-Singing Theatre Act Day
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.
Excited?
Hindi, malabo pa sa dumi ng tubig sa estero yun kung mangyayare.
Nervous?
Syempre Oo. First time ko kayang sumali sa isang school activity since na nag aral ako. Wala lang talaga akong interest sa mga ganung bagay.
Ngayon ko lang nalaman na 5 boys and 7 girls pala ang kaylangan para mabuo yung play.
Wala ng atrasan toh' bukod sa punishment namin yun, eh nandito na kami nila Mae ..nakapila for the audition.
Naka-abang nga si Mrs. LST na para bang sinisigurado niya kung tutupad kami sa parusang binigay niya.
Infairness, madami ang nag o-audition. Bukod kasi na credit sa grade namin yun, may singer/artist daw na kasali sa play at isa siya sa judges ngayon.
"Oh my gosh! Oh my gosh!" Sabay paypay ng dalawang kamay sa mukha niya yung babaing kakalabas lang ng AVR room.
"He's so really handsome! I'm might gonna die right now!." Sabi naman nung isang babae na kasama nila.
"Ohh ..I'm super inlooooove with him na." Sabi rin ng isa pa nilang kasamang babae with his conyo line.
Para ngang naging korteng puso yung mata niya nung sinabi niya yun eh. Napailing na lang ako sa hallucination na nakita ko.
Nauuna sa pila sa amin si Sephine, kasunod niya si Kelnah, Elle, Mae at Ako.
Hindi naman ako natatakot na hindi makapasok kasi sabi naman ni Mrs. LST, sumali lang kami.. hindi naman required na dapat makapasok kami eh. Pero pinagbutihan ko pa rin ang pagpapractice para naman hindi nakakahiya sa mga taong makakapanood. Baka sabihin, nagsayang lang ako ng kuryente, ayoko namang mapahiya lalo na sa mga kaibigan ko. Baka kasi pagkatapos ng performance ko, bigla nalang nilang itanggi na hindi nila ako kaibigan. And worst?
Baka sabihin nilang hindi nila ako kakilala. Hehe
Nakapasok na kaming anim sa loob, kasama yung isang guy na nasa likod ko na hindi ko pa kilala ..naka hood kasi siya tapos laging nakatalikod sa amin, kinakausap niya kasi yung nasa likuran niya.
6 persons at a time kasi ang pinapapasok para hindi magkagulo, ang alam ko kasi ..puno na yung mga seats sa loob ng AVR para sa gustong manood. Malawak naman yung room na ito, 1500 persons ang capacity niya pero ewan ko ba ..nagmistulang maliit ito kasi madami talagang gustong makapasok. Pati ba naman yung ibang profs at staff ng school ay nakikipagsiksikan sa mga istudyante para lang makapasok.
Hindi sila interesado sa mga mag o-audition, ang pinaka purpose nila ay makita yung artista.
Si Tom Haveira.
Hindi ako masyadong pamilyar sa kanya. Ewan ko ba kung bakit, to think na sikat nga daw siya. Sinabihan pa nga ako ni Elle na bumili daw ako ng tv, mukha daw kasing wala ako non. Grabe diba. Pwede naman kasing hindi lang talaga ako mahilig manood ng tv. Eh sa internet? Madalang lang ako magbukas ng mga social networking sites. Mas gusto ko pang maglaro ng logo quiz kesa sa gawin ang mga bagay na yun.
"Rizal, Sephine" tawag nung babae kay Seph. Siya na pala ang susunod na magpeperform.
Mas lalo tuloy akong kinabahan, kaunting kembot nalang ..ako na ang susunod.
Kaya ko ba to?
BINABASA MO ANG
Is He The One?
Teen FictionSa lahat ng nangyari sa buhay ko, masasabi ko pa kayang Is He The One? -Alleyna Villareal