"Mom, please stop crying.. Calm down.. What happened?"
"Your Dad is in the hospital right now..."
"What?! Okay okay. Sa isang araw po nandyan na ako. Calm down Mom. I'll call Cyrus."
Pagkababa ng telepono ni Pio ay sakto naman pag pasok ng ina ni Aina.
"Sino yon hijo?"
"Si Mommy po. Nasa hospital daw po si Dad ngayon..."
"Ano bang nangyari hijo? Baka kailangan mo ng umuwi para may kasama ang Mommy mo.."
"Sa isang araw po tita. Uuwi na po kami.."
"Are you okay?" Tanung ni Aina ng umupo si Pio sa gilid ng kama niya.
"Syempre. Kasama kita eh." Ani Pio at saka ngumiti.
Ngayong araw na ang alis nila Pio pabalik ng Pilipinas. Kaya naman nagligpit na sila ng gamit at dumeretso na sa hospital para magpaalam kay Aina.
"Bye Georg! Bilisan mo na dyan sa theraphy mo nang makauwi kana ng Pinas. Miss ko na yung kamalditahan mo. Love you girl." Niyakap na ni Jhen si Aina na naka ngiti lang sa kanila.
"Ai, sorry kung saglit lang kami dito. Pero pag uwi mo magbobonding tayo." Ani Jaz at nakipag apir naman kay Aina.
"Wag ka magalala dito kay Pareng Pio, Ai. Ako na bahala magbantay dito. Saka sa kay Oreo." Ani Charlie at kinindatan nya pa si Aina. Habang ang sama ng tingin sa kanya ni Jhen at binatukan naman sya ni Jaz.
"Huy! Charles. May katext ka nanaman!" Suway ni Charlie sa supladong kakambal.
"Oh! Ahhm. Wag kang maguguluhan sa mga pangyayari sa paligid mo. Ang mahalaga lang ay yung sinasabi ng puso mo. Good luck sa pagpapagaling mo Ai." Nakipag apir naman si Charles, for the very first time. Nakangiti din sya.
"Magiingat ka dito ha? Kahit di mo ako naaalala, alam ko naman na mahal mo ako eh. Pero lagi mong tatandaan na mas mahal kita. Bye for now Love. I'll see you soon." Pagpapaalam niya kay Aina habang magkasiklop ang mga daliri nila.
"We'll see each other soon. I love you all. And thank you for being here." Isa isa na silang nagsitayo mula sa sofa at lumapit kay Aina para mayakap ito.
"Kung pwede lang ako magpaiwan ay gagawin ko..." Ani Pio habang nakayakap kay Aina.
"Pero kaylangan mong puntahan ang Daddy mo kaya wag matigas ang ulo." Aniya at tinap ang likod ni Pio.
Tumango ito at tumayo na. Nag squat si Pio at hinalikan sa noo si Aina. Napangiti naman ang dalaga habang nakapikit.
"Mahal kita." Sabay nilang sabi sa isa't-isa.
"Yiiieee! Nako nilalanggam na tayo." Napahalakhak naman si Aina. Na ikina-pout ni Pio kaya lalo syang natawa.
"Im gonna miss your laugh." Nakapout parin sa sabi nito.
"Can I borrow your phone?" Biglang tanung ni Aina.
"Here." Inabot naman agad ni Pio ang cellphone nya.
"Let's give them some privacy?" Nauna ng lumabas si Charles at sumunod naman sa kanya ang tatlo.
"So anung gagawin mo? Magpipicture?" Nagtatakang tanung ni Pio. Naalala nya na tuwing aalis sila ay nagpapalit sila ng phone ni Aina pero laging selfies naman ang nakikita nya.
"Voice record?" Natatawang sabi ng dalaga.
"Oh! Okay? Para may mapakinggan ako kapag namimiss na kita." He pinched the tip of her nose.
"Hi! Do you miss me? I miss you too!"
"I love you Love!"
"Sending hugs and kisses from New York."
"Wake up! Lagot ka sakin kapag na-late ka!"
"This is Aina Georgina speaking. I just want to say that I'm inlove with Piolo Pascual."
"Ako'y sa'yo at ikay akin lamang..."
Yung huli niyang nirecord ay kinanta niya. Yun yung paborito nilang pakinggan habang nagpipicnic sa burol.
"There! Okay na ba yan?" Natatawa niyang sabi. Di naman makapaniwala sa Pio sa ginawa ni Aina.
"Okay na okay! Hahahaha. I love you." Aniya at niyakap ulit ang dalaga.
"I love you too." Anito at gumanti rin ng yakap.
"GROUP HUG!!!" Sigaw ni Jhen.
Tumakbo yung apat at nakisali narin sa yakapan. Nag group picture din sila hanggang sa mapagod.
"Guys papatulugin ko muna yung prinsesa ko..." seryosong sabi ni Pio habang nakatingin kay Aina na kakatapos lang mag hikab. Malapit na maglunch pero sa byahe na sila kakain dahil hinihintay na sila ng private plane.
"Sige Bro, labas na kami. Ai? Mauna na kami." Pagpapaalam ulit nila.
"Napagod ka love?"
"Hindi naman masyado. Okay lang. Masaya nga ako at nandito kayo. Pero wala talaga akong maalala na mga pangyayaring kasama ko kayo." Naguguluhang sabi nya.
"Don't worry, tutulungan ka namin makaalala pag nakabalik ka na ng Pilipinas. Pero sa ngayon, magpahinga kana.."
"Aalis kana ba kapag nakatulog na ako?"
"O-oo eh.."
"Ah, ganun ba..." Disappointed na sabi ni Aina.
"Pero wag ka magalala bibisitahin kita kapag bakasyon na. Saka three months lang naman at babalik na kayo ng Pinas hindi ba?" Ani Pio. Nagkibit balikat nalang si Aina dahil hindi naman niya alam ang isasagot.
Inalalayan ng humiga ni Pio si Aina at kinumutan ito. Pinag siklop niya ang mga daliri nila at nanatili siyang naka titig kay Aina.
"Ikaw na ang may sabi, na ako'y mahal mo rin..
At sinabi mo, na ang pag ibig mo'y di magbabago..
Ngunit bakit, sa tuwing ako'y lumalapit ika'y lumalayo..
Puso'y laging nasasaktan pag may kasama kang iba..
'Di ba nila alam, na tayo'y nag sumpaan..
Na ako'y sa'yo at ika'y akin lamang."
Pagkatapos niyang kumanta ay pasimple niyang pinunasan agad yung luhang pumatak mula sa mata niya. Tumayo na sya at hinalikan sa noo si Aina na payapa ng natutulog ngayon.
"I love you so much Love.. Ikaw lang."
Kinuha nya ang cellphone sa gilid ng hospital bed na siguradong pagaari ni Aina. Vinideo nya ang sarili nya gamit ang cellphone ni Aina bago lumabas ng kwarto.
"Hi Love,ako nga pala yung gangster na binago mo." Kumindat pa si Pio sa video.
"Thankful ako na dumating ka sa buhay ko. Nabago mo ako eh. Natama mo yung mga mali sakin. Thank you sa pagpaparamdam na mahal mo rin ako. Pero tandaan mo na mas mahal kita. Mahal na mahal na mahal na mahal kita. Hindi ako magsasawang sabihin yan sa'yo... Again, I love you so much. Ikaw lang." Kiniss pa ni Pio 'yung camera at napahalakhak dahil sa ka-corny-han niya.
Nagsulat sya sa isang maliit sa papel at dinikit sa phone ni Aina tapos ay tumayo na. Umalis sya sa hospital ng magkahalong lungkot at saya ang nararamdaman niya.
xx
AN: Speechless. Haha. Vote and comment loves. XOXO
BINABASA MO ANG
Aina's Forgotten Memories
General FictionAmnesia. Isa sa pinaka nakakainis na sakit na kahit kailan ay ayokong ma-encounter. Pero sa di inaasahang pangyayari ay hindi ko lang basta na encounter ang sakit na iyon dahil sa kasamaang palad ay nagkaroon ako nito. Anong magagawa ko? Di ko nama...