Pabaling-baling ako sa kama habang nakahiga syempre, pwede bang magpabaling-baling kapag nakaupo o nakatayo? Ewaaaaaaaaaaaaaaaaaaan ko! Hindi ako makapag isip ng matino kapag ganitong masakit ang ulo ko. Alas dose na ng hating -gabi ayaw pa kong tantanan ng pilit ko ng kinakalimutang tagpo ng aking buhay. Haaaaaaaaaaaaay-way!
"Please lang, wag niyo akong kulitin." sabi ko sa isip ko.
Haay. mababaliw na ako. Bumaba nalang ako ng kwarto papunta sa kitchen. Bigla na naman akong nagutom, siguro pag kumain ako.. mawawala na siguro ang sakit ng ulo ko. hanggat maaari kase, ayokong-ayokong uminom ng gamot. Mas makakasama kasi sa kalusugan yon, may mga side effects.
"You, with your words like knives and swords and weapons that you use against me. You, have knocked me off my feet aga--
ringtone ko yan. atleast yung kanta ang naputol sa pagkakataong ito hindi ba? Past muna ako sa ngayon, masakit ang ulo ko. nga pala ..sino tong tumatawag?
+6391-7000-0001
Unregistered number. Obvious na obvious ah.
"hello thank you for calling smart, how may I help you?" smart ako, globe yung tumatawag. Ayos yan, yayaman lalo ang globe. Go lang ng Go! makapapag-switch na nga.
tumatawa yung nasa kabilang linya. Baliw ata to eh. tatawag-tawag tapos tatawa! Wala man lang hi o hello muna eh. uso pa naman yun ngayon ah.
"ano ba yan! tawa ng tawa parang tanga!" napasigaw tuloy ako. Buti tulog na yung mga katulong ng ganitong oras at ako na lang ang gising. wala na kasing teleserye kapag midnight diba? Di ako sure, di ako mahilig manood ng tv eh.
"So-sorry naman."
"Sino to? anong oras na kung tumawag, wala bang orasan sa inyo at ibibili kita."
"ang taray naman. You've changed, hindi ka naman dating ganyan."
"Ku ..KUYA ??!!" mas malakas na sigaw to kesa sa kanina.
"Relax Ynna."
"Relax ka diyan, ilang taon ka ng hindi nagpaparamdam tapos relax? Buti nga nakilala ko pa ang boses mo kahit papano eh. Pasalamat ka pa nga."
"Past is past pero may bakas. Tama na. Bat gising ka pa my dearest Ynna?"
"Kevin Louie Villareal! tigil-tigilan mo ko sa ganyan mo ha. spill it out." Alam ko kasing nagka-away sila ni papa, pero di ko alam ang buong istorya kasi nga di ko nakikita man lang kahit anino niya, yung problema pa kaya niya ay malaman ko kaagad?
"She's pregnant."
--
mas lalo akong hindi nakatulog sa pag uusap namin ni kuya. He's already 22 at alam kong magiging tama ang magiging desisyon niya, He's responsible enough at kahit ano pa man ang maging desisyon niya ay nandito ang my dearest sister Ynna niya.
tumunog na ang alarm ko ng hindi man lang ako nakakatulog kahit isang minuto, lalo pa yatang lumala ang pag sakit ng ulo ko. Pero hindi ako pwedeng umabsent kasi, may quiz kami ngayon.
Puyat.
Eksena.
Tungkol sa nabuntis ni kuya. at alam kong dapat hindi ko yun pinoproblema pero masisisi niyo ba ko? nag-iisa ko lang siyang kapatid at ayokong nahihirapan ang kuya ko, kayo din naman di ba?
Singing theatre act.
ayoko ng mag-isip dahil pigang-piga na ang utak ko! quotang-quota na ko sa linggong maswerte ko ngayon.
--
natapos na ang quiz. Practice naman sa Theatre ang ginagawa namin ngayon. kasama kong mag-practice sina Mae, Elle at sina Sephine at Kelnah. Kasama sila sa Circle of friends namin. Mas magulo nga pag nagpapractice kami eh, pero masaya. nagtutulungan kasi kami. tungkol sa pitch, intonation, vibrato, etcetera.
"Ang ganda talaga ng boses mo Leigh."
"Hindi ah, Sarili niyo lang ang naririnig niyo."
"ayy. ang tamlay ni ateyy. malayo pa ang biyernes santo." si seph yan.
"Hayaan na natin, ang dami niya kasing pinoproblema." siabi ni Mae. Kiniwento ko kasi kay Mae at Elle yung nangyari kanina lang at hindi pa rin maganda ang pakiramdam ko.
"Girls, bibili lang ako ng bottled water. Ibibili ko na din kayo." tumango na lang sila sa akin at nag "Thanks"
Naglalakad ako sa corridor ng makaramdam ako ng hilo at unti-unting gumagalaw ang paligid. Hindi ko na kinaya pa dahil nag-blurred na ang paningin ko at bumagsak.
Pero hindi ako nabagok o tumama ang katawan sa sahig.
"Leigh? Leigh? Gising uy!" napapikit na ako ng tuluyan at nawalan na ng ulirat.
~~
last update for today? di na ko na ata kaya. Haha
Salamat sa nagbabasa at nagbasa. Yalah Bye!
ram/ AlleynaYu <3
BINABASA MO ANG
Is He The One?
Teen FictionSa lahat ng nangyari sa buhay ko, masasabi ko pa kayang Is He The One? -Alleyna Villareal