Chapter 7
Ramin
"Uhm. Bago ko nga pala makalimutan. Pwede ba tayong mag-usap mamaya?" dinig kong tanong sa akin ni Emmy.
Mukhang may ideya na ako kung anong pag-uusupan namin. Sa tono palang ng pananalita niya ay alam ko ng marami siyang itatanong sa akin, maraming gumugulo sa isipan niya.
"Sure." tanging naging sagot ko dahil hindi ko alam kung ano ba yung tamang salita na kailangan kong sabihin.
Naramdaman niyo na ba 'yon? Iyong madami kang gustong sabihin pero tipid na salita lang ang lalabas sa bibig mo? Parang mismong sarili mo ang nagtataksil sayo.
Dahil sa sobrang okupado ang isip ko kaya hindi ko na napansin ang pulang sasakyan na papalapit sa amin. Halos hindi ako makagalaw dahil sa sobrang pagkagulat.
Kaagad na hinanap ng paningin ko si Emmy at nakita kong gulat na gulat siya. Naikuyom ko na lamang ang kamay ko dahil sa takot na nakikita ko sa mga mata niya ngayon.
"Ayos ka lang Em?" natatarantang tanong ko sa kanya.
Kung sanang binabantayan ko lang siya ng maayos. Kung sanang hindi lang lumilipad ang utak ko. Baka naiwasan ko pang mangyari ito.
Napakunot naman ang noo ko ng mapansing nakangiti siya sa akin. Yung ngiting totoo. Yung ngiting matagal ko na ding hindi nakita. Yung ngiting miss na miss ko.
"Walang nakakatawa Em." nakasimangot na sabi ko sa kanya. "Ayos ka lang?" tanong kong muli sa kanya. Nginitian niya lang muli ako bago tumango. I just missed this.
Pareho kaming napalingon ni Emmy ng makarinig kami ng parang may lumabas sa sasakyan. Handa na sana akong manapak sa taong muntik makasagasa sa bestfriend ko ng makita ko si Natalie.
"Hay nako Robert ayusin mo nga yang pagmamaneho mo. Muntik ng masagasaan si Emmy oh." she said bago siya bumaling at ngumiti sa akin. Ano nanaman bang kailangan niya?
"Sorry Emmy. Haha." sabi naman ni Robert habang nakadungaw sa driver's seat.
Right then and there talagang pinipigilan ko lang ang sarili ko na sugurin siya. Siya mismo ang nagda-drive at hindi man lang siya nag-iingat? Anong klaseng lalaki siya? Psh! I really wanted to erase that smirk on his face.
"Ano nanamang kailangan niyo?" nadinig kong tanong ni Emmy sa kanila. She sound so irritated and I can't blame her 'bout that.
"Ang tapang naman pala niyang kaibigan mo Ramin. Grabe nakakatakot ha. Hahaha!" sarkastikong sagot ni Natalie sa kanya. Kitang kita ko kung paano mamula ang mukha ni Em sa sobrang inis.
"Oo nga pala. Iniinvite namin si Ramin sa birthday ng pinsan ni Robert. Pasensiya ka na Emmy ha, si Ramin nalang kasi yung kasya sa sasakyan. Hindi ka naman pwede sa gulong 'di ba?" turan ni Natalie.
Ha? Ano daw? Ako? Invited? Sa birthday nino? I was about to declined their invitation when I felt Em's little hands on my palm. I was trying so hard to suppress my smile.
"Hindi pwede si Ramin ngayon. May pag-uusapan pa kami." mariing sambit ni Emmy sa kanila habang pinipilit akong hilahin palayo sa kanila.
She's still the Emmy I know. So jealous and protective.
"Sasama siya sa amin sa ayaw at sa gusto mo." napalingon ako bigla kay Natalie dahil sa sinabi niyang 'yon.
I unconsciously brushed my free hand through my hair. I don't know what to do, I don't know what to say. Alam kong kailangan ko ding makausap si Emmy at kitang kita ko sa mga mata niya na determinado siyang 'wag akong pasamahin kila Natalie.
BINABASA MO ANG
CHASING DREAMS
General FictionHanggang saan ba ang kaya mong gawin para sa mga pangarap mo? Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo para sa mga bagay na gusto mo? Hanggang kailan ka handang magtiis para makamit ang mga ito? Paano kung sa kagustuhan mong maabot ang mga pangarap m...