Pagbalik ko ng classroom.. sakto namang bell na at umupo na ko sa upuan ko. ang tagal ko ding napatunganga sa cafeteria ah.
"San ka galing? Ang tagal mo ah." sabi sakin ni Mae.
"dyan dyan lang sa tabi-tabi."
"bakit parang pinagsakluban ka ng langit at lupa dyan?"
hindi ko na lang siya sinagot at pinanindigan ko na ang pagtunganga. Nagkikwento lang naman ng talambuhay niya yung prof namin, pati yung sa kapitbahay nila ay kinikwento din. Dahil tinatamad na akong magsalita, nagsulat na lang ako sa isang tinuping papel at sinagot kung anung tanong niya.
"May naka-encounter lang ako na wweird na tao." sabay abot ko sa kanya, magkatabi lang naman kami kaya di kami mapapansin ng prof namin. Sinakyan niya na din ang trip ko at nagsulat na din siya.
"huh? Sino naman?"
"classmate natin."
"oh.. Isa sa kasama natin kanina sa cafeteria?"
"yep. Nakakaasar siya.'
"Bakit, ano bang nangyari? Mabait naman yun ah."
"huh? pano mo nasabing mabait yun? spell ASA."
"wala naman siyang ginagawang masama ah."
at pinagtatanggol niya pa talaga yung lalaking yun?! The nerve of that guy! Nang-gigigil ako sa kanya!
"Anong wala? nakakaasar kaya siya. ang bastos pa. You don't know him fully."
'Eh ano ba kasing nangyari, kanina ko pa tinatanong.. paulit-ulit na ko. para na akong sirang plaka dito pero di mo pa din sinasagot yung tanong ko."
(at kiniwento ko na nga sa kanya ang buong nangyari kanina lang)
"ayy ..si Stephen pala yang sinasabi mo?" sabay kamot sa batok niya na parang nahihiya.
"Eh bakit, sino bang akala mo ha? Ha? at kung paano mo siya ipagtanggol kanina eh noh! parang nakalimutan mo na gad kung sino ang kaibigan mo sa aming dalawa." hindi naman halatang nanunumbat ako sa kanya eh noh? eh naasar lang kasi ako ng slight.
"eh ano kasi..akala ko kasi si--
"OO NGA NAMAN! SINO NGA NAMAN KASI YAN?!!"
napalingon kaming dalawa ni Mae sa pagsigaw ng prof namin. PATAY! WERE SO DEAD. O_O
at bigla namang kinuha ni Miss yung papel na pinagsusulatan namin na mas lalong ikinagulat ko. pwede bang tangayin na lang ako ng hangin mula sa kinauupuan ko ngayon?
Pumunta naman si Miss sa harapan at malakas na binibigkas ang mganakasulat sa papel. bawat letra na sinasabi niya ay siyang dagdag sa butil-butil na malamig na pawis na siyang namumuo sa aking buong katawan. eh naman kasi! diba classmate lang naman namin ang bida sa kwentong papel na yon? para pang nasa teatro kung magsalita si Miss, yung may feelings pa! kahihiyan! kahihiyan at kahihiyan! Unti-unti na akong nauupos na parang kandila sa bawat hagalpakan ng tawa ang buong klase. lahat sumasabay sa agos, ngayon lang nagkaisa ang section namin. at sa pagtawa pa talaga sa amin. Halos lahat ay maiiyak na. Yung iba nga, hindi na makahinga.
Kahit hindi ko ata kaya, ipinilig ko ang ulo ko sa bandang kanan para makita ang reaksyon "NIYA".
Nakangisi siya sabay iling ng iling. Namumutla na talaga ako sa kahihiyan sabay ..
*BELL RINGS*
para akong nalugi sa negosyo O nadaganan ng semento, buhangin O ng anu pa man sa pakiramdam. Bakit ngayon ka lang nagparamdam mahiwagang kampana?!!
"Zarape and Villareal, follow me at the office." seryoso at medyo napapa-iling na sabi ni Miss.
yumuko na lang kami ni Mae at inayos na namin ang mga gamit namin.
BINABASA MO ANG
Is He The One?
Genç KurguSa lahat ng nangyari sa buhay ko, masasabi ko pa kayang Is He The One? -Alleyna Villareal