Chapter 7: What is a Date?
Ang dami-dami na namang ganap ngayon, matatapos na kasi ang term. Kung saan-saang outing na naman ang yayaan, tapos hindi rin naman matutuloy. Mga drawing. Maging masaya sana kayo sa mga art museum. Pinapaasa niyo ko, pinapatakam niyo ko sa pagpunta sa beach at makakita ng magandang sunset.
Nagpunta ako sa tambayan ng org namin ngayon, may announcement daw yung president. Importante daw, lalo na yung mga applicants. Since applicant pa lang kami ni Eunice, pumunta na kami don. Pagdating namin sa tambayan, ang daming tao. Ganito pala kadami ang nag-apply sa org namin? Wow, ez promotion.
Nakita rin namin ni Eunice si Steven, applicant rin kasi si Steven dito. Sabay-sabay kaming nag-apply dito, matapos naming makinig sa seminar nila last term. Mukha kasing masaya dito sa org, at andami pang friendly na officers.
Nakita ko rin sina Mile at Dexter, naalala kong applicant rin sila dito.
Oh. Ano? Hinahanap niyo si Prince no?
Sus. Ang hari ng mga bakulaw, asa pang mawala sa eksena yon.
Dati pang member si Prince ng organization na to, kaya naman close na close na sila nung presidente. If I know, type ng president si Prince kaya lagi niyang pinaparequire si Prince na tumambay dito. Pero loko lang, Prince is nowhere to be seen. Isang himala!
"Guys, settle down. May important announcement lang ang president natin."
So ayun, since malaki naman ang tambayan namin, kasyang-kasya naman lahat ng applicants nila dito. Umupo kami sa bleachers at nakinig sa president.
"Guys, may magaganap tayong Team Building sa end term. So lahat ng applicants, required sumama. Yung tungkol sa presyo, pinag-uusapan pa namin ng mga kapwa ko officers. Gusto ko lang ipaalam sa inyo para ngayon pa lang makapagpaalam na kayo at makapag-ipon, pero siguro mga 1500 or less ang aabutin nun. Sa Antipolo siya magaganap, kaya medyo malaki ang maibabayad namin sa transportation kaya ganon. Yung about naman sa teams niyo, imimix namin kayo. Kung maaari, hindi namin pagsasamahin ang mga magkakakilala para makameet kayo ng new friends, at saka para maexercise niyo talaga ang team building. May bawat officer na naka-assign sa inyo."
Tumigil siya saglit para kausapin yung isang officer. About yata sa post sa fb group.
"So, pinost na namin sa FB Group yung teams niyo at mga designated aspiring officer niyo. Pakicheck na lang. May mga tanong ba kayo?"
May isang nagtaas ng kamay, "Kailan po itong team building? Anong exact date?"
"Uhm, tatapat siguro siya ng mga March 28 or March 29, tapos overnight. Magdala sana kayo ng sapat na extra clothes kasi baka madungisan or maputikan kayo dun. May tanong pa ba?" sabi nung president, Driana yata yung pangalan.
"Ate, pwede po bang down muna yung bayaran kung sakali? Kasi parang sobrang bigat naman sa bulsa nung isang bagsakan na 1500."
"Oo naman, inannounce ko lang ngayon para makapagsabi na kayo, or makapag-ipon, tapos yung final price is malalaman niyo naman, siguro by next week, meron na."
Since wala ng nagtanong, hinayaan na kaming umalis nung presidente. Pero dahil wala pa naman kaming klase ni Eunice, tumambay muna kami. Nilabas ko yung librong binabasa ko, samantalang itong si Eunice kinukulit ako dahil sa bawat "gwapo" na dumadaan. Hindi ako makaconcentrate sa bawat pagyugyog niya sa
"Bes, tingnan mo yun oh! Chinito, tapos ang tangkad pa! Shet ang gwapo niya."
Sorry, Eunice. Si Justin lang ang tanging chinito sa buhay ko.
BINABASA MO ANG
Chances and Choices
Teen FictionKathleen Rodriguez is a simple college girl who just lives her life, but her friend Prince Reyes decides to make her life a little more exciting. Fate gives the chance to know each other, but what are the choices they're going to make? If you've fal...