Chapter 13

27 10 0
                                    

Chapter 13

Third Person

Naging maingay ang buong klase ng ianunsiyo na wala ang kanilang adviser dahil may sakit daw ito. Kanya kanyang daldalan ang mga estudyante habang ang iba naman ay busy sa kanilang mga assignment at lectures.

"Ugh! Ang ingay!" iritableng sigaw ni Anna sabay lagay ng earphones niya sa tainga.

Napatahimik naman ang mga katabi niyang kanina pa nagdadaldalan. Kabilang na dito si Ramin at Emmy na hindi naman niya maintindihan ang pinag-uusapan kaya na-out of place din siya.

"Iyakin ka kaya noon! Hahaha!" tatawa tawang sambit ni Ramin kay Emmy.

"Ah! Ikaw nga ang tanda mo na nag-iihi kapa sa kama e!" at si Emmy naman ang humagalpak ng tawa.

"Seriously guys?! Sasabay pa talaga sa ingay?!"

Napahinto ang dalawa tsaka nagpipigil ng tawa na lumingon kay Anna.

"Pfft. S-sorry!" paumanhin ni Ramin. Sumenyas pa ito na kunwari'y sini-zipper ang bibig niya.

"Psh!" singhal naman ni Anna sabay irap sa binata.

"Bakit ba ang init ng ulo mo?" nagtatakang tanong nito.

"Wala! Bakit hindi ka doon kila Nata---" naputol ang sasabihin ni Anna ng biglang nag-ring ang cellphone niya. "Sino na naman 'to?!" iritableng tanong nito sa sarili.

Padabog nitong sinagot ang telepono.

"Ben?!" sigaw ni Anna bago siya tuluyang lumabas ng classroom.

Naiwan namang nakatitig lang sa pinto na nilabasan niya si Emmy at Ramin. Nagtataka at namamangha sa kakaibang mood na ipinapakita ni Anna. Mukha kasing mainit talaga ang ulo nito. Hindi ata naging maganda ang gising.

"Sinong Ben?" sabay pa nilang tanong sa isa't isa.

"Ewan? Wala naman siyang nakukwento sa akin e." sagot naman ni Emmy.

Nanahimik naman silang dalawa tsaka unti unting naging awkward ang sitwasyon. Nagpapanggap si Ramin na nanonood sa ginagawa ng mga kaklase niya habang si Emmy naman ay hindi malaman ang gagawin sa tupperware na nasa bag niya.

Bago kasi siya umalis kanina para pumasok ay pinagdala siya ng nanay niya ng niluto nitong ulam. Inutos nito na ibigay niya 'yon kay Ramin. Malapit din kasi si Ramin sa mga magulang niya.

Kung noong siguro ay maibibigay niya ngunit ngayon ay para na siyang nahihiya sa kanyang matalik na kaibigan. Tumikhim si Emmy para sana sabihin na kay Ramin na mayroong ipinadala ang nanay niya para dito.

Nakakaloko lang dahil kanina ay nagdadaldalan at nag-aasaran pa sila pero ngayon ay hindi niya maibigay bigay ang ipinabibigay sa kanya ng nanay niya.

"Uhm. Ra-ramin." nag-aalangang turan niya.

Lilingon na sana si Ramin kay Emmy kung hindi lang biglang umupo si Natalie sa armchair nito.

"Hello Ramin." nakangiting sambit nito sa binata.

"Hi." simpleng sagot naman ni Ramin dito tsaka siya muling bumaling kay Emmy. "Ano 'yon Em?" nakangiting tanong niya kay Emmy.

"Ah. Wa-wala. Wala. Haha." ang tanging naisagot ni Emmy dito.

Hindi nila namalayang nakabalik na pala si Anna. Mainit parin ang ulo na lalong nag-init pa nang makita nitong nakaupo si Natalie sa table ng armchair ni Ramin. Padabog siyang naglakad papalapit dito.

CHASING DREAMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon