Chapter 1: Photobomber
Ano ba naman to.
Ang ingay-ingay.
Foundation na naman kasi eh.
Kahit kailan talaga sa school na to, andaming tao.
Pero buti na lang walang klase, nakakatamad pumasok.
At saka nandito yung favorite kong pagkain, Korean BBQ. Hihi.
Isang linggong ito lang kakainin ko, baka maging Koreana ako.
"HOY! Bilisan niyo paparada na daw!"
"After tayo nung pangalawang sasakyan kasi Top 2 ang org natin ngayon."
Oo nga pala.
May parade nga pala. Every Foundation na lang.
Ang init kaya.
"Oy! Kath. Tara na. Punta na tayo sa labas!"
Yan. Siya si Mile. Siya yung isa sa pinakaclose kong babae dito sa school. Matagal na rin kaming magkakilala since first year pa. Kung hindi niyo naitatanong, second year na kami ngayon. Makamatagal, isang taon pa lang pala. HAHAHA.
"Pano kung ayoko?"
"Eto, parang di excited. Hoy, applicant ka pa lang. Kailangan maging bibo ka!"
"Ang init oh."
"Bakit kasi nakalong sleeves ka?"
"Para di mangitim."
"Mainit naman!"
"Aba tiis ganda. Okay ng mainitan wag lang mangitim."
"Bilisan mo na. Andyan na sina Brian oh!"
"Oo na, mother. Wetchikels lang."
So yun. Pumunta na nga kami sa parade.
Ang ingay talaga.
Sinisigaw nila yung pangalan ng org namin habang pumaparada.
Pinagtitinginan kami ng tao, kala ata nagrarally kami.
Walang nagrarally na nakangiti, oy.
"Nakakapagod." sabi ni Mile habang humahanap ng upuan sa tambayan namin.
"Sabi sayo wag na sumama eh."
"Wow, may sinabi ka?"
"Ay wala ba. Eh ginusto mo yan eh, sabi ko sayo di na ko sasama eh."
"Sumama ka rin naman wag ka ng choosy!"
Umupo na lang kami sa tambayan at uminom ng tubig. Napakainit talaga ng panahon kahit January. Jusko paano.
"Kath! Kath!!!!"
"Oy, Anj. Bakit?"
Siya si Anj. Wag niyo siyang bigyan masyado ng halaga. Mawawala din siya sa istorya. Ngayon lang susulpot yan.
BINABASA MO ANG
Chances and Choices
Fiksi RemajaKathleen Rodriguez is a simple college girl who just lives her life, but her friend Prince Reyes decides to make her life a little more exciting. Fate gives the chance to know each other, but what are the choices they're going to make? If you've fal...
