"AND you said yes?" Patili ang pagtatanong ni Rachelle. Ito, pati na sina Thea at Sheila, ay bilog na bilog ang mga mata, halatang hindi makapaniwala sa kuwento niya, lalo sa naging pasya niya. Nasa bench sila noon, sa lilim ng mayabong na puno na paborito nilang tambayan sa campus kapag break time nila.
Sa tutoo lang, kahit si Jaisie ay hindi makapaniwala na pumayag siya sa pakiusap ni Monty na maging girlfriend nito. Hindi niya sasabihin na spur of the moment ang naging desisyon niya. Nag-isip naman siya, for like thirty seconds, before she nodded her head. Ewan ba naman kasi sa ulo niya, kusa lang tumango bago pa niya bigyan ng permiso.
"Well, he did save me from those bad men so I owe him 'no. Besides, this is my chance to get back at Beverly. You know naman, I'm dying to make sabunot her hair for so long na."
"Utang ng loob, Jaisie, idiretso mo 'yang dila mo kung ayaw mong ikaw ang sabunutan ko," banta ni Thea. "Seryosong usapan 'to, girl so itigil mo muna ang pag-iinarte. Bakeeet? Bakit ka pumayag?"
Bakit nga ba? Maraming naisip na rason si Jaisie. Una na ay ang sinabi niya sa mga kaibigan. Iniligtas siya ni Monty sa kapahamakan kaya feeling niya may utang siya rito. Pangalawa ay iyong tungkol sa paghihiganti niya kay Beverly. It's payback time. Kahit paano man lang ay magawa niyang imbiyernahin ang bruhilda. Pero may isa pang rason at iyon, ah, wala siyang balak ipaalam sa mga ito. That she is kinda intrigued by the idea of having a boyfriend like Monty. Pagka-intrigang nagsimula mula pa nang makita niya kung paano ito makipagbakbakan sa bilyaran.
"It's not like it's for real," bulalas niya. "Kunwa-kunwarian lang naman kaya what's the big deal?"
Nagkatinginan ang mga kaibigan niya.
"Sigurado ka ba na it's not a big deal?" Si Rachelle ang nagtanong. Tumingin din ito ng diretso sa mga mata niya.
"O-of course. Ano'ng iniisip niyo, na...na may crush ako kay Monty kaya ako pumayag? Oh, puleeeease..."
"Sana nga ay tutoo 'yan. Pag nagkataon kasi, baka first time mong ma-in-love eh heartbreak agad ang mararanasan mo," ani Sheila. "Believe me, that would hurt like hell."
"H-hindi ah! Malinaw ang usapan namin ni Monty. Peke ang relasyon namin. Para lang maipamukha niya kay Beverly na kayang-kaya niyang palitan ang bruha," sabi niya.
"I don't think na gusto lang niyang pamukhaan si Bev," sapantaha ni Sheila. Porke na in-love na kuno ito ay love guru na ang turing sa sarili. "Sa tingin ko, paraan niya iyon para makuha ulit niya si Bev."
"Ha?" Hindi makita ni Jaisie ang logic ng pinagsasasabi ng kaibigan.
"Hay naku, hindi ka pa kasi na-in-love kaya hirap kang intindihin ang takbo ng utak ng mga taong umiibig. It's like this, girl. Iyong Beverly na iyon, siya ang tipo ng babaeng ayaw na ayaw maagawan, lalo ng isang, well, aminin na natin, ng isang itinuturing niyang mas mababa sa kanya. So my guess is, kapag nakita niya na may bago ng gf si Monty, at ikaw pa iyon, ay baka siya pa ang magkandarapa na makipagbalikan sa bf niya."
"Ganeeen?" Medyo masama ang loob ni Jaisie. Pero bakit ba sasama ang loob niya. Paki niya sa gustong mangyari ni Monty sa relasyon nito at ni Beverly? Kung mas type nitong magpakatanga sa walang kuwentang Beverly na iyon, eh di go. Hindi niya kadikit ang bituka nito kaya hindi siya dapat apektado.
"Mismo," ayon ni Sheila. "Kaya careful ka, girl. Huwag kang magkakamaling madala sa acting niyo ni Monty dahil iiyak ka lang."
"Opo, Ate Charo," biro na lang niya. Pero salamat sa payo nito. Itatanim talaga iyon ni Jaisie sa kukote niya kahit pa ipinipilit niya sa sarili na hindi niya kakailanganin ang payo na iyon ng kaibigan.
BINABASA MO ANG
Mahal Na Kasi Kita By: Kayla Caliente (COMPLETED)
JugendliteraturBuwisit sa buhay ni Jaisie si Beverly, ang campus sweetheart na gandang-ganda sa sarili. Okay na sana kung feel na feel lang nito ang pagiging future beauty titlist pero libangan pa talaga nito ang manlait? At ang madalas nitong pag-trip-ang laitin...