"WILL you stop that?" Paanas ang paninita kay Jaisie ng half-sister niya. Nasa labas sila noon ng ICU kung saan dinala ang dad nila. Nasilip na niya ang kanilang ama na natutulog nang datnan niya. Na-mild stroke ito at kailangang obserbahan pa para matiyak na mabuti na ang lagay nito. "Dad's still alive so quit crying already."
Pusong-bato lang, 'te. The words almost slipped out of her mouth. Mabuti na lang at masyadong distressed si Jaisie para magtaray.
"Worried lang naman 'tong si Jaisie." May mga kamay na humagod sa likod niya. Mga kamay na agad nagpaluwag ng matinding paninikip ng dibdib niya.
Muntik pa siyang mapangiti nang maalala kung paanong sinamahan pa siya ni Monty sa paghihintay na sabihin ng doktor kung ano ang lagay ng daddy niya. He was her pillar of strength as she stood waiting by the hallway of the ICU. Si Daphne at ang mommy kasi nito ang magkatabi at magkaramay. Kung wala si Monty, mag-iisa siyang mag-aalala habang hinihintay ang pagdating ng mga kaibigan niya. Si Tita May naman ay nasa Mindoro para sa isang meeting kaya hindi ito makakapunta sa tabi niya.
"Well, she doesn't need to look as if our dad is dying," ganti ni Daphne.
Hindi na sumagot si Monty pero patuloy ang paghaplos nito sa likod niya. At ang init na dala niyon ay patuloy din ang paggapang sa buong katawan niya.
"W-who are you, may I ask?" Nagsalita ulit si Daphne pero sa pagkakataong iyon ay hindi lang banayad ang tono nito. May halo pang lambing. "My half-sister forgot to introduce you to us."
"Blame it on stress," sagot ni Monty. "I'm Monty Almario." Imbes ilahad ang palad kay Daphne ay yumuko ito.
Napangiti naman ang kapatid niya. "Daphne Tinio. I'm Jaisie's half-sister." Pasimple lang ang ginawang paggapang ng mga mata ni Daphne sa lalaki. Ewan nga kung napansin iyon ni Monty. Pero si Jaisie, pansin na pansin. Dahil doon kaya siya napahawak sa braso ng lalaki.
"Are you two...together?" Nagpalipat-lipat ang namimilog na mga mata ni Daphne sa kanilang dalawa ni Monty.
"Uh, k-kinda." Si Monty ang sumagot. Inakbayan pa siya.
"Seriously?" Sa kanya tumingin ang kapatid niya. "I thought you told dad..."
"I told dad na magseseryoso ako sa studies ko. At iyon ang ginagawa ko. In fact...in fact, Monty here is helping me," paglilinaw ni Jaisie. Mahirap na. Baka i-bad shot siya ni Daphne sa daddy nila. Kagaya ng Tita May niya, hindi naman siya direktang pinagbawalan ng ama nila na mag-nobyo. Mas matutuwa pa nga siguro siya kung pinagbawalan siya nito. That means concerned ito sa kanya. Pero hindi eh. Para bang iisa lang talaga ang anak nito. Siya, ah, bahala siya sa buhay niya.
Ewan kung naramdaman ni Monty ang hugot niya sama ng loob. Inakbayan siya nito.
"I'd help her reach her goals," hayag nito. And it even sounded as if he meant it.
"Good luck to you," sabi ni Daphne. Pero for the first time in forever ay parang may kakaibang nabasa si Jaisie sa asta ng kapatid niya. Para bang...naiinggit ito sa kanya.
Yay! Hindi niya napigilan ang lihim na pagsasaya. For once ay nagkabaligtad ang lugar nila. Hindi nga ba't madalas ay siya ang naiinggit dito? Ngayon, sa unang pagkakataon, ay meron siyang kinaiinggitan nito.
Type niya ang kagaya ni Monty? Nagkislapan sa diwa ni Jaisie ang ilang boys na isinama ni Daphne sa family gatherings kung saan um-attend din siya. Clean-cut lahat ang mga iyon. Masyadong malinis, amoy mabango. Tipong Brigs lahat. Poging na poging. Pagkatapos eh type niya 'tong si Monty? Nagulumihanan siya bago may muling sumingit sa isip niya. Mabango, makinis at malinis nga silang lahat pero nasaan na sila ngayon sa buhay ni Daphne? Mukhang naglahong parang pyramid scammers ang mga iyon. Which means hindi talaga gusto ni Daphne ang mga iyon. Dahil kagaya ni Monty ang type niya. Of course there are a lot of girls who like bad boys like him. Beverly is a good example. Sa kaso nga lang ni Monty ay hindi ito tunay na bad boy. Pa-image lang. Inamin na nga mismo nito. At nakikita rin niya sa kilos nito.
Maya maya pa ay lumabas si Tita Crisa, ang asawa ng daddy niya.
"Mas mabuti siguro na umuwi ka na muna," sabi nito sa kanya. "The doctor said your dad would probably sleep through the night. Ikaw din, Daphne. May mga pasok pa kayo bukas."
"Pero..." Umakmang magpo-protesta si Jaisie.
"Oo nga, Jaisie. It's a school night. Babalik na lang tayo, okay?" sabi ni Monty.
Tayo? He did say tayo, right? Which means sasamahan niya ako. Natunaw agad ang pagtutol ni Jaisie sa pagpapauwi na sa kanya.
"Sumabay ka na kay Daphne. Ihahatid ka na ni Mang Simon." Ang family driver ng mga ito ang tinukoy ni Tita Crisa.
"H-hindi na po." Kahit siguro mag-isa lang siya ay tatangging magpahatid si Jaisie. Maiilang lang siya sa kapatid.
"Ako na po ang maghahatid sa kanya," presinta naman ni Monty.
"Okay, kayo ang bahala. Ingat kayo." Hindi na tumutol si Tita Crisa.
"Sina Thea?" tanong ni Monty nang nasa elevator na sila.
"Ti-next ko. Sabi ko 'wag ng pumunta. Gabi na rin eh. At saka kasama naman na kita." Wait, that didn't come out right. "Ang ibig kong sabihin, may kasama naman na 'ko. Thanks nga pala ha."
Ngumiti ang lalaki. "That's what boyfriends are for," sagot nito.
Hindi siya dapat makiliti sa sinabi nito pero anak ng pitong pusang gala, nakiliti talaga siya.
"Salamat talaga ha," sabi niya. "Hindi lang sa pagsama mo sa 'kin dito kung hindi sa lahat-lahat. Ang dami ko ng utang sa iyo. Hindi sapat na kapalit iyong pagiging dya-peyk girlfriend ko."
"Huwag mo ng alalahanin iyon. I do what I do because...because I like doing it," sagot ni Monty.
He likes being with me? Nakakaantig ng ilusyon ang sinabi nito. Medyo nagsimula na ngang mag-isip ng kung ano-ano si Jaisie.
"Iyong sister mo..." simula ni Monty.
Butata ang pag-iilusyon niya. Malamang na interesado rin kay Daphne ang lalaki. Nakakagulat pa ba? Magka-tipo ito at si Beverly, di nga ba?
"Wala pa siyang bf." Sinabi na agad niya.
"Ha?"
"Iyon ang itatanong mo, di ba? Kung available siya?"
Napangisi si Monty. "Not really. Ang sasabihin ko sana eh mukhang...hindi kayo close."
"Oh..." Napahiya siya. Pero natuwa rin. Hindi ito interesado kay Daphne! "H-hindi masyado." Binigyan niya ito ng konting background tungkol sa relasyon nilang magkapatid. "Nakita mo na siya in person. Compared to her, I'm the ugly duckling."
"Sinabi mo na naman 'yan. And I will say it again. Bawat tao, may kanya-kanyang strengths at weaknesses. Ikaw, ang strength mo ay...well, you're fun to be with and..."
Handang-handa pa sanang makinig si Jaisie sa kung ano ang nakikitang strengths niya ni Monty pero bumukas na ang elevator at nang makalabas sila ay hindi na nito itinuloy ang sinasabi.

BINABASA MO ANG
Mahal Na Kasi Kita By: Kayla Caliente (COMPLETED)
Teen FictionBuwisit sa buhay ni Jaisie si Beverly, ang campus sweetheart na gandang-ganda sa sarili. Okay na sana kung feel na feel lang nito ang pagiging future beauty titlist pero libangan pa talaga nito ang manlait? At ang madalas nitong pag-trip-ang laitin...