litratong nakita niya.
Yung unang litrato ay nakaakbay yung lalaki kay Aina na mukhang katatapos lang umiyak pero naka ngiti.
Yung pangalawa ay nakayakap si Aina dun sa lalaki. Pareho silang nakauniform. Mukhang kino-comfort nung lalaki si Aina.
At yung pangatlo ay magkahoding hands sila habang papasok ng eskwelahan.
Parang punyal na paulit-ulit sumasaksak sa puso ni Pio ang mga litratong 'yon habang naaalala ang mga pangako nila sa isa't-isa.
"Tingin ko kailangan ko na rin syang kalimutan..."
xx
AN: Dapat na ba talaga niyang kalimutan si Aina? Emegesh. Haha. Vote and comment Loves! XOXO
BINABASA MO ANG
Aina's Forgotten Memories
Ficción GeneralAmnesia. Isa sa pinaka nakakainis na sakit na kahit kailan ay ayokong ma-encounter. Pero sa di inaasahang pangyayari ay hindi ko lang basta na encounter ang sakit na iyon dahil sa kasamaang palad ay nagkaroon ako nito. Anong magagawa ko? Di ko nama...