Chapter 9
Emmy
Nagulat nalang ako sa biglang pagtawag sa akin ni Anna. Mukhang may importante siyang sasabihin dahil dama ko yung urgency sa boses niya. Hindi ko inaasahan 'yung ipinakita niya sa aking picture nila Ramin at Natalie.
"Ha? Hindi kayo sabay na umuwi kahapon ni Ramin?" tanong sa akin ni Anna.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. "Iniwan ka ni Ramin?" tanong niyang muli sa akin.
Paano ko ba sasabihin na umuwi ako mag-isa? Na iniwan ako ni Ramin? Na naholdap ako? Na may nagligtas lang sa akin? At hindi 'yon si Ramin. 'Yong nag-iisang taong inaasahan ko ay wala kung kailan mas kailangan ko siya.
Naikuyom ko na lamang ang kamay ko. Hindi ko alam kung bakit may nararamdaman akong kirot sa dibdib ko habang nakatingin ako sa picture nila Ramin at Natalie.
"A-ah Anna. M-May nakalimutan pala ako." nanghihinang sabi ko kay Anna tsaka ako tumakbo papalayo sa kanya.
Bakit ganon? Bakit mukhang masaya pa si Ramin habang kasama niya si Natalie? Bakit pakiramdam ko bagay sila? Eh ano namang pakialam ko kung bagay sila ng bestfriend ko? Wala namang masama kung maging sila ni Natalie. Maganda naman siya, bagay sila.
"Oh!" sambit ko ng may bigla akong nabangga. "Sorry." hingi ko ng paumanhin dito.
Nagpatuloy ako sa pagtakbo. Saan ba ako pupunta? Lumalabo na ang paningin ko. Ano bang nangyayari sa akin?
Nagdadagsaan na 'yong mga estudyante sa corridor dahil malapit ng magsimula ang klase pero wala na akong pakialam. Kailangan kong makalayo sa mga tao. Ayokong makita nila akong mahina. Ayokong makita nila akong umiiyak.
Oo. Umiiyak na pala ako kaya nanlalabo na ang paningin ko habang tumatakbo. Bakit ba ang daming tao dito? Agad kong kinuha 'yong panyo ko sa bulsa nang may biglang nahulog mula rito.
Matagal pa akong nakatitig sa bagay na nahulog sa bulsa ko tsaka ko lang naalala ang lahat.
'Yong susi sa may Music Room. Nasa bulsa ko parin pala 'to? Buti hindi nawala? Bakit ko ba nakalimutan?
Bigla namang nag-flashback sa akin 'yong araw na natuklasan namin ni Anna 'yong music room sa may second floor ng building. Naalala ko 'yong biglang pagtugtog ng piano kahit na wala namang tao doon sa loob dahil nakalock 'yon.
Doon nalang kaya ako pumunta? Buti pa doon walang makakakita sa akin. Pwede ko naring makita 'yong kabuuan ng music room. Malalaman ko narin kung may tao ba talaga doon o wala.
Pinulot ko ng muli 'yong susing nasa harap ko. Hinawakan ko 'yon ng mahigpit. Buo na ang desisyon ko. Pupunta ako sa music room. Naku-curious narin kasi ako kung anong mayroon doon sa loob.
Dali-dali akong nagtungo sa kabilang side ng building kung nasaan nakatapat 'yong music room na nasa tabi lang ng hagdan. Dahan dahan akong bumaba papunta sa second floor. Pasulyap sulyap naman ako sa paligid ko dahil baka may makakita sa akin.
Paano pala kung bawal pumasok sa music room? Paano kung may makakita sa akin? Paano kung may magsumbong at mapagalitan ako?
Napailing iling nalang ako sa naisip ko. Lalong humigpit ang kamay ko sa susing hawak ko.
Titingnan mo lang naman saglit 'yong loob ng Music room Em. Wala namang masama doon e. Sisilip ka lang saglit tapos babalik kana sa classroom mo.
"Tama. Madali lang ako doon." bulong ko sa sarili ko.
Determinadong lumapit ako sa tapat ng pinto ng music room. Napabuntong hininga ako habang nananatiling nakatitig sa susi na nasa kamay ko.
BINABASA MO ANG
CHASING DREAMS
General FictionHanggang saan ba ang kaya mong gawin para sa mga pangarap mo? Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo para sa mga bagay na gusto mo? Hanggang kailan ka handang magtiis para makamit ang mga ito? Paano kung sa kagustuhan mong maabot ang mga pangarap m...