Chapter 3: SEM
Sabihin niyong nananaginip lang ako ngayon.
Totoo ba yung sinabi niya? Kaklase ko siya?
Napapansin kong sobrang OA ko na magreact. Ang introduction ko sa inyo, kaibigan ko siya pero bakit nga ba ganito ako sa kanya? HAHAHAHA. Nasanay lang talaga ako na ganyan ako kabully sa kanya sorry.
"Oo, kaklase. Classmate. Parehas tayo ng klase, ng teacher, ng mga makakasama sa classroom. Kaklase."
"Alam ko yung ibig sabihin ng kaklase, wag mo kong gawing tanga."
"Wala akong sinasabi. Wag kang defensive." At ngumiti pa sakin ang loko.
"Sigurado ka bang kaklase kita? Pangalawang linggo na ng klase ngayon at ni isang araw dun sa nakaraang linggo ay hindi man kita nakita. Kaya paano kita magiging kaklase?"
"Dahil yun sa kakapalipat ko lang ng section. Masyado kong inayos yung conflict kong sched nung nakaraang linggo kaya ngayon lang ako nakapasok, okay? At saka ayaw mo yun, may kakilala ka na."
"Paano mo naman nalaman na wala akong kakilala dito?"
"Kath. Pareho tayo ng course. Lahat ng kilala mo, kilala ko. Kaya itong mga to," tinuro pa isa-isa ang mga kaklase namin, "hindi mo lahat kilala yan kasi iba course nila. Intiendes?"
"Whatever."
Ano ba yan. For the first time in history, sa tinagal-tagal naming magkakilala ni Prince, ngayon lang kami naging magkaklase. At sa isang subject pa na siya lang ang kilala ko ha?
What are you trying to imply, Tadhana?
"Okay, class. Goodbye and see you next meeting."
Sa wakas natapos na rin ang klaseng to. Mawawala na rin sa paningin ko si Prince.
"May gagawin ka ba ngayon?" tanong ni Prince.
Anong meron?
"Bakit ganyan ka makatingin sakin? Nagtanong lang ako nakadeath glare ka na agad."
"Bakit mo naman naitanong?"
"May pupuntahan kasi ako ngayon. Baka wala kang gagawin, pwede mo naman akong samahan."
"Sorry, may pupuntahan rin ako ngayon."
"Eh bakit parang wala kang intensyong umalis sa upuan mo? Haha."
"Hinihintay ko si Eunice."
Biglang bumukas ang pinto ng classroom na kaming dalawa na lang pala ang laman.
"Hi beh!!" speaking of. "Uy, Prince. You're here."
"Yes, I am." Tapos ngiti ulit si Prince.
Lumingon sakin si Eunice, "Akala ko ba wala kang kakilala dito? Nandito si Prince oh."
Sasagot na sana ako kaso inagawan ako ng moment ni Prince, "Katatransfer ko lang dito. Kaya ngayon niya lang rin nalaman na kaklase niya ako."
"Ah ganun ba? Tara na beh! Baka gabihin pa tayo."
Omg. Thanks beh! Buti hinihila mo na ako ngayon para makaalis dito. Kaso biglang nagsalita na naman si Prince.
BINABASA MO ANG
Chances and Choices
Genç KurguKathleen Rodriguez is a simple college girl who just lives her life, but her friend Prince Reyes decides to make her life a little more exciting. Fate gives the chance to know each other, but what are the choices they're going to make? If you've fal...
