Chapter 6

24 1 0
                                    

Kurap-kurap

Pikit-mulat

Nakakasilaw naman yung ilaw na nakikita ko, dimlight naman ang kwarto ko ah. Bakit pinalitan na nila ng hindi ko nalalaman? Tsk.

“uy gising ka na pala.”

“ay mukang palaka!”

“sa gwapo kong to?”

“tsunami, tornado, landslide at lahat na ng sakuna ang magaganap, kaya huwag mong babanggitin ang makasalanang salita na yan!” sigaw ko sa kanya.

“hoy huwag kang maingay, nasa clinic kaya tayo.”

“at bakit tayo nandito? Akala ko nasa bahay ako sa kwarto ko”

“nahimatay ka kaya, di mo ba naaalala?”

“natatandaan ko, hindi naman nagkaka amnesia ang nahihimatay lang eh. Paganahin mo nga yang utak mo!”

Nakakaasar talaga ang pagmumukha ng lalaking to. Kilala niyo na naman siguro siya hindi ba? Ewan koba, simula yung nangyari sa cafeteria at yung sa klase ni Mrs. LST ay bwisit na bwisit na ko sa kanya.

“Alam ko naman yun eh. Napaka—

Itinaas ko sa mukha niya ang kanang kamay ko para tumahimik siya at para maranasan niya naman.

“Pwede ba?! Ikaw ang maingay eh. Nakakairita!” makalayas na nga sa lugar na to dahil hindi ko alam kung kelan sasabog ang temperature ko sa inis ko sa kanya.

WALK OUT.

“Tignan mo tong babaing to ..

Hindi ko na narinig yung kasunod ng sinabi niya.

..siya na nga yung tinulungan, siya pa yung galit.”

 --

Akalain mo yun, 5:30pm na. Eh kanina pa tapos yung klase naming, malamang sa alamang eh ..kanina pa ko hinahanap ng mga kaibigan ko. Nasa kanila pa naman ang mga gamit ko, pati cellphone at wallet ko. Swerte sa dilang swerte eh!

At wala akong balak na maglakad syempre. Ang layo kaya nito school na ito sa bahay namin.

Ting!

Alam ko na! Pwede naman kasing mag taxi hindi ba? Tas babayaran ko na lang pagdating sa bahay namin. Kaylangan ko ng magmadaling makahanap ng taxi kasi padilim nan g padilim. So creepy.

6pm na, walang masyadong nadaan na taxi. Yung iba, meron nga kaso may ibang sakay naman na pasahero.

May humintong black bmw sa harapan ko at ibinaba yung bintana ng sasakyan.

Bakit nandito pa siya? Hindi pa ba siya umuwi? Ay ang talino ng tanong mo Alleyna, malamang hindi pa kasi andito pa nga siya eh.

“sakay na.”

Tinaasan ko lang siya ng kilay.

“Alam kong kanina ka pa nag hihintay dyan na mahirap makasakay ng taxi kaya ihahatid na kita.”

Syempre may katigasan ang ulo ko, hindi ko siya pinansin.

“kakaladkarin  kita pasakay ng sasakyan o sasakay ka ng maayos?”

At natakot naman na ako. Sumakay na lang ako atleast di na ko masasaktan pa. Nag-iinarte lang naman talaga ako. Baka kasi ispin niya na gusting gusto kong makasakay sa kotse niya noh! Sa hangin niyang yan?! Malamang ganun talaga ang iisipin niya, kaya inuunahan ko na lang.

“Sasakay ka rin naman pala, nag-iinarte pa.”

Sumakay na nga ako lahat-lahat, naglilitanya pa siya dyan! Gusto ko lang naman talaga na makauwi na lang kaya hindi ko nalang siya pinatulan pa.

Tahimik lang ako buong byahe. Nagatataka nga ako kung bakit hindi niya ako tinatanong kung saan ang direksyon pauwi sa bahay naming eh. Nakikita ko naman sa bintana na tama naman yung daan niya kaya nagkibit-balikat na lang ako.

Bakit alam niya ang bahay namin?

Is He the One?

I mean, is He stalking me??

 ~~

note: The next chapter is so soon :P atat yung friend ko dyan eh. Haha

Mga kaibigan ko lang kasi ata nagbabasa nito. Haha *o*

Wala akong load rean :P

ram/ AlleynaYu

Is He The One?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon