"hanggang ngaun wala pa ring lead sa pagkawala ng dalawa?? Ano bang ginagawa nyo ha,naturingan pa nmn kaung mga pulis... Inutil..." galit na wika ni Lance habang kausap ang dalawang pulis na nsa bahay nila. Hinawi pa nya ang Table na nsa harap ng mga ito kaya nahulog ang mga laman nito sa ibabaw...
Nilapitan na siya ng kanyang ama pra mapakalma.. Sa lahat ng anak nya,ito tlgang si Lance ang pinaka matigas ang ulo...
"anak.. Ano bang ginagawa mo? Sa tingin mo ba ay mkikita natin kaagad sila kung mgkakaganyan ka?? Ginagawa ng mga pulis ang trabaho nila kya huwag mo silang sisigawan.."...
Tinitigan nya ang ama saka pati ito ay pinagbantaan na rin niya..
"sa oras na may hindi magandang balita na nakarating sa akin tungkol sa dalawa,,pati ikaw mananagot... Gumagawa kayo ng desisyon na hindi nyo sinasabi sa akin... Mga desisyon nyong kahit kailan napaka bulok!!!! Sabay walkout nya sa ama...
Wala ng masabi si Rodrigo.. Wala na ata siyang magagawa pa tungkol sa anak.. Nilamon na ito ng galit... Galit na siya mismo ang nagtanim sa anak.. At ngaun ay inaani na ng panahon..
Dahil sa pagkawala ni Elisa ay nagsimula na naman ang bangayan sa pagitan ng kanyang ama at ina.. Mag iisang linggo ng hindi umuuwi ang dalaga at lahat ay isinisisi sa kanyang ama...
"kasalanan mo ito Rogelio.. Wala kang kwentang ama.."
Hinarap siya ng asawa na dapat ay papaalis na noon saka ngsalita rin ito sa kanya..
"wala kang karapatang pagsalitaan ako ng ganyan dahil sa ating dalawa ikaw ang walang kwenta.. Nasaan ka ba nung mga panahong masaya ang anak mo? Nung mga oras na una nya akong tawaging daddy? Ng makahakbang siya at tuluyang matutong mglakad.. Nasaan ka ng unang matutong magbasa at magsulat ang anak mo... At higit sa lahat...
Nasaan ka ng mga panahong ngsisimula ng tumibok ang puso nya..
Wala ka db,,wala ka kaya walang alam sa pinagdaanan naming mag ama..
Kaya wala kng karapatang isumbat sa akin ang pgkawala nya..." iniwan na nya ito at hindi na hinintay pa ang sasabihin sa kanya..
Umiyak ng malakas si Sandra,ang mama ni Elisa.. Doon lamang nya na realized kung gaano pla siya kawalang kwentang ina.. Ng dahil sa pag ibig ay napabayaan nya na pla ang anak nya..
Ng dahil sa pag ibig.. Nasira ang pamilya nila.. Ngunit ngaun na gusto na nyang itama ang lahat,ngaun pa nangyari ang ganito.. Huli na pra magsisi,.. Ang tanging mgagawa na lamang niya ay ang mkita ang anak at mapadama rito ang pagmamahal na ni minsan ay hindi nya naiparamdam sa anak...
...
Tinuturuan si Elisa na magluto ng mga kababaihan na naroroon at tuwang tuwa nmn ang dalaga sa kanilang ginagawa.. Unang beses nyang mgluto at hindi siya binigo ng panlasa nito.. Masarap at halatang ginawa ng punong puno ng pagmamahal...
Nagsalu salu silang lahat ng naroroon at masayang masaya lalo ay ang magkasintahan na ngsusubuan pa ng pagkain..
Matapos kimain ay nagsialisan na ang mga laibigan nila doon at naiwan ang mgkasintahan..
Nakahiga sila sa isang malaking duyan sa pagitan ng dalawang puno na may mayayabong na sanga..
Nakayakap sa kanya si Nathan habang nakaunan naman siya sa dibdib nito.. Magkahawak pa ang mgkabila nilang kamay..
"Nathan"... Tawag ng dalaga...
"yes,mahal ko!"... Sagit ni Nathan..
"sana ganito na lang palagi,sana wala ng mawawala,,sana dito ka lang sa tabi ko.. Iloveu mahal ko..."... Wika ng dalaga sa kasintahan nya..
Mas hinigpitan ni Nathan ang pagkakayakap kay Elisa saka hinalikan ang kamay ng dalaga na hawak hawak niya...
"hindi ako mawawala mahal ko,,dito lang ako sa tabi mo.. Hindi tayo maghihiwalay kahit kailan.."...
Nanatili sila sa may duyan hanghang sa makatulog na silang pareho.. Nakatanaw lamang si Mang Isko sa kanila at natutuwa siya sa kanyang nakikita..
Naaalala nya kasi ang batang si Nathan ng nsa Pampanga pa siya.. Palagi nya itong nakikita roon at nasubaybayan na niya ang paglaki nito hanggang sa maging mgkaibigan na rin sila..
Higit pa sa kaibigan dahil tinuring na siyang ama nitong si Nathan..
Makulit at pasaway na bata si Nathan pero may ginintuang puso.. Mahilig siyang mangulit sa mga nagpupuntang mga turista doon. Naaalal pa nga niya yung eksena nina Elisa at Nathan noong dumalaw ang dalaga sa lugar nila.. Unang kita pa lamang niya sa dalaga ay alam niyang may mganda itong idudulot sa binata.. At hindi nga siya nagkamali..
Ngayong nakikita nya ang kaligayahan ng binata ay wala na siyang msasabi pa.. Hangad na lamang nya na malagpasan ng dalawa ang lahat ng problemang kakaharapin dahil sa pagsasama ng mga ito..
Problemang sa ngaun ay tinAtakasan nila.. Ngunit umaasa na sa bandang huli... Pag ibig pa rin nila ang manaig..
Sa dami ng hahadlang sa pag iibigan nila at hindi nila nkakatyak sa kanilang kaligtasan kya habang wala pa itong mga problemang ito ay sasamantalahin muna nila ang masasayang sandali na magkasama..
...
Nagising si Nathan at napangiti siya ng masilayan ang kayakap nya sa may duyan. Tulog na tulog ang dalaga at nakahilig pa sa may dibdib nya.. Dahan dahan siyang tumayo at binuhat ang dalaga pra ipasok na sa loob. Alas sais na rin ng hapon at mejo dumidilim na sa paligid..Hindi pa rin nagigising ang dalaga hanggang sa maibaba na nya ito sa kama. Gumalaw pa ito ng bahagya at iniayos ang pgkakahiga nya....
Nakamasid lamang si Nathan sa natutulog na kasintahan.. " sobrang mahal na mahal kita Elisabeth Mondragon... Sobra sobra.. Gusto kitang makasama habambuhay.." at hinaplos nya ang buhok ng dalaga at ikinawit sa tenga nito... Hinalikan nya ang pisngi ng dalaga ngunit bigla itong humarap sa kanya kaya sumakto sa labi nya ang labi ng kasintahan...
Gising pala itong si Elisa at rinig nya lahat ng sinasabi ni Nathan.. Ginantihan nya ang halik ng binata saka hinila ang damit nito pra mapalapit sa kanya.. Ikinawit pa ng dalaga ang braso nya sa batok ni Nathan kua mas dumiin ang kanilang halik..
....[oopppss spg na ang mga sumusunod na nagaganap.. Pero ang alam ko lang ay masaya ako. Magkakaroon na ng katuparan ang matagal ko ng hinihintay. Sabi nga nila db habambuhay may pag asa.. Eh ako nga hindi pa nabubuhay sa mundo pero punong puno na kaagad ng pag asa.. Pag asang nagkakaroon na ng katuparan. Pag asang mayayakap ko na rin sina mommy Elisa at Daddy Nathan. Subaybay pa more dahil bka sa mga susunod na chapter ay iyak ng isang napaka cute na sanggol na ang marinig nyo... Este mabasa... Sige po ... Bye muna ha...
From:baby Nathan... .]
...

BINABASA MO ANG
Baby Nathan
RomansaSiguro masarap mabuhay sa earth. With a loving mother and protective father. At xempre with me myself na sobrang cutie cute cute at lahat ma aamaze sa ka cute tan ko. Yung tipong pag aagawan nila ako para mabuhat lamang. Ang ganda noh kapag ganun ng...