Rehearsal day
Napag-isipan ko na umiwas kahit papano kay Stephen. "kahit papano" kase mukhang hindi ko siya maiiwasan ng tuluyan kapag ganitong lagi kaming magkakasama sa mga rehearsals (hindi pa kasama na classmate ko siya) for the theatre. First rehearsal namin ngayon at sasabihin kung sino ang makakaparehas namin.
Hindi ko alam kung bakit naisipan ko na iwasan SIYA. Siguro, I'm just overrated things. Siguro, naiilang lang talaga ako. Ewan ko ba!
Since exempted kami sa mga klase namin 'pag may rehearsal, nag suggest si Kelnah na magdress na lang kaming lima. Kahit hindi ako mahilig mag dress, sumang-ayon nalang ako sa kanila. Si Kelnah kasi, parati siyang naka-dress 'pag papasok since hindi naman uso ang uniform sa university na pinapasukan namin.
8:00 am ang oras ng rehearsal namin at 7:30 am na. Hindi pa ako nakakapag bihis. Hindi ko kasi alam kung ano ang isusuot ko. Nakalatag na sa kama ko ang iba't ibang dress na binili ni Mommy na hindi ko pa ata naisusuot. Bakit mukhang naging conscious ako sa susuotin ko ngayon? Hindi naman ako dating ganito ah. Kadalasan kasi, kung ano lang ang makita kong damit (basta hindi dress) ay susuotin ko na kaagad. Basta hindi ako maarte ganun. (hindi ko sinasabing maarte yung ganun na mapili sa damit)
Eh bakit ngayon?
Nakita ko sa bed side table ko kung anong oras na. 7:35 na!
Dinampot ko na lang yung sa tingin ko ay pinaka simple sa dress na nakalatag sa kama. Nagmadali na ako dahil ayoko namang ma-late sa first day rehearsal namin.
Magsusuot sana ako ng flats kaso kabilin-bilinan ni Kelnah sa 'kin na "oh please! Don't wear flats, just wear heels ..it will boost up your confidence."
Alam niya kasi na lagi akong naka-flats. No choice, susundin ko na lang siya. Ngayon lang to. Binuksan ko ang closet ko na puno ng mga high heels ko na binili na naman ni Mommy. Pumili na lang ako 3 inches na heels, eto na yung sapalagay kong magiging komportable ako. Ang tataas na kasi nung iba, may pumps pa.
Nagpahatid na lang ako sa driver namin para makapunta na sa rehearsal studio.
Habang nasa kotse, tinitingnan ko ang sarili kong repleksyon sa salamin. May pagka-kulot sa dulo ang manipis kong buhok. Hindi naman ako nagme-make up kaya naka-foundation lang ako. Tapos, wala na. Nothing special.
"Mam, ang ganda niyo po ngayon."
Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat. Nagsasalita pala si Manong isko, ang driver namin.
"Manong Isko naman eh! Nakakagulat po kayo sa pambobola niyo, tska ..sabi ko po sa inyo diba na Alleyna na lang po ang itawag niyo sa 'kin."
"ayy ..Nakalimutan ko po Mam, ay este ..Ms. Alleyna."
Tumango na lang ako sa kanya at titingnan ko sana ang relo ko sa kaliwa kong pulso pero mukhang nakalimutan ko itong isuot sa kamamadali. Kinapa ko naman sa kanan kong bulsa -- ayy.. naka-dress nga pala ako ngayon at hindi naka-jeans. Sa phone ko sana ako titingin ng oras pero mukhang naiwanan ko rin ito sa kwarto ko kahit kasi sa sling bag ko ay wala rin.
"Manong, anong oras na po ba?"
"7:52 na po"
'Manong pakibilis po ng kaunti ..bka ma-late na po ako eh."
"Sige Sige"
Huminto ang sasakyan namin sa tapat ng isang magarang building kung saan gaganapin ang rehearsal namin. Hindi daw kasi available yung AVR ng school kasi may activity daw na gaganapin, tska baka manood lang daw ang mga istudyante at hindi na lang pumasok ng mga klase nila. Inaabangan na naman kasi nila si Tom Haveira.
BINABASA MO ANG
Is He The One?
Teen FictionSa lahat ng nangyari sa buhay ko, masasabi ko pa kayang Is He The One? -Alleyna Villareal