Chapter 37

83 6 0
                                    


Paglabas ko ay may lumapit sa aking batang lalaki, tingin ko ay nasa limang taon na ito.

"Hello po!" Bati niya.

"Hello din little boy.." Nakangiti kong sabi. Nanlaki ang mata ko ng bigla siyang sumimangot.

"I'm not a little boy anymore, I'm already a young man." Patampo niyang sabi at ngumuso pa.

"Okay, okay. Whats your name young man?" Natatawa kong sabi kasi ngumiti na sya agad.

"Aeiou Elcaldre po.."

"Ah.. Sinong kasama mo?"

"My Dad and my Mom. And, oh! This is for you." Aniya at inabot sa akin ang kulay pulang rosas na galing sa likuran niya, habang nag aayos pa ng sumbrerong suot niya. He's so adorable!

"Wow! Thank you. Its so beautiful."

"Yeah. Its beautiful like you." Aniya at kumindat pa na ikinatawa ko.

Maya-maya pa ay hinatak niya ako papunta sa dalawang taong nag uusap sa isang bench. Ipapakilala niya daw ako sa Daddy at sa Mommy nya.

"Mommy! Mommy!" Sambit niya at hinatak niya ako sa harap ng isang babae.

"Aeiou! Where have you- Oh!" Nagulat siyang ng napagtanto niyang hinatak lang ako ng anak niya.

"Hello miss! Kinulit ka ba nitong batang 'to? Naku pasensya na ha.." Nakangiti niyang sabi sa akin at kinuha na si Aeiou paupo sa bench.

"Ah, no problem. He's sweet. He gave these flowers." Inangat ko ang mga bulaklak at ngumiti.

"Oh haha. Babaero 'to eh."

"No, I'm not!" Tutol ni Aeiou. Nagkibit balikat naman yung mommy niya at ngumisi na tila nang aasar pa.

"By the way, I'm Haley Andrea Lim..." Naglahad siya ng kamay at agad ko namang tinanggap iyon.

"Aina Georgina Fulgar.." Agad na nagbago ang ekspresyon nya pagkarinig sa pangalan ko.

"Panget.." Pamilyar na boses ng lalaki mula sa likod ang tumawag kay Haley. Kilala ko sya. Kilala sya ng puso ko dahil sakanya lang 'to naghuhuramentado ng ganito. Hindi ako pwedeng magkamali.

"Daddy!" Parang may punyal na tumusok sa puso ko ng mapagtanto ang mga nangyayari.

Mommy? Daddy? Anak niya si Aeiou?

"Oh! Aeiou!-"

"I think I have to go. Nice meeting you Haley. Bye Aeiou." Ngumiti ako at diretso ng umalis patungo sa tent namin. Narinig ko pa ang pagtawag ni Aeiou pero hindi na ako lumingon.

"Hey, what happened?" Salubong ni CJ sa akin nang makita akong papasok sa tent.

"H-huh?" Kunot noo ako ng tumingala sa kanya.

"Why are you crying?" Nag-aalalang tanung niya habang pinupunasan ang basa ko na palabg pisngi. Ni hindi ko namanlayan.

"Napuwing lang ako." Ngumiti ako ng pilit at pinunasan na ang aking basang pisngi.

"Are you sure?" Tanung niya ulit.

"Of course. Uuwi na ba?" Pag iiba ko ng usapan. Tumango siya naman siya  at pinapasok na ako sa loob kung nasaan naroon ang girls at nag aayos.

"Excited na ako para mamaya!" Ani Ehla.

"Me too!" Si Demi.

"Anong meron mamaya?" Tanung ko ng makalapit sa upuan kung nasaan nakalagay ang gamig ko.

"Bar hoping." Sagot ni Mira na napakalapad ng ngiti.

"Namiss ko 'yon!" Ani Ehla.

"Na-miss nyo? Hindi ba kayo lumabas noong wala na kami ni Mira?" Sabay na umiling sina Demi at Ehla.

"Ohhh.." Lumapit kami ni Mira sa kanila at nag group hug.

"Sali kami." Ani Jayson at Cj.

"Yiiieee. Miss na miss nyo kami masyado ah. Tara na!" Biro ni Mira.

Because its already six in the evening when we got home, we decided to take a nap. We are all tired, at kung hindi kami magpapahinga ay baka maaga palang ay umuwi na kami. Kaya nagpasya kaming matulog muna para kahit abutin kami ng madaling araw.

"Sunset na pala... Ang ganda no?" manghang sabi ng babaeng.

"Oo ang ganda.. mo." Sagot nung lalaki sa babae.

"Baliw ka talaga!"

"Oo, sayo." Aniya at kumindat pa.

"Ewan." Sagot ng babae.

Umayos ng upo ang lalaki na kagagaling lang sa pagidlip. Inakbayan niya ang babae at isinandal sa balikat nya.

"Uuwi na ba tayo?" Tanung ng babae.

"Yup. Maya maya. Sabi ko sayo diba may gagawin pa tayo?" Ani ng lalaki. Maya maya pa ay may pinindot ito sa telepono at itinapat sa tenga.

"Hello? Yes, gawin nyo na." Aniya sa kausap nya sa cellphone.

*Boom *Boom *Boom

Napatingin ako sa kalangitan at doon nakita ang nag gagandahang iba't-ibang kulay ng fireworks.

"Surprise Love!" Aniya at saka hinila ang babaeng kasama niya patayo.

"Pi..."

"Nagustuhan mo ba Love?" Niyakap nya mula sa likuran ang babae at may isinuot sya sa leeg nito. Necklace. A heart shaped necklace.

"Couple necklace." May isa pang kwintas na inilabas yung lalaki na katulad sa babae.

"Wow. Thank you Pi! I love you!" Niyakap siya ng babae at doon umiyak sa dibdib nya.

"Hey! Hey! Stop crying! Love?" Itinaas ng lalaki ang mukha ng babae at hinalikan ito sa noo.



"Ai! Wake up!"

"Gising na girl!"

"Cous! Gigising ka ba o gigising ka? Dadaganan talaga-"

Pagdilat ko ng mata ko ay bumungad sa akin sina Almira, Demi at Ehla. Anong problema nitong mga 'to?

"Ano ba?" Inaantok kong sabi.

"Gumising kana. Alam mo kung anong itsura mo kanina habang natutulog? Nakangiti tapos umiiyak!" Bumangon ako at tinignan yung pinsan ko ng masama. Pinag titripan ata ako nito eh.

"I'm deadly serious!" Aniya.

"Oh sige na. Mag prepare kana girl." Ani Ehla.

"Mag paganda ka girl. Haha. Bihis na din kami." Paalam ni Demi at lumabas na.

"Bye, cous!" Ani Mira at sumunod na palabas.

Ano ba yung panaginip ko kanina? Ilang beses ko na yun napanaginipan pero hanggang ngayon di parin clear yung mukha ng babae at lalaki. Konektado ba yun sa past ko? Paano kung ako yun? Sino yung lalaki?

Shit. Sumasakit nanaman yung ulo ko. Laging nalang ganito ang nangyayari tuwing nagiisip ako ng tungkol sa past at kapag pinipilit kong alalahanin yung mga nangyari sa panaginip ko.

Hinagilap ko yung gamot ko at dumeretso na sa bathroom. Nagbihis ako ng itim na dress at itim na high heels. Tamang kapal lang ng make up ang nilagay ko sa aking mukha. Pagbaba ko ay nandoon na sila CJ, Jayson at Mira.

Aina's Forgotten MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon