Chapter 1

35 4 0
                                    

oh well, andyan na pala si prof.

"My name is Ms. Jessa M. Sanchez, I'm your philo professor. Ok class.. pass your registration forms and as I call your name, you may introduce yourself."

arggh!! Ito ang ikinaiinis ko kapag first day of school eh and take note, college na kaya kame bat may ganyan pa?!!

at nagtawag na ng mga iba't ibang pangalan si Miss..  "Sephine, Kelnah, Mae Czarina, Elle, Typo, Lyrric, Grammi .." weird names yung iba, kaya inintay ko na lang na matawag yung pangalan ko.

"Alleyna ..

Miss Villareal? ALLEYNA VILLAREAL??"

WOAH! ako na pala.. napatunganga kase. Medyo napasigaw na tuloy si Miss

"Sorry" mahina kong tugon. "I'm Alleyna Villareal, you can call me Leigh if you want. I'm a third year Buss--" naputol ako sa pagsasalita dahil sa may biglang pumasok na dalawang istudyante. ang timing naman nila grabe.

"You may take your seat now Ms.Villareal, and Oh You two are late on the first day, Congratulation!"

spell sarcasm sa sentence ni Miss oh.

"Sorry Miss" sabi nung isang guy na matangkad at maputi sabay abot ng registration forms nilang dalawa.

"okay okay." tiningnan at binasa naman ni Miss yung reg's nila. "Mr. Sander?"

"yes miss?" sabi nung isang guy na late.

"Introduce yourself infront of your classmates."

"Hi Guys! I'm Mark Sander, I'm living in a BM Village. I'm Happy to meet  all of you."

mukha naman siyang masayahin, Bat ko nasabi? abot pangkalawakan kung maka-ngiti eh. Yung parang nakakaasar o baka ako lang ang naasar?

"and Mr.Xavier"-Miss

"I'm Stephen Xavier and i hope we can all be friends."

oww. Stephen pala name niya, okaaaaay i-describe ko ba? wag na. Not so important, deh joke :) well, matangkad. mga 5'8 or 5'9 di ako sure, wala akong dalang panukat eh. Neat siya manamit, pano ko nasabi? walang ka-gusot gusot yung uniform eh neat na yun para sa'kin. Medyo maputi siya, hindi yung maputla ang kulay ah kaya nga medyo eh. Matangos ang ilong. In Overall? garnering of average score of 98% dyaraaaaaaan! In short, GWAPO. ang dami ko pang sinabi eh haha ^_^

  --

Literature subject sa room 405, may short activity na agad kay Ms. Lopez

"Compare Ourselves into a thing"

and guess what? parang highschool na i-rerecite namin infront of the class ang sagot namin. Kaya ayoko talaga ng first day eh, SUPEEEEER! kayo ba, gusto niyo?

at si Mr.Xavier na pala yung nasa unahan.

"I compare myself into a bamboo. Because, everytime when there was a strong wind or storm the bamboo follow the flow of the wind and didn't break. Like in myself i did not surrender in any trials come in my life and I face it and solve the problem."

[I know meron siyang wrong spelling, grammatical erros or something etc. It's just that sagot niya talaga yan, hindi ko pwedeng baguhin dahil mali lang siya. Just bear with it, lahat ng tao ay nagkakamali.]

  --

after a week ..nagkaroon na rin naman ako ng mga circle of friends. Composed of 8girls including myself at dahil marami sila ..hindi ko na sila ipapakilala isa-isa, hindi niyo rin naman matatandaan agad. Two girls nalang muna sa ngayon, sina Mae Czarina Zarape at Elle Rodjun. Sila ang  pinaka close ko sa lahat, magkakaparehas kasi kami ng topak sa ulo lumalabas yung tunay na ako kapag sila ang kasama ko. Nagiging reserve student kasi ako sa ibang tao, yung ayaw kong masyadong maging malapit ganun. feeling ko kasi para pag nawala na sila sa buhay ko, hindi na masakit. Easy to let go kumbaga, less drama. Pero dahil kay Mae at Elle, nawala ang takot ko na yun at unti-unting naging makulay ang aking buhay.

Papunta kami sa cafeteria ngayon dahil breaktime syempre, at kasama ko si Mae at Elle.

"Mae, tigilan mo na nga yang pagtetext mo. Baka madapa ka pa niyan eh. Nakuu! hindi kita aalalayan ha, ang taba mo pa naman ngayon! I'm sure mabigat ka, di ko keri yang fats mo." napatawa naman ako sa pagka-exagged ko masyado.

"Grabe ka Leigh ha, ang sama mo."biglang simangot niya at lagay ng cellphone sa bulsa ng palda niya.

"Nako Mae,ganyan yan!" ginatungan naman ni Elle.

"eh sino naman kasi yung katext mo?"

"secret" with matching ngisi pa ni Mae. nakaka-asar lang ha!

"Nako ganyan yan!" sabi ni Elle.

yung totoo Elle, yan lang talaga ang dialogue mo sa eksena na to?

"ayy nako tara na nga, gusto ko ng kumain ng nooda crunch at milk tea ngayon eh."

Is He The One?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon