What the hell.Are they really serious?! Engagement party ko ba talaga 'to? Bakit hindi ko alam 'to? Di ako nainform! Again, what the hell!
Pero.. Totoo nga..
Na realized ko yan mabasa ko yung pangalan ko na nakapaskil sa stage mismo na may isang napakalaking LED screen.
"WELCOME TO AINA AND ZACHARY'S ENGAGEMENT PARTY" malakas na basa ni Almira sa nakasulat doon. Nangaasar pa ang bruha. Who the hell is Zachary?!
"Mom! Sino ba 'yong Zachary na yun? At ano 'to?! Bakit may ganito?!"
"Anak may magaganap kasi na merger. Napag meetingan na pala ng tito mo ito at ng may ari ng hotel na 'yon ang arrange marriage kaya eto ka ngayon. Kailangan nila ang company natin at kailangan din natin sila. Nagkakaproblema na ang company ng Daddy mo anak. Kailangan nating maisalba itong pinaghirapan ng daddy mo." Halos parang maiiyak ng sabi ni Mommy.
Hindi ko hahayaang mawala yung companyang pinaghirapan ng Daddy ko. Hindi ko man maalala kung gaano nya ito pinaghirapan o kung paano nya ito pinalaki, ramdam ko naman kung gaano ito kahalaga sa ama ko base sa mga taong nakapaligid sa akin at sa nararamdaman ng puso ko. Kaya nakapag desisyon na ako...
"Okay mom. I'll do it for Dad. I'll save his company." Pagtatapos ko ng usapan.
"Pero mom? Kilala mo ba yung Zachary na 'yon?" Takang tanung ko. Bakit wala pa ata dito?
"Hindi ko kilala kung sino anak. Pero paparating na daw 'yon sabi ng Tito Alex mo." Tumango nalang ako sa sinabi ni Mommy.
"Mom, puntahan ko muna si Mira." Nagpaalam ako kay mommy at pumunta na kay Mira na may kausap ng lalaki. Aba't pormahan daw ba ang pinsan ko?!
"Mira! Lets go." Hinawakan ko yung braso nya para sana hilahin na sya papunta sa table namin ng tawagin ako ng kausap niya.
"Aina? Aina!" Nagulat ako ng yakapin ako nung lalaki. What the! Sino ba sya? Tinulak ko sya ng bahagya kaya napakalas naman agad sya sa yakap.
"Ahmm.. Who are you?" Takang tanung ko.
"Hello... si Quir 'to! Anong nangyari? Ang ganda mo lalo ha? Its been eight years! I miss you so much." Napakunot yung noo ko sa pinag sasasabi nya kaya tumigil sya.
"Ahmm, excuse me Chef Quir. May amnesia kasi yung pinsan ko." Pagpapaliwanag ni Almira. Parang mas lalo naman naguluhan si Chef.
"You mean... because of that night-"
"Quir!" Bati ni Mommy na nasa likod na pala namin.
"Oh! Hi Tita." Masayang bati ni Chef kay mommy at nakipagbeso dito.
"Can we talk for a while hijo?" Tanung ni mom.
"Yeah. Ofcourse tita. Excuse me ladies." Aniya at sumunod na kay mommy.
"I think you already know each other?" Ani Mira habang sinusundan namin ng tingin sila mom. Parang pinagsasabihan nya si Chef.
"You think so?" Tumango nalang sya.
Nagulat kami ng biglang nag dim yung lights. Lumapit naman agad sa amin si Mommy na ngayon ay kasama na ni Tito Alex at si Chef.
"Hija? Lets go. The party will start in ten minutes." Ani Tito.
Nauna ng maglakad si tito at mom. Ngumiti naman si Chef na nakatayo parin sa harapan namin.
"Congrats." Aniya at ngumiti.
Nginitian ko din sya at sumunod na kila mommy kasama si Mira.
"Sino kaya yung Zachary na yon? Sana naman gwapo yung fiance mo cous." Aniya.
"We'll know that later cous. Baka nandyan na nga yun at papasok na dito." Sagot ko at saka umupo na sa unahang table para sa amin.
Napatingin kaming lahat sa entrance ng function hall kung saan nagmumula ang ingay.
"Sa tingin ko sila na yan." Nakangiting sambit ni tito.
"Sir Alex, sisimulan na po natin ang program." Ani nung babae kay tito. Organizer siguro.
Bigla naman binundol ng kaba ang puso ko. Hindi ko alam kung para saan yung kabang nararamdaman ko ngayon. Para ba sa fiance ko o sa para sa gaganaping party na ito.
Umupo sa kabilang table katabi namin ang mga taong pinagkaguluhan kanina ng mga reporters. Old man at mukhang anak niya yung kasama niya. May kasamang babae yung lalaking naka tux at mukhang napakapormal nito. Nakatalikod ito sa amin kaya hindi ko maaninag ang mukha nito.
"Oh! There he is! Emilio." Tawag ni tito dun sa old man. Ngumiti naman ito at lumapit sa amin.
"Alex! Ito na ba 'yong fiance ng aking unico hijo?" Nakangiting sabi nito.
"Siya na nga. My beautiful niece, Aina. Hija, he's the father of your fiance Zach." Pagpapakilala ni tito. Nakangiting naglahad ng kamay ang matanda at malugod ko namang tinanggap iyon.
"You're right Alex. Napakaganda nga ng iyong pamangkin. Bagay na bagay sila ng aking anak. Sandali at tatawagin ko.." Tumalikod sandali ang matanda at tinawag ang kaniyang anak.
"Aina this is my son and your soon to be husband, Zach. Piolo Zachary Pascual." Piolo? Pio-lo. Pio.. Parang pamilyar yung pangalan na 'yon pero hindi ko matandaan kung saan ko narinig. May naramdaman akong kakaiba ng makipagkamayan sa lalaki.
Naka corporate attire si Zach. Parang isa sya sa mga nakaka sama kong model sa New York. Makikita mo talaga na well built ang mga muscle niya. Firm. At hindi na ako nagtaka kung bakit nagkagulo yung mga tao sa entrance ng function hall. Para kasing isang greek god itong kaharap ko.
"Aina.. " Aniya ng nakangisi. May kakaiba talaga akong nararamdaman sa aura nya.
Matalim ang mga titig niya sakin at kitang kita ko ang galit , poot at pangungulila doon.
Wait... pangungulila..
Bakit naman may pangungulila? Guni guni ko lang siguro 'yon.
"Let's call on.. The soon to be Mr. And Mrs. Pascual!" Sigaw ng organizer. Nagpalakpakan naman ang mga tao sa loob habang inaalalayan akong umakyat ni Zach.
Nakita ko naman na nakasunod sa amin si Mommy at si Mira. Si tito Alex at ang Dad niya ang nauna sa stage. Ibinalita nila ang magaganap na merging sa pagitan ng mga companya namin.
"Kiss!"
"Kiss!"
"Kiss!"
Sigaw ng mga tao pagkatapos ng speech ni Tito at ni Mr.Pascual. Napatingin naman ako kay mommy na tila hindi maipinta ang mukha. Alam kong pilit lang yung mga ngiti niya. Mamaya ko nalang sya tatanungin pag uwi sa bahay.
"Kiss daw." Seryosong sabi ni Zach.
Unti unti niyang nilapit yung mukha niya sa sakin hanggang sa maglapat yung mga labi namin. Nanlaki ang mata ko sa sobrang gulat. Although its just a peck on the lips, we still kissed infront of the crowd.
xx
AN : Hihihi. Excited na ako sa next chapter. Vote and comment! XOXO
BINABASA MO ANG
Aina's Forgotten Memories
General FictionAmnesia. Isa sa pinaka nakakainis na sakit na kahit kailan ay ayokong ma-encounter. Pero sa di inaasahang pangyayari ay hindi ko lang basta na encounter ang sakit na iyon dahil sa kasamaang palad ay nagkaroon ako nito. Anong magagawa ko? Di ko nama...