Kasalukuyang nsa tahanan ng mga Mondragon itong si Rodrigo Dela Vega at kausap ang ama ni Elisa... Kalalabas lamang ng kwarto ng dalaga at naabutan nya ang pag uusap ng mga ito.. Rinig na rinig nya ang pinag uusapan ng mga ito...
"tama kompadre,,napag usapan na yan namin ng anak kong si Lance at sinabi nmn nya sakin n maayos dw sila ni Elisa..."
Pagkarinig ni Elisa sa pangalang Lance ay isa lang tao ang pumasok sa isipan nya...
"si Lance? Isa siyang Dela Vega? Pero paanong nangyari yun? Plinano bang lahat ito ni Lance?"... Naguguluhang wika ni Elisa. Hindi kaagad siya nagpakita sa mga ito dahil gusto nyang marinig lahat ng pinag uusapan nila..
Ama nmn ni Elisa ang nagsalita..
"masunurin ang anak ko at mhal na mahal nya ako,minsan lang eh may pgkamatigas ang ulo... Alam mo naman ang mga babae,pero sigurado akong walang mgiging problema sa lahat..."
Doon na kinabahan si Elisa... Parang nagugunita na niya ang mga mangyayari. Hindi na nya kakayanin kung matutuloy ang mga pinaplano sa knila ng mga ama nila ni Lance kaya umiba siya ng daan palabas. Doon siya dumaan sa gawing likurang na knilang bahay at ngmadaling lumabas..
Hindi na siya gumamit ng kotse pra hindi mahalata na umalis siya. Doon ay nag taxi n lamang siya palabas..
Hindi rin niya alam kung saan siya papunta. Nang may madaanan siyang isang simbahan ay doon siya nagpababa. Gusto niyang mgdasal. Gulong gulo ang utak niya sa mga oras na iyon..
Doon ay pumasok siya sa loob at lumuhod.. Nagdasal siya ng taimtim.
Nang makatapos siyang mgdasal ay tumayo na ito ng may bigla siyang napansin na isang lalaki sa may harap ng altar.. Naglalagay ito ng bulaklak doon at may hawak na basahan..
Nilapitan nya ito pra magtanong sana kung may pari sa ganung oras.. Ng humarap ang lalaki ay nagulat siya sa kanyang nakita..
"PJ.???.., I mean Nathan... Anong ginagawa mo dito?? " takang takang tanong ni Elisa..
Ang inaakala nyang isang PJ na Antipatiko ay may inililihim palang ganitong side ng pagkatao niya..
"ah, Elisa.. Anong ginagawa mo dito??"tanong ni Nathan saka inilapag ang hawak niuang basahan at nagtungo sa isang sulok na may gripo at naghugas ng kamay nya roon..
Saka lumapit muli sa dalaga..
"Elisa,,"..hinawakan nya ang kamay ng dalaga..Hindi alam ni Elisa ang hagawin sa mga oras na iyon.. Basta ang alam lamang niya ay may masamang mangyayari kung uuwi pa siyang muli sa kanila.. Dahil kailanman ay hindi napako ang desisyon ng kanyang ama...
"Nathan,ilayo mo na ko dito.. Ayoko ng umuwi,natatakot ako..."sabay yakap nya sa binata na noon ay nagtataka rin kung anong nangyayari sa dalaga...
Hinagpos na lamang nya ang likuran nito pra mapakalma saka niyakap rin ang dalaga..
"tahan na,,pag usapan natin tong mabuti,,pero sa ngaun please tumahan ka na,ayokong nakikita kang umiiyak...nasasaktan ako..."...
Ramdam ni Nathan ang hirap sa kalooban ng dalaga. Kahit wala silang pormal na aminan ng nararamdaman sa bawat isa ay ramdam nila ito sa bawat mgkakadikit o magkakasama sila..
Prang dalawang taong ngkakaintindihan kahit walang imikan.. Komportable kaagad sa bawat isa.. Hindi rin nila inakala na aabot sila sa ganoong sitwasyon.. Dahil simula pa lamang ay alam na nila na magkaaway silang dalawa..
Huminto na sa pag iyak si Elisa. Naupo sila sa my upuan sa loob ng simbahan at doon nagsimula ng mag kwento si Elisa sa mga narinig nya kanina lamang ...
"Nathan"...sabay hawak nya sa kamay ng binata.."may balak si papa na ipagkasundo ako sa anak ng ka alyado nya sa pagka senador... Nathan ayoko , ayoko kay Lance...
Hindi na lingid sa isipan ng binata ang tungkol sa pagkakagusto ni Lance sa dalaga pero hindi nya inakala na aabot sa ganun ang sitwasyon,,at npaka bilis na sandali lamang na nabuo ng mga ito ang ganung plano...
Hinawakan nya ang pisngi ng dalaga saka kinausap ito...
"hindi ko hahayaan na mapunta ka kay Lance.. Hinding hindi.. Gagawin ko lahat pra sayo Elisa.. Dahil sa konting panahon ng pgkakakilala ko sayo ay minahal na kita.. Hindi hahadlang ang pagiging mgkadugo namin ni Lance pra pag ibig ko sayo..."..
Tinitigan siya ni Elisa at hindi makapaniwala sa sinabi ni Nathan.....
"u mean... Mgkapatid kayong dalawa??"...
"hindi Elisa... Mag pinsan kami. Magkapatid ang mga ama namin..."
"Nathan,ayokong masira ang pamilya nya ng dahil lamang sa akin kya please hayaan mo n lamang ako.." sabay tayo na ng dalaga at naglakad na papalayo sa binata..
Pero hinabol nya ang dalaga saka hinawakan sa braso.. Hawak na animoy hindi na nya pakakawalan ang dalaga.. At handa siyang mgpakalayo kasama ni Elisa at kalimutan lahat lahat makasama lamang ang dalaga..
"Makinig ka please... Ayokong mawala ka o mapunta sa kung sino kya please pkinggan mo ko, .. Ngaung gabi hihintayin kita dito mismo sa simbahan na ito.. Alas diyes ng gabi mgkikita tayo dito.. Ilalayo kita,dalhin mo lng ang kaya mo at importanteng bagay sayo.. Ako na ang bahala sa ibang bagay.. Please magtiwala ka sakin.. Hinding hindi kita sasaktan,gusto ko lng ngaun ay ang mahalin ka at ilayo sa pinaplano nila."...
Naguguluhan si Elisa sa mga desisyon ng binata. Mahirap sumugal sa sinasabi nito pero mas mahirap na hayaan nyang matuloy ang pinaplano ng kanyang ama.. Hindi nya gugustuhing makasama ang lalaking hindi niya mahal... Pero kay Nathan... Prang handa siyang sumugal at makasama ito.. Gusto na nyang sundin ang puso nya.. Wala naman masama.. Mahal siya ng binata at...
Mahal din nya ito...
....Nabuo ang plano nila.. Umuwi si Elisa at doon patagong ng impake ng mga gamit na dadalhin niya sa pag alis nila ni Nathan mamayang gabi.. Abala ang ama sa pangangampanya kya wala na ito sa bahay.. Kahit mga katulong ay abala na rin..
Wala ang mommy nya ngaun at mukhang magiging maayos ang pagtakas niya mamayang gabi..
Nakaready na ang lahat.. Hinihintay na lamang nya ang oras.. Pati ang dadaanan nya pag alis ay na check na rin niya at wala ng mangyayaring aberya..
....Ito na ang panahon pra sundin na nya ang gusto nya.. Ang mgpapasaya sa kanya..
Ang tlgang tibok ng dalawang pusong dapat ay silang nagmamahalan...
......

BINABASA MO ANG
Baby Nathan
RomanceSiguro masarap mabuhay sa earth. With a loving mother and protective father. At xempre with me myself na sobrang cutie cute cute at lahat ma aamaze sa ka cute tan ko. Yung tipong pag aagawan nila ako para mabuhat lamang. Ang ganda noh kapag ganun ng...