LTPB 28

41 3 1
                                    

{A/N: Joke lang! Triple Update talaga! Yeah! Enjoy reading!}

Daniel's POV

"Kath, hatid na kita pauwi" pagaalok ni Enrique

Uwian na at etong tukmol na to ay umeepal nanaman.

Pinakawalan mo tas babalikan mo lang kung kelan mo gusto?! Ako ba pinagloloko nitong gagong to?!

Tumingin sakin si Courtney at inaalok yung kamay nya sakin. Kinuha ko naman yun at sinabit nya ang kamay nya sa braso ko "Sorry tol. Bagal mo eh. Better luck next time" pangaasar ko sa kanya habang tinatapik ang balikat nya.

Magiging akin kasi to tol. Back off na dapat eh kaso matigas ka. {A/N : uy! Berde! Berdeng berde yung dahon! Hahaha}

Pagdating namin sa bahay nila Courtney ay tinigil ko muna yung sasakyan sa harap ng bahay nila. Di kasi ako baba. Hinahanap ako ng nanay ko. Di ko alam kung bakit kaya nababadtrip ako.

"Justice, papasok ka ba sa loob?" Tanong nya "Hindi eh. Sorry. Hinahanap kasi ako ni mama." Napatango naman sya sa sinabi ko.

Bubuksan na sana nya yung pintuan pero bumalik ulit sya sa pagkakaupo nya kanina.

"Magtiwala ka lang sakin ah?" Sabi nya bago sya magmadaling bumaba. Huh? Ano daw?

Kath's POV

Kinabukasan...

"Kath! Andito na si Enrique!" Napabalikwas naman ako agad sa narinig ko.

ANONG GINAGAWA NUN DITO?!

"Kath! Andito na din si Daniel!" So, seryoso sila sa palakasan nila? Wth.

Tumayo na ako at ginawa ang mga morning routines ko pagkatapos ay nagbihis na din ako agad.

Pag baba ko ay sabay na tumayo ang dalawang lalaki.

"Aahh Ka--" hinarap ko naman yung palad ko sa mukha ni Iver para tumigil sya magsalita.

Ayoko silang kausapin ngayon. Wala ako sa mood.

Tumawa naman si Justice kay Iver. Problema nito?

"Courtn--" inirapan ko si Justice kaya napatahimik sya.

Pumunta ako sa kusina kasi nandun sila ate Yeng. Pagdating ko dun, umupo ako sa Tabi ni Ate Yeng at kumuha ng Pancake.

"Oh? Anyare sayo?" Tanong ni Ate Kim.

Nagkimbit balikat nalang ako sa tanong nya. Wala talaga ako sa mood makipagusap ngayon. Ugh.

"May bisita ka dun sa sala ah?" Tumango nalang ako.

Pagkatapos namin magbreakfast eh umalis na kami. Kila Ate ako sumabay. Nakakainis yung dalawang lalaki dun.

Si Iver parang tanga, tapos na kami tas ngayon babalikan nya ako? Eh sya nga yung nakipagbreak at nagloko. Kainis diba.

Si Justice naman napaka childish, pinayagan ko na nga syang manligaw tas makikipagtagisan pa kay Iver eh halata namang sya yung pipiliin ko. Pshh.

Pagkadating ko sa classroom ay umupo ako agad at tumungo. Gusto ko lang matulog ng mahaba ngayon. Ugh.

"Kathryn!/Courtney!" Napatayo ako sa gulat ng may sumigaw ng pangalan ko.

Nakita ko si Iver at Justice sa pintuan na hingal na hingal. Nagunahan sila? What the. Ano bang ganap nitong dalawang to.

Umupo naman ako nung patakbo sila sa kinaroroonan ko. "Kath.. A-ahh.. Flowers for you" sabi ni Iver sabay abot sakin ng White rose.

Inirapan ko si Iver na dahilan para mapa 'ohh' ang mga nasa paligid ko.

Sinamaan ko na din ng tingin si Justice kaya bigla nyang tinago yung bulaklak sa likod nya.

Tumungo naman ako ulit. Vacant daw eh. Wala namang teacher kaya pwedeng matulog. Hehe.

--

Nagising nalang ako nung may kumalbit sakin, hinarap ko naman at nakita ko dun sa Justice nakaluhod para mapantayan ako.

"Masungit ka ah? Hahaha. Oh, sabi ng mga ate mo yan lang yung solusyon para mawala yang pagkabadtrip mo" sabay abot nya ng Ice cream. Natunaw ang puso ko mga te! Whaa.

Napangiti naman ako sa ginawa ni Justice. Wala eh, magaling dumiskarte tong lalaking to.

"Ayun! Ngumiti ka din! Akala ko di na mabubuo araw ko eh" namula naman ako sa sinabi nya. Lakas bumanat nito hahaha.

"Nambola pa. Sus. " sabi ko sabay ginulo yung buhok nya.

Di naman sya umalis sa harap ko. Nahiya ako, ako nakain ng isang malaking ice cream tas sya nakatingin lang kaya sinubuan ko sya.

"Babe subuan mo din ako! " pagpaparinig ni Lester.

"Ah! Aray! Ramdam ko ang pagiging single ko!" Sabi naman ni Seth.

"Uy! Mga tsong! Yung asin nilalanggam!" Sigaw ni Katsumi.

Hahahaha. Ang lakas ng mga tama ng mga to.

Itutuloy..
---

Sa mga Co- fans ko na pupunta sa Imus sa April 15..whaaa kitakits! Magkikita na kami nila Kuting at Danilo yeyyy! HAHAHAHA!

Thank you sa mga nagbabasa nito and mga nagv-vote! Yeah!

Follow me on twitter --> @GlxyPadilla

Salamats ~~~

Leaving The Past BehindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon