Chapter 14

23 9 0
                                    

Chapter 14

Emmy

Nandito kami ngayon sa labas ng school. Sinasamahan namin si Anna na maghintay sa sundo niya. Nagtataka na nga ako dahil kanina pa sila nagbubulungan ni Ramin, 'pag nilingon ko naman sila ay nag-iiwas ng tingin.

Napakamot-ulo nalang ako. May sinesekreto ba sila sa akin? Ako yata ang pinag-uusapan nila eh? Kasi bakit hindi nila ako sinasali sa bulung-bulungan nila? Hm? Nakakainis ha.

"Ano ba ' yon?" tanong ko sa kanila.

"Ha? Wala ' yon. Haha." natatawang sagot sa akin ni Anna.

Pinaningkitang ko naman silang dalawa ng mata. Mukhang may hindi talaga ako alam eh. Balak ko pa sana silang pilitin kaso dumating na ' yong sundo ni Anna.

"Bye! Kitakits nalang uli sa Monday!" nakangiti't kumakaway na paalam sa amin ni Anna.

Naiwan na kaming dalawa ni Ramin. Nakangisi siya na parang nag-aasar talaga kaya naman tiningnan ko lang siya ng masama. Talagang nang-aasar sila ha? Bakit ba ako nanaman nakita nung dalawang ' yon? Hay.

"Ano ba kasi 'yon? Kanina pa kayo ni Anna ha." naiinis na nilingon ko si Ramin na nagpipigil ng tawa sa likod ko.

Naglakad na kasi kami pagkaalis ni Anna. Nauuna ako sa kanya dahil naiinis ako sa inaasta nila. Ugh! Naku-curious talaga ako sa kung anong pinagbubulungan nila e.

"Wala lang 'yon Em." sagot naman niya. Nakakairita talaga kapag alam mong mayroon pero pinipilit nilang wala. Nakakaloko eh.

Inirapan ko na lamang siya tsaka nagpatuloy sa paglalakad. Ang hirap talaga nilang pilitin. Hmp. Ano kayang magandang pang-asar sa isang 'to? Para naman makaganti ako 'di ba? Bigla naman akong napangiti sa naisip ko.

"Ehem!" napalingon naman siya sa akin. Binigyan ko siya ng tinging nakakaloko kaya napakunot-noo siya.

"Sikat ka na pala ngayon no?" sabi ko. Pilit kong pinipigilan na hindi matawa sa reaksyon niya. Huli ka! "Nanliligaw pala kay Natalie ha?"

Imbis na siya ang magulat ay parang ako pa ang nagulat dahil sa pagkakarinig ko sa sinabi ko. Kung ibang tao siguro ako at narinig ko ang sarili ko ay iisipin kong nagseselos ako. Nagseselos ba ako?

Naikuyom ko ang palad ko dahil sa kakaibang kirot na naramdaman ko sa bandang dibdib ko. Pigil hininga akong nakipagtitigan sa kanya.

Napakaseryoso niya bigla. Heto nanaman ang awkwardness namin. Parang mas okay pa ata 'yong kanina na nag-aasar lang siya kaysa ganito kami.

Ako na ang nag-iwas ng tingin at unang naglakad. Ano na bang nagyayari? Bakit ganun? Hindi ko siya maintindihan at lalaong hindi ko maintindihan ang sarili ko. Bakit bigla kaming nagkaganito?

Gigil na gigil akong napakagat sa labi ko. Parang sira? Bakit? Para akong sira na hindi ko napansing gusto pala niya si Natalie? Ano naman kasing paki ko? O parang sira na parang sinasabi niyang, 'tinatanong pa ba yan?'

Ugh! Ano?! Edi ako nang sira, ako ng broken. Teka? Anong sabi ko?

"A-ah! Napano ka?!" naiinis na sigaw ko sa kanya. Bigla niya kasing hinala 'yong bag pack ko kaya napahinto ako sa paglalakad. Muntik pa akong ma-out of balance.

"May iba akong gusto. May iba akong mahal."

Halos maubos ang hangin sa lalamunan ko habang sinasabi niyang ang mga salitang 'yon. Gusto ko mang mag-iwas ng tingin pero hindi ko magawa kasi kitang kita ko sa mga mata niya na sincere siya sa sinasabi niya.

CHASING DREAMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon