Kath's POV
*BEEEEEEEENG!*
Tunog nung baril. Djk lang. Tunog yan ng score board. 4th Quarter na at tie na ang laban.
Monday na at eto na ang first event ng foundation namin...Ang game ng mga Varsity ng bball.
Biglang humina yung varsity namin sa di malamang dahil. Nung 1st and 2nd quarter okay pa eh, kaso nakahabol yung kabilang team kaya nag tie.
Nagsigawa ang mga MBU ng hawak na ng varsity ang bola.
Nanonood lang ako. Si Justice lang kasi talaga yung chinicheer ko kahit wala syang pake sakin. Huhu.
Pinasok sya ng coach sa court kapalit kay Jan. Tumayo na ako at naghiyawan na yung crowd kasi yung gwapo daw nasa court na. Alam kong si Justice ang tinutukoy nila. Kung akin si Justice ngayon malamang sinabunutan ko na tong mga babaeng to....eh kaso hindi huhuhu.
"WHOOOO! GO JUSTICE!" Nangibabaw yung yung boses ko sa buong Gym kasi naman eh! Biglang tumahimik yung crowd.
Tumingin sakin yung mga players. Nagpeace sign nalang ako to express my apology. Yuh. Hiyang hiya ako grabe. Huhu.
Sa sobrang hiyang ko, lumabas ako sa gym para bumili ng tubig. Sakit ng lalamunan ko eh. Hehe.
Huling bili ko ng tubig dito, para sa kanya pa...ngayon para sakin nalang.
Naiiyak nanaman ako kaya tumambay muna ako sa Canteen. Pumwesto ako sa isang table na sulok at umiyak dun. Pagkatapos ko umiyak ay pinakalma ko yung sarili ko. Whoo. Sa tagal kong umiyak malamang mukha akong nakashabu sa sobrang pula ng mata ko.
Napagdesisyunan kong pumunta sa Comfort room para maghilamos at makagretouch na din. Natagal din ako sa Cr kasi di ko alam. Feel na feel ko ang pagiging magisa.
At alam kong dapat ko nang sanayin ang sarili ko sa ganung sitwasyon dahil wala na sya...
Pabalik na ko sa gym at walang ilaw! Brown out ba?! O tapos na yung game?! Hala. Ganun ba ako katagal?!
May janitor na nakatambay sa labas "Kuya? Tapos na po ba yung game?" Umiling naman sya at nanlaki yung mata nya sabay kibit balikat. Huh?
{Play Music : Little Things}
Nagulat ako ng biglang may pumiring sa mata ko hinawakan at tinalian ang kamay ko sabay binuhat ako. Wierd, diba pag kidnap, parang sako ang buhat bat to sila parang pinaupo ako sa mga braso.
Pero wala akong pake ngayon sa ganyan! Kinikidnap ako! Nagpumiglas ako kaso ayokong malaglag. Ang ingat nga nila sa pagbuhat sakin tas ako pa maglalaglag sa sarili ko? Di oy. Jk.
Pero.. "Ahhhh! Tulong! Kinikidnap akooo! Anong bang gusto nyo mga kuya?! Kidnap lang to kaya walang nakaw nakaw at rape ah! Ahh! Bitawan nyo ko! Sawi na nga ako tas kikidnapin nyo pa ako?! Next time nalang pag may boyfriend na ako! Para my knight in shining armor ako! Ahh! Maawa kayo! Maaga pa para mamatay ako! Pwedeng bukas pero wag ngayon! " napansin kong nangingibabaw yung boses ko. Omg. Nasa abandonadong building na ba kami?!
"Nasa abandonadong building na ba tayo?! Hoy! Mga ugok! Naka-on yung GPS ko sa phone! Mahahanap nila ako dito! Off ko muna o Kaya ilipat nyo ko mg building kung ayaw nyong mahuli ng mga Pulis!"