Chapter 5
Emmy
Nitong mga nakaraang araw napansin kong nagiging tahimik na si Ramin. Dati ang kulit kulit niya pero ngayon parang laging malalim ang iniisip niya. Minsan naman bubuka yung bibig niya na parang may sasabihin tapos biglang titikom na para bang nagbago yung isip niya na sabihin yung gusto niyang sabihin.
Yung mga ganoong bagay. Naiintindihan niyo naman ako 'di ba? Sa tuwing papasok kami at uuwi tahimik ko siyang pinagmamasdan. Hindi ko alam kung anong iniisip niya. Kapag tatanungin ko naman siya kung ano bang problema, isang iling lang ang sagot niya o kaya naman yung titig nyang ako din ang unang umiiwas.
Pati nga si Anna nagtataka narin sa ikinikilos nitong si Ramin e. Para bang simula noong napasama siya kila Robert, oo kila Robert, dun sa grupo ng mga athlete. Simula nun parang naging distant na siya sa amin. Para bang ayaw na niya sa'min?
"A-ah Ramin!" tawag ko sa kanya habang naglalakad kami papunta sa school.
He's so occupied na hindi niya napansin na naiiwan na niya ako dahil sa bilis niyang maglakad. I let out a sigh nang lumingon na siya sa akin. Namimiss ko na yung bestfriend kong madaldal at makulit.
"Ano yun Em?" tanong niya sa akin. 'Yon parin ang tawag niya sa akin. 'Em' pero the way na sinasabi niya yun parang wala na lang. Parang walang emosyon. Parang hindi na talaga tulad noong dati.
Tahimik lang siyang nakatingin sa akin habang tumatakbo ako papalapit sa kanya. Parang ibang tao na 'tong kasama ko.
"Ako nalang magbibitbit niyang bag ko. Malapit na rin naman tayo sa school e." pilit ngiting sabi ko sa kanya habang hingal na hingal pa.
"Ah osige." sabi niya sabay bigay sa akin ng bag ko.
Ganoon naman talaga si Ramin. Masyadong pa-gentleman. Hanggang ngayon naman gentleman pa rin siya pero 'yong emosyon, 'yong kung paano siya magsalita noon, 'yon ang namimiss ko.
Hindi ko kasi maintindihan e. Parte ba ng pagbibinata ng mga lalaki ang pagiging cold nila? Teka nga. Ano naman kung cold siya? Siya parin naman si Ramin na bestfriend ko. Magkasabay pa rin kaming pumasok at umuwi. Binubuhat niya pa rin yung bag ko kapag nahihirapan na ako. Nililibre pa rin niya ako minsan.
Ano bang gusto ko? Ano pang inirereklamo ko sa buhay ko?
Nakapasok na kami sa school at kasalukuyang naglalakad sa maingay na hallway ng bigla siyang tawagin ni Natalie. Oo si Natalie. Nakakapagtaka nga kasi dati ayaw na ayaw ni Ramin sa kanya pero ngayon isang tawag lang nito sa kanya, iiwan na niya kami, iiwan na niya ako.
"Hey! Ramin, over here!" sigaw ni Natalie gamit yung matinis niyang boses na hindi ko alam kung bakit ayaw na ayaw kong naririnig.
I tried to compose myself bago kami sabay na lumingon ni Ramin sa kanya. She's smiling from ear to ear. How I wish na sana hindi na lang sumama si Ramin sa kanya pero alam na nating imposible yung hiling ko.
I was looking at him and he was looking at me na para bang naghihintay siya ng approval ko. Now that I'm looking straight in his eyes parang bigla akong naghina. Para bang gusto ko siyang yakapin at sabihing 'wag na lang siyang sumama kay Natalie.
Hindi ko maintindihan pati sarili ko. I smiled weakly at him. Sino ba ako para pigilan siya 'di ba? Sasagot na sana ako ng may marinig nanaman kaming boses.
"Good morning Emmy! Good morning Ramin!" bati sa amin ng tumatakbo nanamang si Anna. Hindi niya lang napapansin pero nakukuha niya ang atensiyon ng lahat.
"Buti nahabol ko kayo. Kanina ko pa kayo tinatawag--" biglang napatigil sa pagsasalita si Anna ng mapansin niya si Natalie.
"Ramin! Robert's looking for you, kanina pa, you know." iritableng sigaw ni Natalie sa amin.
BINABASA MO ANG
CHASING DREAMS
General FictionHanggang saan ba ang kaya mong gawin para sa mga pangarap mo? Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo para sa mga bagay na gusto mo? Hanggang kailan ka handang magtiis para makamit ang mga ito? Paano kung sa kagustuhan mong maabot ang mga pangarap m...