"WHAT are we doing here ba? This is so not the place to be in ha." Kasing gusot ng pwet ng manok ang nguso ni Jaisie habang iginagala ang tingin sa paligid.
Tapos na ang klase nila at ang magagaling niyang BFF – sina Thea, Rachelle at Sheila – ay nagkaisa sa pagiging B.I., o bad influence, sa kanya kanina. Niyaya siyang gumala. Sa mismong araw pa talaga kung kailan niya naipangako sa sarili na sisimulan na ang pagpapaka-model student. And this time around, she means it. Bugbog sarado na naman kasi ang ego niya pagkatapos niyang makasalo sa dinner ang pamilya ng dad niya. The legal family, that is. Sila ng mommy niya, ilegal sila.
Matagal na rin namang nag-ending ang ilegal na relasyon ng mga magulang niya, na siya ang nag-iisang bunga, pero in fairness sa dad niya ay hindi naman siya nito inabandona. Pinag-aaral siya nito at may buwanang sustento pa. Nagkikita rin naman sila nito kahit paano. Pero siyempre, sino ba ang mas papaboran nito kung hindi ang tunay na pamilya? Especially Jaisie's half-sister Daphne.
Ang mommy naman niya ay nagka-amnesia yata. Masyadong natuwa sa buhay nito sa America, sa pagtatrabaho sa mabait na matandang kailangan ng caregiver, at nakalimutang may iniwan itong unica hija sa Pinas. Ang kasama ni Jaisie sa buhay at bahay, ang kapatid ng mommy niya na si Tita May. Every now and then ay nagkikita sila ng daddy niya. Kagabi ay nangyari ang isa sa mga pagkakataong iyon. Masaya na sana si Jaisie. Sabik siya sa magulang at kahit hindi umaastang fatherly ang dad niya ay ama pa rin niya ito. Kung sana lang ay hindi dumudugo ang tainga niya sa pagbibida nito sa mga achievements ng half-sister niyang si Daphne. Katulad na lang kagabi...
"Daphne would be graduating Cum Laude. O kung susuwertihin, baka nga Magna pa."Jaisie saw the pride shining in her dad's eyes. Isang bagay iyon na hindi pa niya nakita sa mga mata nito habang sa kanya nakatingin. Hindi na siya nagulat. Naka-diapers pa yata sila ay ipinagkukumpara na sila ni Daphne ng ama nila. And guess who always comes out the loser?
Sorry naman, hindi pang-Cum Laude ang brain ko.Sinarili na lang niya ang pagmamaktol. Pakiramdam kasi niya, kahit anong exert ng effort ang gawin niya ay hindi siya magtatagumpay dahil kulang ng ewan kung ilang libo ang quota ng brain cells niya.
Sa puntong iyon ay tumawa si Daphne.
"Dad, cut her some slack. There are really some people who are born with limited capablities. Jaisie can't help it of she's not so smart,sabi nito.
Ganeeen? Eh kung ingudngud kaya kita diyan sa spaghetti in creamy carbonara sauce na sabi mo, oh, correction, ipinagyabang mo na luto mo? Ang hiraaaap magpigil ng inis.
Don't get mad. Get even.Iyon ang thought bubble na sumulpot sa isipan ni Jaisie.
So she just smiled at her sister as she promised herself that she would do better, not just in her studies but in all aspects of her life...
Sa araw na iyon siya magsisimula. Pero panira ng pangako ang mga kaibigan niya. At saan ba siya isinama ng mga ito? Sa bilyaran na ilang kanto lang ang layo sa unibersidad na pinapasukan nila.
Bilyaran? Seriously?How dyologs naman? Jaisie is so sure her sister would not be caught dead inside a bilyaran. Kung mapapadpad man iyon sa lugar na katulad ng pinuntahan nila, most likely, it would be inside a mall. Billiards hall ang tawag. Air conditioned iyon, mababango ang mga naglalaro. Not like where they are now. Mausok at amoy pawis ang hangin.
"Nandito daw si Carl. Gusto ko lang siyang makita." Si Sheila ang sumagot. Si Carl ang forever crush nito. Ang masaklap lang, hindi nito pinapansin ang kaibigan niya. It's as if Sheila doesn't exist.
"Hayun nga siya," sabi ni Rachelle. "Go, girl, this is your chance." Hindi raw sinasagot ni Carl ang mga tawag at text messages ni Sheila. Pa-hard-to-get ang bruho. Nagapahabol siguro. At ang friend niya, handang maghabol sa ngalan ng pag-ibig.

BINABASA MO ANG
Mahal Na Kasi Kita By: Kayla Caliente (COMPLETED)
Teen FictionBuwisit sa buhay ni Jaisie si Beverly, ang campus sweetheart na gandang-ganda sa sarili. Okay na sana kung feel na feel lang nito ang pagiging future beauty titlist pero libangan pa talaga nito ang manlait? At ang madalas nitong pag-trip-ang laitin...