Chapter 15
Emmy
Nagising ako na sobrang sakit ng mga mata ko. Hindi nanaman ako nakatulog ng maayos dahil sa kakaisip.
Note to self: Kapag nakita ko si Ramin ay talagang uupakan ko siya.
Kahapon ay nagkulong lang ako buong araw dito sa kwarto ko. Ewan ko. Nahihiya ako na hindi ko malaman. Ayokong makita si Ramin. Natatakot ako na nahihiya na natatae. Nakakainis. Buti nga't naging tahimik ang buong Sabado ko dahil hindi naman siya nagpakita at nangulit.
Nagpapalusot pa nga ako kahapon kila Mama na marami akong assignments at projects para lang 'wag nila akong pilitin na lumabas. Ugh! Ayoko kasing makita si Ramin. Kailangan kong mag-isip.
Psh! May pa-'I love you Em'pa siyang nalalaman nung Friday ng gabi tapos kinabukasan ni anino niya hindi ko nakita. Ano 'yon? Paasa lang?
Eh ano bang kinaiinis ko? Ayaw ko ngang makita 'di ba? Oh bakit ako nagrereklamo. Para namang kaya ko siyang harapin kahapon kung sakali ngang nagkita kami.
"Aah!!" sigaw ko sabay sabunot sa buhok ko.
Mababaliw ako sa kakaisip dahil diyaan kay Ramin. Bakit ba naman kasi ganoon? Bakit ang lambing ng pagkakasabi niya nung magic words na 'yon? Bakit parang totoo? Bakit parang higit sa kaibigan lang?
'Nag-a-assume ka na naman!' sigaw naman sa akin ng isang bahagi ng utak ko.
I sigh. Oo nga. Baka naman nag-a-assume lang talaga ako? Baka ako lang 'yong umaasa? 'Di ba sabi nila walang magpapaasa kung walang aasa? Baka binibigyan ko lang ng malisya? Paano kung wala lang pala 'yon?
Lalo akong na-stress sa mga naiisip ko. 'Yan tayong mga babae eh. Nature natin na mag-overthinking. Pero promise nakakainis talagang isipin na hindi ko na malaman ang gagawin tapos sa kanya wala lang pala 'yon. Naku!
Mabuti pa't tumayo na ako dito sa higaan at maligo na ng maging maayos naman ang takbo ng utak ko. Napapraning na ata ako eh.
Pagtapos kong maligo at mag-ayos ay bumaba na ako para makakain. Narealize ko lang na sobrang aga ko palang bumangon. Nag-aayos palang si Mama ng mga binili niya galing palengke. Nakakalungkot lang isipin na wala pa palang pagkain.
"Oh ang aga mo naman atang gumising ngayon? Mag-a-ala singko palang Nak." bati sa akin ni Mama.
"Ewan Ma? Body clock siguro?" sagot ko sabay takip sa bibig dahil napahikab ako.
Ugh! Puyat nga pala ako pero hindi ko na kayang makatulog uli. Hikab lang ako ng hikab. Nakakaloko.
"Aah ganoon ba? Akala ko kasi may lakad kayo ni Ramin kaya maaga ka?"
Right after she said that ay natapilok ako sa hagdan. Hindi ko napansin. Akala ko last step na, dalawa pa pala. Clumsy. Chineck ko kaagad ang paa ko at mukhang ayos pa naman siya. Hindi naman na-injured kaya nakahinga ako ng maluwag.
Napaangat ang tingin ko ng biglang tumawa si Mama. Automatic naman na napakunot ang noo ko.
"Ikaw talaga Em. Guilty agad?" tatawa tawang sabi niya.
Hala? Si Mama tumi-teenager ampeg?
"Ano nanaman ba 'yan Ma?" naniningkit ang mga matang tanong ko.
"Haha. Wala naman Nak. Naisip ko lang na mula bata pa lang kayo ni Ramin eh talagang close na kayo. Even nung nabubuhay pa si Papa mo, I mean 'yong real father mong si Gustave."
Lumingon siya sa akin at nanatili naman akong nakatitig sa kanya kaya naman nagpatuloy na lang siya sa pagsasalita.
"I just wonder kung wala ba talaga?"
BINABASA MO ANG
CHASING DREAMS
General FictionHanggang saan ba ang kaya mong gawin para sa mga pangarap mo? Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo para sa mga bagay na gusto mo? Hanggang kailan ka handang magtiis para makamit ang mga ito? Paano kung sa kagustuhan mong maabot ang mga pangarap m...