Prologue

26 0 0
                                    

"ANO BA!!!!!!!! ANG KULIT KULIT MO NAMAN EH! SASAPAKIN NA KITA!"


Yung babaeng brutal na sumisigaw, ako yun.

Yung lalaking sinasabihan ko nun, siya yun.


"Hahahahahahahaha! ARAY! ANO BA BAKIT KA NANAPAK?"

"SINABI KO NA SAYO DI BA SASAPAKIN KITA? BINGI KA BA HA?"

"Mga babae talaga, mapanakit."


Wow, sayo pa talaga nanggaling yan ah?

Sino satin yung nanakit ha?

Sino satin yung totoong nasaktan?


"Ginegeneralize mo na naman lahat ng babae!"

"Bakit ka natamaan? Babae ka ba? HAHAHAHAHA!"

"CHE! Eh di hindi ako mapanakit! Bading."


Bobo naman nun.

Pano ko ba nagustuhan yun?

Bading pa. Kumpletong package para ayawan di ba?


Hay.

Nainlove na ba kayo sa kaibigan?

Sure ako karamihan sa inyo, oo.

Anong nangyari pagkatapos niyang malaman?

Lumayo ba siya or naging kayo?

Kung naging kayo, hala sige. Humayo ka na at nandidilim lang ang paningin ko.

Kung lumayo siya, pwes manatili ka kasi ikwekwento ko sayo kung pano tayo nagkapareho.


Ako nga pala si Kathleen.

At eto ang kwento ng napakagulo kong buhay.

Chances and ChoicesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon