Chapter 2

31 1 0
                                    

Nasa Cafeteria na kame at naka-order na, ang problema ..sa dami ng tao ngayon dito, wala na kaming makitang vacant seat.

Hanap

Usap

Deal. ayy mali. iba pala yon. Erase erase!

Hanap

Hanap

Hanap

at dyaraaaaaaaaaaaaaan!

nga-nga. Wala pa din. Iyak na Huhu

"Uy Girls! Tara doon!" abot hanggang mars ang nguso ni Mae para maituro lang samin' ni Elle yung nakita niyang vacant  seat. Sumunod na lang kami sa kanya para makaupo na din.

"Uy mark, ikaw pala yan. Pwede ba kaming maki-share ng seats?" tanong ni Mae kay Mark at wait! Close sila? Sila yung classmates namin remember? at TAKENOTE: Sila po yung tinutukoy ko, it means may kasama si Mark.

"Oh, sure!"

pinagpaliban ko na lang yung nasa isip ko, nagugutom na kasi ako diba. umupo na lang din ako kasabay nila. katabi ko sa kaliwa si Elle at katabi ni Elle sa kaliwa din niyaay si Mae katapatan namin ng pagkaka-upo yung dalawang 'manong' haha.

"Mae, nagawa niyo na ba yung report kay Ms. Ocampo?" si Mark yan.

"Hindi pa nga eh, si Elle kasi..tinatamad pa." siniko naman siya ni Elle ng palihim. Totoo naman na tinatamad siya ah, bat ayaw niya atang ipaalam kay Mark? eh halata naman kaya yun. pati sa classroom nga kadalasan, hindi siya nakikinig sa prof namin. hindi ako nagmamalinis, minsan.. ako din. Haha hindi nga lang ako natutulog sa klase na kagaya niya, with matching earphones pa! oh diba. Astiiiig! haha

"ah ganun ba, eh ikaw Leigh?" si Mark na makulit ulit.

"ha?" spacing out lang ang peg ko? natatawa kasi ako sa facial expression ni Elle. parang nahihiya na ewan. Bakit kaya?

"Sabi ko, kung nakagawa ka na ba ng report?"

"ahh introduction pa lang, ikaw?"

"Hindi pa nga eh, magpapatulong sana kami sa inyo."

"ay naku, hindi ako magaling sa mga ganyan. Baka math pwede pa. Si Elle ang expert dyan, may pagka-tamad lang talaga minsan." sabay ngiti ko sa kanila. sinabi ko yun para i-clarify yung thoughts ko at pagtingin ko sa expression ni Elle.. hmm Mukang tama nga ako.

kanina pa daldal ng daldal tong si mark, samantalang yung katabi niya ay hindi manlang nagsasalita. Ano kaya yun? Noong nagsabog kasi ng kadaldalan, nasambot ata lahat ni mark. Samantalang si Stephen, mukhang tulog ng mga oras na yun. hindi ba siya marunong magsalita? ayy nakalimutan ko, marunong pala siya nun. diba nag-recite siya sa literature nun? Baka masyadong precious ang boses niya at hindi niya lang talaga kadalasang ginagamit.

"Huy Leigh!" tapik ni mae sa akin.

"Bakit?"

"Kanina ka pa tulala diyan, tara na.. 10 minutes nalang, bell na." at iniwan niya na ko. ang tagal pa kaya ng 10 minutes. ang dami pa ngang magagawa dun eh. pagtingin ko naman sa pagkain ko, naubos ko na pala? Bat parang di ko natikman? Yung milk tea ko naman, wala. pag-angat ko ng ulo ko.. Inuubos ni stephen yung milk tea ko habang nakangiti. Nilapag niya sa lamesa matapos niyang ubusin at sinabing ..

"Sayang eh, nakatulala ka kasi." at sumunod na siya paakyat ng hagdanan kila mark. Ako? Naiwang naka nga-nga at luhaan ayy este naiwang naka nga-nga at tulala. Ang unang pumasok sa isipan ko ay ..

NAGSASALITA PALA TALAGA SIYA. Confirmed! and The second thought is ..

ININUMAN NIYA ANG BASO KO? AS IN SA BASO KO?? yaaaayks!Maka-yayks naman ako. Seriously? Muka naman siyang may pambili ng sarili niyang milk tea, bakit yung sa akin pa ang naisipan niyang lapastanganin? parang gusto ko tuloy mag-walling sa drama line ko na yun ah. Basta ang naramdaman ko ay ..katulad na lang sa mag BF/GF na nagkitang muli na may kasama ng kanya-kanyang partner o sa isang kaibigan na naka-away mo sa facebook na bigla mo nalang naging kapartner sa isang oh-so-called groupings ni teacher.

It's so AWKWARD.

 ~~

note: pangatlong type ko na ito simula pa kaninang madaling araw. lahat na nagtopak at nag-hang, pati utak ko nag-hang kaya ang konti tuloy nito. pati ba naman keyboard nagloko? Akalain mo yun, ang swerte ko!

ang saya ko nung nakita at nabasa ko na itong story na sinulat/tinype ko mismo. haha ^_^

salamat sa may time na nagbabasa o nagbasa nito. Yalah Bye!

Love yah mga Bebe ^_^ Enzo and Reren.

ram/ AlleynaYu <3

Is He The One?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon