Chapter 4: Visitor

13 0 2
                                    

Chapter 4: Visitor

Nandito na ako ngayon sa bahay. Nasa kwarto, nag-aayos ng gamit na dadalhin ko papunta sa probinsya namin. Umuwi daw muna ako sabi ni Mama, namimiss na daw nila ako eh. Since two days rin lang naman yun, at susunduin ako ni Kuya Xander dito, um-oo na lang ako.

After kong ayusin yung gamit, naisip ko na naman yung text ni Dexter kay Prince kanina. Ewan ko kung bakit, pero simula noon talaga, nakaramdam ako na dapat iparamdam ko kay Prince na belong siya, na hindi siya pinapakisamahan lang. Ramdam ko yung lungkot niya hanggang sa paghatid niya sakin sa sakayan.

"Sure kang okay ka na dito? Ayaw mong ihatid kita?"

"Okay na, Prince. Araw-araw naman akong sumasakay dito kahit wala ka kaya okay na."

"Hahaha. Sorry na." tapos tumingin siya sa malayo.

"Ikaw? Okay ka lang ba?"

"Ha? Ah... oo naman. Wag mo ng isipin yung text ni Dexter kasi ako hindi ko iniisip yun."

Hindi raw iniisip pero wala nga akong sinasabi yun yung sinabi niya. Hay Prince.

"Ayan na yung jeep oh. Hintayin na kitang makasakay."

"Sige, salamat ah. Ingat ka."

"Ingat ka rin." Tapos kumaway siya sakin.

Umandar na yung jeep kaya hindi na niya ako tinitingnan pero bago lumayo ng tuluyan yung jeep na yun sa kanya, nakita kong napabuntong hininga siya at napatingin na lang sa langit.

Ano ba to. Bakit kasi nakita ko pa yung text na yun eh, naiisip ko tuloy si Prince.

*phone vibrates*

From: +63915*******

Hi Kath! Prince here. Gusto lang sana kita iinvite sa Wednesday? Holiday kasi eh. Swimming sana sa condo. If pwede ka, just reply. Thanks! J

Paano kaya nalaman ng Prince na to ang number ko? Nakakapagtaka rin naman na ang tagal na naming magkakilala di pa namin alam number ng isa't isa di ba?

Naalala ko na naman yung naramdaman ko kanina. Pupunta ba ako?

To: +63915*******

Uhm... hi. Sino sino pupunta?

Mas mabuti ng alam ko kung sino sino makikita ko dun no.

*phone vibrates*

From: +63915*******

Sina Steven at Eunice sure na pupunta. Kinontact ko rin sina Dexter at Mile kung pwede sila eh.

Oh. Pupunta naman pala sina Eunice eh. There's no harm in joining di ba? Teka maisave nga muna tong number.

To: Prince Reyes

Sige, sama ako.

*phone vibrates*

From: Prince Reyes

Yey! Masaya akong malaman na pupunta ka. Natatakot kasi ako na baka kapag ako ang nagyaya, walang sumama eh. J

That last sentence made me feel na dapat talagang itropa ko tong taong to. He's so sensitive and sad inside.

Hinayaan ko na lang na siya yung last text, wala rin naman akong sasabihin eh.

Ang boring lang ng weekend ko. Wala naman kasi akong ginagawa sa bahay kaya ayun, nandun lang ako sa kwarto maghapon. Pagkain lang ang exciting sa bahay eh. Madaming pagkain unlike sa condo.

Chances and ChoicesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon