Chapter 2: Classmate?
"KAAAAAATH! GISING NAAAAAA!"
Aga-aga sakit sa tenga ng boses ng roommate ko.
Walang iba kundi si Eunice. Siya yung pinakamatuturing kong bestfriend dahil alam niya lahat tungkol sakin. Kilala rin siya ng parents ko kaya kahit saan man magpunta, pumapayag sila basta kasama ko si Eunice.
"5 minutes. O kaya 10 minutes. Or hayaan mo na lang ako matulog."
"Hindi pwede. May pupuntahan tayo ngayon di ba? Nagpromise ka sakin na sasamahan mo ako doon."
"San ba?"
"Grabe di ko naman akalain na may memory gap ka pala! Sa Shell Eco Marathon!"
"Ikaw na lang.... gusto ko pang matulog."
"Ehhhhh... Kath, tara na!"
"Eunice naman eh." Sabay dabog sa kama ng prinsesa ng drama. Wala eh, gusto ko matulog. Bakit ba.
"Sige ka. May surpresa pa naman ako para sayo."
"ANO?" nabuhayan ako dun ah. Surprises. Ooooh, how I love surprises.
"Tumayo ka na dyan para makita mo kung anong surprise ko sayo." Sabay kindat at alis ng kwarto ko.
Well, roommate tawag ko sa kanya but technically, may mga sarili kaming kwarto dito sa condo. Uunahan ko na kayo, di kami mayaman. Sakto lang. Mga magulang ko nagdecide na magcondo ako kaya humanap ako ng roommate. Since si Eunice ang una kong nakilala sa college, siya na ang inimbitahan kong maging roommate.
Ayun nga, dahil mahilig ako sa surprises, wala akong nagawa kundi bumangon na at tingnan kung anong surpresa niya sakin.
"SURPRISE!!!!" Yan ang mga salitang bumida sa akin pagbukas ko ng pinto.
"OMG!!!! KUYA!!!!! Nandito ka na!!!!"
Sobrang saya ko dahil nakita ko na si Kuya Xander. Siya lang ang kuya ko, kaya naman sobrang close namin sa isa't isa. Nakatira kasi siya sa mismong bahay namin, habang ako nandito sa Manila.
"Namiss mo ba ako, baby girl?"
"Hay nako kuya. Hanggang ngayon ba naman baby girl pa rin tawag mo sakin?"
"Syempre naman. Ikaw baby girl ko eh."
"Sweet naman ng kuya ko! Anong dala mong breakfast para sakin?"
"Favorite mo syempre! Bacon, eggs, hotdogs, soup, at saka hot chocolate."
"Xander! Bakit walang pancakes?!" hirit naman ni Eunice. Hindi tinatawag ni Eunice na Kuya si Kuya Xander kasi daw magkasunod lang sila ng year. 1995 si Kuya, 1996 si Eunice at 1997 naman ako. Wag na kayong magtaka kung bakit magkaklase kami ni Eunice. Maraming ganyan ngayon.
"Sino ka para bilhan ko ng pancakes? Hindi mahilig si Kath sa pancakes kaya di na ako bumili."
"Tinext pa kita para dun ah! Grabe nag-expect ako."
"Joke. Ayun oh. Matuto kasing maghanap."
"Aga-aga nagbabangayan kayo dyan. Hahaha." Kahit kailan talaga tong dalawang to, nag-aaway. Madalas silang ganyan. Parehas kasing baliw.
BINABASA MO ANG
Chances and Choices
Teen FictionKathleen Rodriguez is a simple college girl who just lives her life, but her friend Prince Reyes decides to make her life a little more exciting. Fate gives the chance to know each other, but what are the choices they're going to make? If you've fal...