Chapter 16
Emmy
Nakangiti akong gumising ngayong umaga. Lunes nanaman pero ang ganda at ang gaan na ng pakiramdam ko. 'Yong tipong mapapakanta ka ng 'Oh What A Beautiful Morning' sa sobrang goodvibes ko ngayon.
Naging maayos naman 'yong jogging namin ni Ramin kahapon. Nakakainis lang kasi ako naliligo na sa pawis samantalang siya no sweat. Tapos pinagtatawanan niya pa ako sa daan. Akala niyo nakakakilig? Hindi din! Nakakapikon talaga kasi siyang mang-asar.
Bandang hapon naman kami nagsimba. Eh parang mula umaga ata hanggang gabi eh magkasama kami. Okay narin naman sila Mama at Papa. Nag-over acting lang sila, well pati naman ako nagulat, kasi ang paranoid nila at ang lawak masyado ng imagination.
Si Ramin? Ayon balik sa dati. Natatawa parin talaga ako kapag naaalala ko 'yong mukha niya nung kung ano anong paratang 'yong pinagsasabi sa kanya nila Mama. Priceless. Kung hindi lang din ako nagulat non baka kinuhanan ko pa siya ng picture.
Hm. Ako? Ito inlove sa bestfriend ko. Haha. Ang cliché 'di ba?
"Em! Nandito na sa baba si Ramin!" dinig kong sigaw ni Mama.
I automatically smiled. Tumayo na ako tsaka isinukbit ang bag sa balikat. Alam niyo 'yong feeling na inspired ka? 'Yan ang nararamdaman ko ngayon.
Sumalubong naman sa akin ang bestfriend kong kung makangiti ay parang wala ng bukas. Para nanaman akong kinikiliti at hindi ko nadin mapigilan 'yong labi ko sa pag ngiti. 'Yong pilit mong pinipigilan kaso talagang kumakawala.
Yumuko nalang ako. Nakakahiya eh baka kasi mahalata niya? Pinanood ko nalang ang bawat hakbang ko. Mas nakakahiya kung magpagulong gulong ako bigla dito sa hagdan. Ay naku!
"Morning Em!" masiglang bati niya sa akin.
I just nod and smile. Wala eh. Pabebe ang lola niyo. Haha.
Nagpaalam na kami at ngayon ay nasa daan na kami, naglalakad na papunta sa school. I gasped ng bigla niya akong akbayan.
"Em, sali tayo sa audition ha?" tanong niya sa akin.
I looked down. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Bakit ganon? Dati naman na niya akong inaakbayan ah? Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Once na nainlove ka daw magsisimula ka ng umasa at mag-assume. 'Yong tipong bawat sweet gesture niya ay bibigyan mo ng meaning.
"Aah. Nakakahiya." sagot ko sa kanya.
"Hindi 'yan Em. Mag-o-audition din naman ako eh tsaka si Anna daw." nakangiting pilit niya sa akin.
Si Anna? Napaiwas ako ng tingin ng may bigla akong maramdamang sakit. Bakit hindi ko naalala? Paano ko nakalimutan? Naikuyom ko ang kamay ko. Anong klase akong kaibigan?
May gusto si Anna kay Ramin at pareho ko silang kaibigan. Ayoko man ngunit bigla nalang nag-flashback sa akin 'yong araw na nakita kong umiyak sa cr si Anna dahil kay Ramin.
Napailing iling nalang ako. Ayokong makita pa ulit na umiiyak siya ng ganon. Ayoko siyang malungkot.
"Bakit ayaw mo Em?" sabi ni Ramin na nagpabalik sa akin sa reyalidad.
"Ha?"
"Umiiling ka eh. Ayaw mo bang mag-audition?" nag-aalalang tanong niya.
I forced a smile.
I live with you through music.
Naalala ko 'yong sinabi ni Papa sa panaginip ko. Bakit Papa? Gusto mo ba akong kumanta?
BINABASA MO ANG
CHASING DREAMS
General FictionHanggang saan ba ang kaya mong gawin para sa mga pangarap mo? Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo para sa mga bagay na gusto mo? Hanggang kailan ka handang magtiis para makamit ang mga ito? Paano kung sa kagustuhan mong maabot ang mga pangarap m...