Chapter 10: Family Outing
"You are my moon."
Yan ang mga katagang hindi ko maalis-alis sa isipan ko. Hiritan ka ba naman kasi ng ganon tapos English pa? Di ba sabi namin wag mag-English? Makulit rin eh. May pa-deep pa siyang meaning.
"You are my moon."
Seriously, hindi ko maintindihan talaga kung bakit niya nasabi na ako ang moon niya. Alam kong maganda ako in my own way, and I don't need anybody else, pero "niya"? Ang nakakainis pa, he didn't explain after that. Nakatulog na siya after niyang sabihin yun, and the next day, same old Prince na naman siya. Yung Prince na kinaiinisan ko.
I can't help but think na kung ibabase mo sa interpretation niya ng moon, masasaktan lang siya sakin. Aba, masasaktan ko talaga yun! Kung ano-ano na pinagsasabi at pinaggagawa nun sakin eh. Masarap ata akong pagtripan kaya laging ganun yun eh.
But who is his sheet of stars?
Ay bahala na nga. Bakasyon na. Makakatulog na ako ng mahimbing. Wala munang Eunice sa buhay at bahay ko ngayon, dahil umuwi ako sa Batangas tapos si Eunice naman umuwi sa Pampanga. I'm sure nag-iisip na naman yun ng term break para magkita kami ulit.
It's already 10 in the morning, and it's a beautiful day. Nandito ako sa malambot kong kama, at narealize kong may isang gwapong kuya ang nakacrossed arms sa may pinto ko.
"Good morning." sarcastic niyang sabi.
"Don't give me that look, Kuya. Nakalagay dito oh," kinuha ko ang digital clock ko, "10 AM. AM. Ibig sabihin morning pa. Yes, tanghali na, pero at least hindi pa hapon di ba?"
"May sinabi ba ako?" he gave me a sarcastic smile, "Get up. Eat your breakfast. May pupuntahan tayo."
"What?! Saan?"
"Basta. Come on, up!" tapos umalis na siya ng kwarto ko.
"Ughh." tapos hihiga pa lang sana ulit ako nang biglang narinig ko si kuya, "Get up, Kathleen! Iiwan ka namin."
Akala ko pa naman magagamit ko ang term break ko sa pagtulog lang. All those sleepless nights, I want them back.
Nagprepare na kagad ako kasi kilala ko ang kuya ko. Iiwanan niya talaga ako pag nakita niya akong hindi pa ready. Since ang tagal daw simula nung huli kaming magkasama-sama ng family ko, gusto daw nilang magkaroon ng outing. Nainggit daw sila sa akin kasi daw nagteam building ako kaya balak nila magteam building din.
Pupuntahan daw namin yung sikat na resort sa Lipa. Malapit lang daw to sa may air base, kaya hindi na kami dadaan ng Star Tollway para don. Dadaan na lang kami sa dinadaanan ng mga jeep papuntang Lipa.
After ilang minutes ng byahe, nakarating na kaagad kami sa Shercon Resort. Medyo naligaw pa kami nung una, pero pagdating namin doon, sinearch kagad ni Kuya kung gaano kalaki tong resort. Pinuntahan ko kaagad yung place kung saan makikita mo ang Taal Volcano. Wow, napakaganda ng view. Ang sarap sa pakiramdam ng hangin na nafefeel ko. Ang lamig.
BINABASA MO ANG
Chances and Choices
Fiksi RemajaKathleen Rodriguez is a simple college girl who just lives her life, but her friend Prince Reyes decides to make her life a little more exciting. Fate gives the chance to know each other, but what are the choices they're going to make? If you've fal...
