Note ko para sa sarili ko.
Sana pagkatapos nitong part,may maisip ka ng kasunod. Goodluck! :P
~~
Magkapulupot ang mga braso namin ni mae na naglalakad with matching holding hands na nakasunod kay Mrs. Fuentes. Yun pala yung pangalan ng prof namin na to. Malay ko ba, hindi kasi nakikinig eh.
Tinatambol na ng sampung kabayo tong puso ko, eto naman si mae ..nanginginig. Ganun siguro talaga siya kabahan. Eh so magkapulupot ang braso namin at magkahawak pa ng kamay, nadadamay ako sa panginginig niya.
"Uy Mae, okay lang yan. Pasensya ka na ha. ako ang nag-umpisa nung sulatang papel ..nadamay ka pa tuloy."
"Ano ka ba, sinisi mo pa yang sarili mo. Di na uso yan Girl! okay lang yan. Huwag mo na akong alalahanin. kasama sa paglaki yan tsaka hindi naman ako kinakabahan dahil sa kung anong sasabihin ni Mrs. Fuentes eh."
"Huh?! Eh ..saanka kinakabahan at nanginginig ka?"
"Eh diba dun sa nangyari kanina sa classroom. muntik ko ng masabi yung tinatanong mo."
"Yung sa akala mo kung sinong kinaaasaran ko? Yun lang? Dahil lang dun?"
"Anung LANG ka dyan, dun nakasalalay ang buhay ko noh!"
Hala! di langsa OA naman neto. May pag buhay ko pang nalalaman, ang corny eh! nagutom tuloy ako, nakaalala ako ng sweet corn. kahit di ako nasasarapan dun, feeling ko tuloy fave ko na siya ngayon. Oh ako namang ang nag-OA moment.
"Huh anung buhay ka dyan! Hindi ka nam--
Uso ata dito na putulin yung sinasabi ko ha?! Nakakailan na sakin eh.
"Tama na muna yang chikahan niyong dalawa, nandito na tayo sa office ko." kalmadong sabi ni Mrs.Fuentes. Hindi na lang pala ako magrereklamo dun sa naputol yung sinasabi ko. Erase Erase. Back to the reality na muna. My heartbeat is oh-so-fast. para akong sumali sa marathon sa bilis ng tibok nito. Kahit di ko alam ang feeling ng sumali sa marathon, feeling ko eto na yun. This is it cheese it!
--
Tulaley Highway kaming lumabas ng office ni Mrs.fuentes. Di namin alam ang gagawin dun sa punishment na ibinigay niya sa amin.
"Oh girls, Kamusta? Buti buhay pa kayo?" si Elle yan, na kanina pa wala sa eksena. Dapat siya ang tinatanong ko kung buti buhay pa siya eh. ay ang mean ko ata dun.
"Elle naman eh, hindi nakakatuwa!" si Mae yan, wala akong ganang makipag-argue sa ngayon eh. Dahil yung kaninang argue na nakasangkutan ko kani-kanina lang ay may punishment pang magaganap! Ang swerte swerte ko!
"Owsya, sorry naman. Anyare sa loob? Anung sinabi ni Mrs. Life-story-teller?"
oy LST yun ah. Pwede na.
"Ayun, may punishment daw kami."
"Ganito kasi yung nangyari..."
Reminiscing ..
(conversation with Mrs.LST)
"Okay Girls ..kayo ha. Hindi ako natutuwa sa mga pinagagagawa niyo sa klase ko. Pero okay lang yun, wala naman tayong ginagawa kanina at aminado naman akong nagkikwento lang ako.. napadaldal lang ng kaunti. haha" Pagtapos ng kanyang pagtawa ay bumuntung hininga siya.
"Pero once na mag-start na ako ng klase, makikinig na kayo ha? Pasensya na."
tahimik lang kaming nakikinig ni Mae sa kanya, akala ko nga ..sisigawan na kami ni Mrs.LST sa galit.Buti naman at hindi niya ginawa.
"Pero hindi ibig sabihin ay papalampasin ko na lang itong ginawa niyo. Magkakaroon kayo ng punishment because of your act."
Tahimik pa din kami at No Reaction, pero deep inside ..kung anu-ano ng naiisip ko na pwede naming maging parusa. Maging alalay niya.. yung mag che-check ng exams at quizzes ng mga istudyante niya, maglilinis ng office na to pagkatapos ng klase namin. Yung mga ganung bagay ba.
"Bilang parusa, sasali kayo sa Theatre Act."
"Ha?" magkasabay naming reaksyon ni Mae.
"Ah este Mrs.. Bakit naman po--
another putol-linya-eksena na naman. tsk tsk
"Wala ng tanong-tanong pa Alleyna. Yun ang parusa niyong dalawa. Ang kaylangan niyo lang namang gawin ay ang mag-audition and that's it! Pero syempre kaylangan niyong galingan. Its a singing theatre act. Kaya niyo yan! Sa friday na ang start ng audition kaya may ilang days pa kayo para makapag-practice at makapag-prepare ok?! Pag hindi kayo sumali, magagalit talaga ako sa inyo. Sige na, pwede na kayong lumabas."
And that's it cadbury.
"Oh yun lang naman pala eh.Keribels yan! Sali ako yessssssssssssssssss!" parang sira talaga to si Elle oh oh.
Buntong hininga na lang ang nagawa ko sa itinatakbo ng usapan nitong dalawa at sa PINAKA-SWERTENG araw ba naman, May nakita akong di ka-aya aya sa mata. Si Stephen, pinagkakaguluhan ng mga babaeng walang magawa sa buhay nila kundi ang mag pa cute ng mag pa cute. pati harap ng salamin, nababasag sa kanila. Yung panget na nakaka-asar na bastos na WEIRDO na lalaki na yan?
Habang iniisip ko ang mga bagay na yan, hindi ko namalayan na pababa na pala kami ng hagdanan.. yung two steps lang naman. at dyaraaaaaaaaaaaaaaaaaaan! napaupo lang naman ako sa sahig.
ang PINAKA-AYAW KONG AGAW-EKSENA. Pwede bang sayo nalang?

BINABASA MO ANG
Is He The One?
Teen FictionSa lahat ng nangyari sa buhay ko, masasabi ko pa kayang Is He The One? -Alleyna Villareal