Chapter 6: Thank You

6 0 0
                                    

Chapter 6: Thank You

Puchang gala. Nakainom ba tong lalaking to? Bakit panay ang banat nito sakin? BANATAN KO TO EH.

"Shocks. HAHAHAHAHAHAHA. Kung nakita mo lang yung mukha mo, pucha aakalain ko talagang may gusto ka sakin eh. ANG PULA NG MUKHA MO OY! HAHAHAHAHAHAHA."

Walanghiya. Eto na nga ba sinasabi ko eh. Pinagtitripan lang ako nitong hayop na to eh. Ang saya ko bang pagtripan at lagi na lang? Puchang gala, sarap itapon sa outer space ni Prince.

"Hoy. Nagtataray ka na naman. Sinabi ko lang na ganun, bigla mo na lang akong tatarayan. Okay lang naman kasi sakin kung aaminin mong may gusto ka sakin eh. Hindi kita kakasuhan ng pagiging adik sakin."

"Alam mo, Prince Edrian Reyes, hindi ko alam kung anong pumapasok sa utak mo ngayon at mukhang maluwag na naman ang turnilyo mo! GUSTO MO BANG KUMUHA AKO NG SCREWDRIVER?!"

"Hoy, ano na naman yan?" saway ni Eunice.

"Hahahaha. Si Kath kasi eh, masyadong nakakainlove."

"Ikaw, Prince ha? Lakas mong bumanat dito. Kapag ito nahulog sayo, nako."

"Lul! Asa pang mahulog ako dyan! Hinding-hindi ko magugustuhan ang tipo ni Prince no!"

Over my gorgeous face and confidently beautiful body.

Never ever.

"Ay grabe siya oh. Wag ganon, Kath. Baka bawiin mo sa dulo yan." sabi ni Steven.

"Itaga mo sa malaking pisngi nitong lalaking to, hindi ko babawiin yan!"

"Chill, Kath. Sorry na. Ang cute mo lang kasi pagtripan eh. Wag ka na magbeastmode, okay?"

"Umalis na rin tayo. 9 pm na oh. Magsasarado na SM." Yaya ni Eunice.

Umalis na kami sa mall na yon. Magkakaiba na kami ng way, malayo pa ang uuwian nitong si Steven, tapos itong si Prince, syempre sa condo nya. Nakapunta na kami sa LRT station at hinintay makasakay si Steven, since mag-isa lang siya at sabay naman kami ni Eunice. Nung nakasakay na si Steven, aakyat na sana kami ng LRT para umuwi na rin ng higitin ni Prince ang kamay ko.

"Ano?"

"Hatid na kita."

"What?!" di ako makapaniwala. Ano bang kinain namin kanina at ganito to kabait?

"Puno ba ng earwax yang tenga mo? Kadiri ka, magcotton buds ka nga. Marami akong stock sa bahay, donate-an kita?"

"Napakawalang kwenta mo talagang kausap kahit kailan."

Inalis ko na yung pagkahawak niya sa kamay ko, at hihilahin na sana si Eunice, pero hinigit na naman ako ng ubod ng lakas nitong si Prince. Jusko po, baka mawasak ang sexy body ko kakahila sakin nitong lalaking to.

"Ang sabi ko, hatid ko na kayo."

"Parang hindi naman yun yung narinig ko kanina," sabat ni Eunice, "muntik na ako magtampo kanina kasi parang di naman ako kasama."

Sa mga pinagsasabi ng babaeng to, nageexpect ako na nakasimangot siya and everything but she has this weird smirking face. I'm too exhausted to think about what that means so pinalipas ko na lang.

"Okay lang kami. Sanay naman kami mag-commute eh."

"I insist. Hindi naman yata kakayanin ng konsensya ko na hayaan ang dalawang babae na umuwi ng dis-oras ng gabi."

Chances and ChoicesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon