Hingal na hingal ako sa pagtakbo at pag-akyat ng hagdanan papuntang second floor. Buti at hindi sa fourth floor ang klase namin ngayon. Si Ms. Sanchez pa naman ang professor namin ngayon.
Pagbukas ko ng glass door ng room, nakahinga ako ng maluwag ng makita kong wala pa yung prof namin. Sa sobrang tuwa ko, napalakas ang boses ko sa pagkakasabing ..
"Yes! Wala pa si Miss." Napataas pa ang isa kong braso, na parang nakakuha ako ng award.
Napatikom ang bibig ko ng may tumayo sa pinaka gilid ng classroom. Parang may pinulot lang siya sa sahig kaya hindi ko siya nakita. Si Ms. Sanchez.
"I'm sorry to say to you Ms.Villareal that I'm already here."
Hindi ko alam kung ano bang dapat kong sabihin.
"You may take your seat now Ms. Villareal."
Buti na lang at mukhang goodmood ata si Ms. at walang balak na pag sabihan ako. Ngiting tagumpay ng palihim ^_^
"Saan ka galing?" Tanong sa 'kin ni Kelnah, siya ang katabi ko ngayon. Mukhang nakipagpalit ng upuan sina Elle at Mae kina Sephine at Kelnah.
Mabuti naman at alam nilang hindi ako natutuwa sa mga pinag-gagagawa nila sa 'kin. Nagkampihan pa talaga silang dalawa sa mga kalokohan nila.
Tinusok ako ng ballpen sa tagiliran ko ni Kelnah para mapunta sa kanya ang atensyon ko at dahil dun ay nagulat ako at napatayo. "Ay kabayo!"
Tiningnan ako ng masama ng prof namin. "Ms. Villareal, it seems your not listening to me .. I guess it's time for you to leave. Thanks for interrupting in my class."
"Sorry Miss." Yumuko na lang ako, kinuha ang bag ko at lumabas na ng room.
Nandito ako sa field, nakaupo sa damuhan at nanonood ng soccer practice. May ilang oras pa kasi ako bago yung next class namin pagkatapos ng philo.
"Arggh!" Napasabunot ako sa buhok ko gamit ang dalawa kong kamay. Frustrated na frustrated na kasi ako. Lagi na lang akong napapasama sa gulo lately. Hindi ko pa nga natatapos yung consequence sa kagagahan kong ginawa, eto na naman ako.. pumapasok na naman sa isang gusot na mahirap plantsahin. Talagang kay Ms. Sanchez pa talaga? Ang isa sa pinaka terror na professor dito sa university na to?
Kasama ba talaga 'to sa buhay ng isang college student? O ako lang talaga 'tong may problema? Gusto ko bang maka-graduate?! Oo syempre.
Kaya magtino ka na. (Sabi ng isip ko)
"Baka makalbo ka na niyan kaka-sabunot sa buhok mo?"
Sabi ng isang pamilyar na boses.
"Anung ginagawa mo dito?" Kahit hindi ko siya lingunin ay alam ko na din naman na SIYA yun.
"Nanonood ng practice?" Sabay upo niya sa tabi ko sa may bandang kanan ko.
Kinabahan na naman ako, yung pamilyar na kaba 'pag malapit siya sa 'kin. Kaba na sanhi ng pagkakahinto ng oras ko sa paligid. Pumipintig ng hindi normal ang puso ko, yun ba ang dahilan ng pagkakaroon ng kaba na bumbalot sa buong sistema ko? Nanlalamig ang mga kamay ko. Unti-unting nawawala ako sa lugar kung saan ako naka-pwesto, parang napupunta ako sa isang mundo na hindi normal para sa akin. Hindi pa ako kailanman na nakapunta sa lugar na ito.
Bumalik ang ulirat ko ng kumanta siya.
"Tulala sa isang tabi at di mapakali
At nakaraan minumuni-muni
Di lubos maisip bakit nagkalayo
Kaya ngayon ako'y isang bigo ..
Natakpan ng pagtawa ang kabang nararamdaman ko. Hahahaha ang bago naman ng kanta niya. Oldies pala 'to eh. Mukhang saulo niya pa ata yung kanta. At tinuloy niya pa talaga!

BINABASA MO ANG
Is He The One?
Novela JuvenilSa lahat ng nangyari sa buhay ko, masasabi ko pa kayang Is He The One? -Alleyna Villareal