Chapter 5: Indak

13 0 1
                                    

Chapter 5: Indak

Wednesday na ngayon. Holiday. Araw na magkikita kami nina Prince, Eunice at Steven para magswimming sa condo nila. At hanggang ngayon hindi pa rin mawala sa isip ko yung mga napag-usapan nung Monday habang papuntang school.

"Pinanood siyang matulog."

"Ha?!" BAKIT NIYA AKO PINANOOD MATULOG?! ANO AKO PELIKULA NA DALAWANG ORAS NIYANG PINANOOD?!

"After ko kasing magligpit ng pinagkainan natin..."

"SIYA YUNG PINAGLIGPIT MO KATH?!!" sigaw ni Eunice.

"Ano ba. Sabi niya siya na daw eh. Eh di siya. Pagbigyan naman natin kahilingan niya. Simpleng bagay lang eh."

"EH KAHIT NA BISITA NATIN SIYA!"

"Hahaha. Okay lang naman sakin, Eunice."

"So bakit nga pinanood mo akong matulog?"

"Nakabukas kasi mong iniwan yung pinto mo kaya pumasok ako. Pinagmasdan lang kitang matulog ng saglit tapos umalis na rin ako kasi inantok rin ako. Nagising lang ako ng mas maaga sa inyo kaya hindi niyo napansin na natulog rin ako."

"Ah, akala ko naman pinanood mo siyang matulog ng dalawang oras."

"Kung hindi lang ako inantok, baka nga ginawa ko yun."

Ano bang pinagsasabi niya? Naririnig niya ba yung sarili niya o lumalabas sa isa pang tenga yung pinagsasabi niya?

"Kathleen! Tapos ka na ba mag-ayos ng gamit?"

Hay para akong may nanay dito sa condo. Makapagtanong naman siya kung tapos na ako mag-ayos ng gamit kala mo isang linggo akong mawawala. Babalik rin naman kami mamaya.

"Oo, ready na ko."

"Oh, tara na. Sa may Gilmore station daw yung condo ni Prince. Mag-LRT na lang tayo."

"Si Steven?"

"Diretso na siya dun. Mas malapit siya dun, remember?"

"Ah, okay."

Maya-maya lamang ay umalis na rin kami ng condo at naghintay ng jeep na papuntang LRT1. Pagkarating namin sa Gil Puyat station, bumili kami ng ticket papuntang Doroteo Jose at doon kami mageexchange ng trains para makapunta sa LRT2. Mula sa Doroteo Jose, naglakad kami papunta sa Recto station ng LRT2 at bumili ng ticket papuntang Gilmore.

*phone vibrates*

From: Prince Reyes

Nasan na kayo?

To: Prince Reyes

Nandito na kami sa Gilmore station.

From: Prince Reyes

Ah, baba na lang kayo mula sa Gilmore station. Hinihintay namin kayo ni Steven dito.

At pagkatext niya, sinabi ko na agad kay Eunice na bumaba na kami sa station at naghihintay na sila doon. Pagkababa namin, agad naman naming nakita si Prince at si Steven.

"Hi guys! Buti naman nakapunta kayo. Akala ko hindi na kayo darating eh."

"Nasan na sina Dexter at Mile?" tanong ko sa kanya.

"Ah, hindi raw sila makakapunta eh. May gagawin raw sila."

Pagkasabi niya nun, nakita ko yung lungkot sa mga mata niya. Feeling ko iniisip niya yung mga sinabi sa kanya ni Dexter nung Shell-Eco, na baka dahilan kung bakit hindi sila sumama sa pagyaya sa kanila ni Prince.

Chances and ChoicesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon