"Where is Zach?" Naguguluhan kong tanong.Ang buong akala ko ay si Cj ang nagligtas sa akin mula dun sa bastos na lalaki sa bar. Of all people, si Zachary Pascual pa... Si Zach na arogante at suplado.. Si Zach na dapat ay iniiwasan ko na.. Si Zach na daddy ni Aeiou..
"Umalis na sya, kani kanina lang." Nag iwas sya ng tingin na tila may gusto pa siyang sabihin pero pinipigilan niya ang sarili niya.
"Spill it out, Cj.." Kalmado kong sabi.
"Wala naman akong sasabihin.." Pagkakaila niya pa.
"Anong nangyari dyan sa mukha mo?" Tinaasan ko siya ng kilay habang naghihintay ng sagot.
"Nah. Wag mo na akong isipin... By the way, bakit ka sumigaw ng Pio?" Iling niya.
"I'll answer that question. But, you need to answer me first. Where did you get-"
"Zachary punch me." Para akong nabingi sa narinig. Ilang minuto bago nag sink in sakin yung sinabi niya.
"What? Why?!"
"He was fuming mad when-" Hindi na natuloy ni Cj yung sasabihin nya dahil sa pagbukas ng pintuan ng kwarto. Si Doc Garcia kasama si Mommy at Zach.
"I'll go ahead, tita." Si Zach. Malamig niyang sambit kay mommy hinalikan na ito sa pisngi. Malungkot naman na ngumiti sa kanya si mommy at may binulong.
Hindi nya man lang ba ako kakamustahin? Galit pa rin sya? Aalis na sya agad kasi kailangan sya ng anak nya at ng nanay nito? Ni hindi nya man lang ako tinapunan ng tingin! Parang naninikip nanaman ang dibdib ko at nahihirapan akong lumunok dahil sa isipin iyon.
Gusto ko siyang makausap! Pero paano? Gusto kong malaman ang totoo. Gusto kong sa bibig nya mismo manggaling ang katotohanan. Nanlaki ang mata ko ng lumabas na siya ng pinto. Agad akong tumayo para sana sundan sya pero pinigilan ako ni Cj.
"Let her, Callyx." Ani mommy.
"Pero tita.." Nagaalinlangan siyang bumitaw sa akin.
Nagmamadali akong tumakbo palabas ng kwarto at nakita kong papaliko na sya sa elevator ng hospital.
"Zach!" Lumingon sya sandali pero dumiretso parin sa parin sa paglalakad. Mas lalo ko pang binilisan ang takbo ko ng makita malapit na sya sa tapat ng elevator.
"Zach!" Tawag ko ulit. Nahihirapan na talaga akong lumunok. Pakiramdam ko ay konti nalang tutulo na itong namumuong luha sa mga mata ko.
Huminto siya mismo sa tapat ng elevator atsaka humarap sa akin ng walang ekspresyon. Tumakbo ako papunta sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Saktong pagkayakap ko sakanya ay ang pagtulo ng kanina ko pang pinipigilang luha. He stiffened. Siguro ay naramdaman niya ang pagkabasa ng longsleeves nya.
"Pio.." Mas lalo siyang naestatwa sa narinig at bigla niya akong niyakap ng mas mahigpit.
"Nakaka-alala kana?" Aniya. Ang kaninang malamig ay biglang naging malumanay. Na tila nagiingat.
Umiling ako at unti unting kumalas na sa yakap. Saya, gulat at pagkalito ang sinalubong niya sakin.
"B-but you said-"
"Pio.." Ngumiti sya dahil sa pagbanggit kong muli sa pangalan niya.
"Noong dumating kami dito sa Pilipinas, may mga naaalala na ako. Actually, halos lahat ay naaalala ko na. Maliban sa mga pangyayari bago maganap yung aksidente at yung pagbisita nyo sa akin pag gising ko. Ewan ko pero hindi pa daw ako gaano nakaka recover kaya ganun." Paliwanag ko habang naglalakad kami papunta sa bench malapit sa tapat ng elevator.
"Kanina naman, bigla nanaman sumakit yung ulo ko ng may naalala ako mula sa nakaraan... Yung pagligtas mo sa akin dun sa gangsters. Katulad lang din ng nangyari sa opisina mo." Marahan siyang tumango at mukhang naliwanagan na.
"Lets go. Ihahatid na kita sa kwarto mo... Please don't stress yourself too much. Susunduin kita bukas. Mag uusap tayo. Alam kong marami pa tayong problemang paguusapan." Aniya at iginiya na ako pabalik sa kwarto ko.
Nagulat si Mommy at Cj nang makita nila kami. Ngumiti si mommy ngunit si Cj ay biglang tumalim ang tingin kay Pio.
"Tita, susunduin ko po sya bukas." Paalam ni Pio kay mommy at tumango naman ito.
"No need, man. Kaya ko siyang ihatid sa bahay nila. Besides, dun din naman ako natutulog." Mariing sabi ni Cj. Pio clenched his jaw. I can feel the tension between them.
"No thanks. My fianće dont need you.. Dun na kami titira sa bahay NAMIN." Nanlaki ang mata ko dahil sa narinig.
Hindi sumagot si Cj at dirediretso nalang siyang lumabas. Maya maya lang ay napangiti bigla si Mommy. Whats with her? Unti unting lumapit sa akin si Pio at umupo sa gilid ng kama ko.
"From now on, I want you to call me Pio.." Seryoso niyang sabi. Tumango naman ako bilang sagot.
"I'll text you kapag nakauwi na ako. Sleep. Its already midnight. See you tomorrow." Hinalikan niya ako sa noo at saka umalis na.
Nabawasan na ang bigat sa dibdib ko. Bukas ay mapag uusapan na namin lahat ng issue. Sana ay maging totoo lahat ng isasagot niya sakin. Sana ay maging klaro ang lahat sa amin bukas. Mas gugustuhin kong masaktan sa katotohanan kaysa maging masaya sa kasinungalingan.
BINABASA MO ANG
Aina's Forgotten Memories
General FictionAmnesia. Isa sa pinaka nakakainis na sakit na kahit kailan ay ayokong ma-encounter. Pero sa di inaasahang pangyayari ay hindi ko lang basta na encounter ang sakit na iyon dahil sa kasamaang palad ay nagkaroon ako nito. Anong magagawa ko? Di ko nama...