Prologue
Patuloy ang paglalaro ni Emmy sa kanyang lapis habang nakatitig sa orasan ng kanilang classroom. Nasa tabi nya ang kanyang kaibigan na si Ramin na kanina pa siya sinusuway.
"Shh! Emmy! Itigil mo nga yan. Baka mapagalitan ka ni Ma'am. Terror pa naman to." pabulong na sabi ni Ramin kay Emmy na sinagot lang nito ng isang irap.
Bahagyang napatawa si Ramin sa inasta ng kaibigan sabay sabing, "Bahala ka nga diyaan." Ngunit bigo ito dahil hindi manlang siya pinansin ng kaibigan.
*KRING*
Isang mahabang tunog ng bell ang narinig sa buong eskwelahan, ibig sabihin ay recess na. Dali daling nagsilabasan ang mga estudyante na nauna pa talaga sa kanilang guro. Napabuntong hininga nalang ito habang nakatingin sa mga estudyante nyang halos hindi na magkasya sa pinto ng room nila.
"Tara na?" yaya ni Ramin kay Emmy na busy pa sa pag-aayos ng bag nito. "May baon ka ba?" kapag kuwan ay tanong muli ni Ramin ng hindi sumagot si Emmy.
"Wala e. Bababa ka ba sa canteen?" tanong naman ni Emmy dito.
"Ah, oo sana. Hindi ka sasama? O magpapabili ka nalang?" sagot ni Ramin ngunit nananatiling nakatitig lamang sakanya si Emmy na talaga namang ipinagtataka ng binata. "Alam mo kanina ko pa napapansin na parang wala ka sa sarili mo. May problema ba Em?"
"Ha? Aah. Wala naman to. Haha. Kung ano yung bibilhin mo yun nalang rin ang akin." sabay ngiting aso niya sa kaibigan na ikinakunot lang ng noo nito.
Wala ng nagawa pa si Ramin kundi ang iwan si Emmy sa classroom upang bumili ng pagkain sa canteen. Habang naglalakad siya sa hallway ay napansin niya ang mga nagkukumpulang estudyante. Nacurious siya sa kung anong pinagkakaguluhan nila kaya nakisiksik narin siya sa mga ito. Ngunit laking gulat niya ng nagsitilian ang mga ito.
"Aaayyy! Ramin! Ikaw pala!" bati sakanya ng isang babaeng hindi niya kilala. Napakunot noo siya nang bigla nitong tapikin ang balikat niya. "Bigyan nyo nga ng daan si Ramin!" sigaw muli ng babae na ikinamangha naman ni Ramin dahil sumunod ang mga ito sakanya.
"Grabe. Ano bang mayroon dito?" bulong ni Ramin sa sarili niya habang iniiwasan ang mga titig ng mga babaeng nakapalibot sakanya. Alanganin siyang naglakad papalapit sa bulletin board na pinagkakaguluhan pala nila.
Wala namang nakita si Ramin na nakapukaw ng atensiyon niya bukod sa mga announcements, deadlines at mga clubs. Wala naman kasi siyang maalala na sinalihan nila ni Emmy. Napakamot nalang siya sa ulo niya sabay dahan dahang umatras papunta sa canteen. Pakiramdam niya ay matutunaw siya sa titig ng mga babae sakanya.
Pagdating niya sa canteen ay agad niyang hinanap ang mga paboritong pagkain ng kaibigan. Masaya niyang nililibot ang buong canteen. Bata palang sila ni Emmy ay matalik na magkaibigan na talaga sila. Lahat ng paborito ng isa't isa ay kabisado na nila. Masaya niyang bitbit ang mga pagkain habang nasa isip niya ang matamis na ngiti ni Emmy kapag nakita nito ang mga paborito nitong pagkain.
"Ate magkano dito?" ngitiing ngiting turo ng binata sa isang rosas. Nakapagtataka man dahil hindi naman Valentines day pero may nagtitinda ng rosas sa labas ng Canteen nila.
Malugod siyang nginitian ng aleng nagtitinda at sinabing, "Libre nalang sayo iho." Gulat namang napatingin sakanya si Ramin. "Naku ho, may pambayad naman po ako." nag-aalangang sabi ni Ramin.
"Naku! Sayo na iyan at ng makapagtapat ka na sakanya." makahulugang sabi ng Ale kay Ramin. Agad dinampot ng ale ang pulang rosas na tinititigan ni Ramin tsaka niya ito inilagay sa kamay ng binata.
BINABASA MO ANG
CHASING DREAMS
General FictionHanggang saan ba ang kaya mong gawin para sa mga pangarap mo? Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo para sa mga bagay na gusto mo? Hanggang kailan ka handang magtiis para makamit ang mga ito? Paano kung sa kagustuhan mong maabot ang mga pangarap m...