Chapter 20

1K 23 0
                                    

Hindi ko alam na ganoon pala ka open sa nararamdaman itong si Nathan. Nagulat ako sa mga sinabi niya at hindi ko tlga ito napaghandaan. Ibang iba siya sa unang pagkakilala ko sa kanya. Yung tipong isang antipatikong bastos na Jerk. PEro prang nagbago ang lahat simula kanina. Simula ng halikan nya ako.... Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon. Ang alam ko lamang ay ...


Hinahanap hanap ko ito..

....

Hawak niya ang kanyang mga labi habang inaalala ang mga nangyari kanina lamang sa kanilang dalawa ni Nathan. Hindi nya maikakaila na masaya siya sa kanyang nararamdaman. Na iniisip na rin niyang baka ito yung sinasabi nilang 

Pag-ibig......

Yung tila wala siyang pakialam sa kung anong nakaraan nilang dalawa. Yung tipong bahala na kung anong meron ngayon ang lalaking ito, kung anong buhay ang tinatahak nito at sino ang mga taong involved sa buhay ng binata. At ang pagtatapat ng binata ay naghatid sa kanya ng isang pakiramdam na matagal na rin ata niyang itinatago at natatakot lamang siyang ipakita dahil sa nangibabaw ang galit sa puso niya...

Binuksan niya ang kanyang laptop at ng online sa kanyang facebook. Inalis nya ang binata sa blocked list at saka huminga ng malalim.. Saka muling isinara ang kanyang laptop at nahiga sa kama...

...

Si Nathan naman na hindi rin makapaniwala sa nagawa niyang pagtatapat sa dalaga. Dahil ngayon lamang niya ito nagawa at on the spot pa tlga. Pra kasing pakiramdam niya ay ayaw niya na may masasayang na sandali. Pagkakita pa lamang niya sa dalaga at habang kumakanta sila ay may kung anong sumibol sa puso nya na hindi maaaring hindi niya mapansin. Isang pagtingin sa dalaga... Isang pagtingin na noon lamang nya naramdaman.. Isang pag ibig na gusto niyang ipaglaban kahit kanino man.. Ganito pala magmahal ang isang Nathaniel Grande.. Makakaya nyang gawin ang lahat pra sa taong minamahal...

....

Galit na naihagis ni Lance ang dyaryo matapos makita ang larawan nina Nathan at Elisa na kumakanta at mgka holding hands pa.. Kahit alam niya na for promotional lamang ang lahat ay nagseselos pa rin siya... Oo nagseselos siya dahil ...

Gusto na ata niya si Elisa... Mahal na niya ang isang Elisabeth Mondragon...

Nagmamadali siyang lumabas sa bahay pra mgtungo sa tahanan nina Nathan. Padabog niyang isinara ang pintuan ng kotse niya saka pinaharurot ito..

Pagdating pa lamang niya sa loob ng bahay ng mga Grande ay kaagad niyang nilapitan si Nathan ito kinuwelyuhan saka nagsalita....

"Akin si Elisa, at huwag kang magtatangkang agawin siya sa akin dahil khit kadugo kita.... kayang kaya kita ipaapatay!!!!" halata sa mukha ni Lance ang matinding galit..

Nagulat si Nathan sa mga sinasabi ng pinsan nya.. Ni hindi nya alam na mgkakilala rin pla ang mga ito ni Elisa. At ang sinabi nyang huwag aagawin? Ano bang meron sa knila ni Elisa?....

Napatayo ang ama ni Nathan dahil sa ginawa ni Lance. Nilapitan nya ito saka pinakalma..

"Lance, iho kumalma ka.. Kung tungkol yan sa nakita mo sa dyaryo ay nagkakamali ka. Nililigawan mo ba si Elisa? Huwag kang mag alala dahil hindi naman siya gusto ng anak ko. Kailangan lamang nila yun gawin dahil iyon ang gusto ng mga tao, At pra na rin iyon sa inyong mga ama. Kailangan natin magpabango sa mga mata ng mga tao kya sana intindihin mo na lamang..."

Niluwagan ni Lance ang pagkakahawak sa kwelyo ng damit ni Nathan saka unti unti na nya itong inalis. PEro bago pa man din tuluyang lumabas ay nagsalita pa ulit ito patungkol sa kanilang mag ama..

"Im warning you Nathan,.. hindi pa kayo nakakabayad sa pagkakautang nyo sa pamilya namin... " sabay tingin nit osa ama ni Nathan na mejo napahiya sa sinabi ni Lance...

.....

Sa lahat ng magpipinsan ay si Lance ang may pinaka masamang ugali. Mabait ito pero masamang magalit at mahirap kaaway. Tlagang ginagawa nito ang kung anong bitawang salita sa kung sinoman, At wala itong kinikilala na sinuman, Maging kadugo ka man o kaibigan.. 

Napapaisip si Lance. Sa mga sinabi at ipinakita ni Lance knina ay nakakatiyak siyang may gusto nga ito sa dalaga.. Dalagang mahal na rin niya.. At sa knilang dalawa... Tiyak ang pagkatalo niya... At kung mananalo man siya sa puso ng dalaga ay malamang na isang butas ng karayom ang pagdadaanan nya makuha lamang niya ang dalaga kay Lance.. at ayaw rin niang madamay si Elisa sa gulong ito...

Ang mahirap doon ay nagsisimula pa nga lang siyang lumaban ay mukhang talo na siya. Pero hindi ito patatalo. Lalaban siya hanggang huli. Sa lahat ng bagay na ginawa niya sa buhay niya ay palagi na lamang desisyon na mula sa ibang tao... At ngayon lamang siya magdedesisyon sa buhay nya... Desisyon na siya mismo ang gumawa at nagmula sa puso niya...

Alam niyang mahirap ang pagdadaanan nya pero handa na siyang sumugal...

Basta pra sa dalaga...

......

Baby NathanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon