Chapter 10

27 1 0
  • Dedicated kay Mirasol Suiza
                                    

Nakalabas na kami ng AVR. Aynako! Grabe! Ngayon lang ako pinagpawisan ng ganito. Pwew!

"Punta muna tayong cafeteria, nagutom ako dun." Sabi ni Elle at tumango nalang kaming apat.

Cafeteria~

Ang dami na namang istudyante, pero hindi kagaya nung isang beses na kaylangang pa naming maghanap para lang makaupo. Nagsi-uwian na lang siguro yung mga istudyante na nanood ng diumano'y "concert". Mga pagod na siguro yun. Ikaw ba naman ang magtitili at halos maglumpasa'y sa sahig ay hindi ka ba mapapagod? Wala na rin namang klase. Suspended na.

"Elle, anu ba yung sinasabi nila na bumalik na daw si Stephen? Sa pagkanta?"

Lumingon sa akin si Elle habang iniinom niya yung juice niya. "Bat mukang interesado ka ata?"

Napalunok na lang ako at nag-isip ng palusot. "Ahmm ..curious lang"

"You know curiosity kills right?"

"Wag na nga, para yun lang ehh"

Mula sa seryoso niyang mukha ay bigla siyang tumawa.

"Ang seryoso mo naman ..ang epic ng mukha mo." Pagkatapos niyang sabihin yun ay tinakpan niya yung bibig niya ng dalawang kamay para pigilan ang pagtawa.

Seriously? Natawa na siya dun? Ang corny niya.

"Seryoso? Ako? Look who's talking."

"Hey, baka magkapikunan pa kayo niyan. Tama na yan." Sabi ni Mae.

"Sorry." Sabi ko na lang. Bat ba ang pikon ko? Dapat nga masanay na ko kay Elle, ganyan siya eh. "Siguro pagod lang ako .. Tayo."

"Sorry din. Manonood din kasi ng tv."bulong ni Elle.

"Tama na nga yan, tara uwi na tayo. Pagod lang tayong lahat."

Hindi na din ako nag-usisa pa kahit ang dami kong gustong itanong.

--

Linggo ngayon at malamang ay Monday na bukas. Weekdays na naman! Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis dahil pasukan na naman bukas.

Naglalaro lang ako ng logo quiz sa cellphone ko habang nakahiga sa kama sa kwarto ko. Katatapos ko lang din mag merienda, natapos ko na din yung project ko kay Ms. Ocampo kaya wala na akong gagawin pa.

Biglang nag-vibrate ang cellphone ko which means ay may nag text.

"Nako. Mamaya ka pag natapos ko na itong level na to."

Yung madadali lang muna yung sinasagutan ko, katulad ng logo ng chupa chups ..wala lang siyang name na nakalagay sa logo, different brand of cars, banks etc. Hanggang sa nawala na sa isip ko yung nagtext kanina,

After two hours ..

"Arggh! Ang hihirap naman." Hindi naman kasi pwedeng umasa lang ako lagi sa hints kasi limited lang naman siya.

Pagtingin ko sa kaliwa ko, sa bintana ..madilim na pala. Nagulat pa ko ng bigla na namang mag-vibrate ang cellphone ko, muntikan ko pang maihagis sa gulat ko. Saka ko lang naisip na may nag text nga pala sa 'kin kanina.

4:32 pm received from +6391-7111-0000

"Hi! C@n Yu B3 my t3xtm@t3?"

What? Anu daw?

Yan ba yung jejemin ay jejemon ba na tinatawag? Sorry naman. Ngayon lang kasi talaga ako naka-encounter niyan kaya hindi ko alam.

WOW. As in super wow lang talaga. Tsaka textmate daw? Tama ba?

Uso pa pala yang mga ganyang text? Nakakakilabot lang talaga ha. Atsaka hindi ako mahilig makipag textmate, lalong-lalo na sa hindi ko kilala. Usong-uso pa naman yung "different gangs" out there. It's creeping me out! OA na kung OA pero hindi mo ako masisisi kung nag-iingat lang ako.

Is He The One?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon