Chapter 10

34 21 6
                                    

Chapter 10

Emmy

Pagkatapos ng encounter ko doon sa lalaking nasa music room ay kaagad din akong bumalik sa classroom. Inulan din ako ng mga tanong mula kay Anna at Ramin tungkol sa kung saan daw ako nanggaling.

"Nag-cr lang ako. A-alam nyo na. M-medyo humilab 'yong tyan ko. Hehe. Kaya nahiya na akong pumasok kanina."

Palusot ko sa dalawa. Tumango tango lang naman si Ramin habang nakatingin ng mataman sa akin. Sinubukan kong tumingin ng diretso sa mga mata niya para hindi siya maghinala sa akin.

"Haha! Akala ko talaga ano ng nangyari sayo kanina e. Success naman ba?" natatawang tanong sa akin ni Anna.

"Haha! Oo. Success naman." nag-aalangang sagot ko sa kanya pero hindi na niya pinansin pa 'yon dahil dumating narin bigla ang teacher namin sa next subject.

Nanatiling nakatitig sa akin si Ramin na para bang may gusto siyang sabihin pero hindi niya lang masabi.

Nakita niya kaya ako sa music room kanina? Pero imposible naman 'yon dahil kitang kita ko na umakyat sila sa third floor.

Napansin ko ring hindi nagpapansinan sila Ramin at Anna. Bakit kaya? Dahil parin kaya sa picture na 'yon? Sumenyas lang ako kay Ramin kung ano bang nangyari kay Anna at kanina pa iwas ito sa kanya. Pero nagkibit balikat lang siya.

Hindi parin kaya napapansin ni Ramin na may gusto sa kanya si Anna? Napakamanhid naman niya.

Buong klase ko ng hapon ay hindi ako makapag-concentrate dahil palaging sumasagi sa isip ko 'yong nangyari sa music room. Hanggang papauwi kami ni Ramin ay hindi ko maalis 'yon sa isip ko. Lalong lalo na 'yong lalaking nandoon.

Pumunta kaya uli ako doon bukas? Baka nandoon uli siya. Ano kayang pangalan niya?

At bakit naman bigla kang nacurious diyan? Sabi ng isang bahagi ng isip ko.

Wala lang. Gusto ko lang siyang makilala. Bawal ba? Sagot naman ng isa.

Weh? Baka iba na 'yan ha?

Bakit ka ba laging kumokontra?! Suway ko sa isip ko.

"Em?"

"Ay! Em!" nagulat na sabi ko dahil bigla nalang nagsalita si Ramin sa tabi ko.

"Kanina kapa lutang a? May problema ba?" tanong niya sa akin.

"Ha? Wala naman?"

Sobrang lutang ko nga at hindi ko man lang napansin na nandito na pala kami sa tapat ng bahay. Katabi ng bahay namin ay ang kila Ramin.

"Saan ka galing kanina?" biglaang tanong sa akin ni Ramin.

Ugh! Kailangan ko nanamang magpalusot neto.

"Nag-cr nga ako kanina. Bakit?" balik tanong ko naman sa kanya.

Tumango tango lang siya pero halata kong hindi siya kumbinsido sa sagot ko. Matagal siyang hindi umimik kaya ako naman ang nagtanong sa kanya.

"Ikaw? Saan ka galing kagabi? Bakit may picture kayo ni Natalie?" tanong ko sa kanya.

Hindi ko alam pero 'di ko mapigilan ang paniningkit ng mga mata ko. Halata namang napatigil siya sa tanong ko.

"Anong picture ang sinasabi mo?" kunot-noong sabi niya sa akin.

"Iyong picture nyo ni Natalie na magkasama. Ipinakita pa nga sa akin ni Anna 'yon kanina. Inupload ni Natalie sa Instagram kagabi." paliwanag ko sa kanya.

CHASING DREAMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon