"AAAAH!" Para siyang timang, alam iyon ni Jaisie. Para naman tumili siya habang tumatakbo, at iwinawagayway pa niya ang bluebook na hawak niya. Pero wala siyang paki. Ang saya lang kasi niya. Sobra.
Papunta siya sa tambayan nilang magkakabarkada para i-share sa mga ito ang napakagandang balita. Ilang metro na lang ang layo niya sa mga ito nang may humarang sa kanya.
"Monty!" Sa sobrang tuwa ay nilundag niya ito. Yumakap siya rito.
"Whoa!" Mabuti na lang at matatag ang tindig nito. Kung hindi ay baka nabuwal na sila. Kinailangan nga lang siyang hawakan nito sa beywang para siguro hindi sila mawalan ng balanse. Nakiliti siya kaya bumitaw na siya rito. Nakakahiya. Siya pa talaga ang nanugod ng yakap. Pero may dahilan naman siya.
"I passed! I passed!" Halos isalpak niya ang bluebook sa mukha ng lalaki.
"Iyong Algebra exam niyo?" Umaliwalas agad ang mukha ni Monty.
Paulit-ulit ang pagtango niya.
"Oh, wow!" Sa pagkakataong iyon ay ito naman ang yumakap sa kanya. Mahigpit. Hindi nga siya halos makahinga.
But wait. Parang hindi lang ang higpit ng yakap ni Monty ang rason kung bakit kinukulang ng oxygen ang sistema ni Jaisie. May isa pang dahilan. Ang pagsiksik sa utak niya ng ideyang yakap-yakap siya ng isang lalaki. At hindi lang kung sinong lalaki kung hindi si Monty.
Whew! Kasunod ng pangangapos ng hininga ay nag-hyperventilate naman siya. Ang daming oxygen sa baga niya. Nalulunod na siya. Pero oxygen nga ba ang dahilan? Parang mas nakakalunod iyong dagsa ng sensasyon sa katawan niya. Iyong init, iyong kiliti, iyong kuryente, naghalo-halo ang mga iyon at ang epekto sa kanya, kagaya siguro ng nakaka-high na droga. Hayun nga, naha-high na siya. Konti na lang makakakita na siguro siya ng makululay na estrelya.
Ano na nga iyong kanta raw ng Beatles? Nabanggit iyon ni Sheila. Ah, Lucy in the Sky With Diamonds. Isinulat umano iyon matapos tumira ng Maryjane, o marijuana. Kaya raw ganoon ang lyrics ng kanta. Parang bangag. Ang dami talagang nalalaman ni Sheila. Ewan nga lang niya kung tutoo. Pero hindi naman tumira si Jaisie kaya bakit para ring may Lucy in the sky with diamonds siyang nakikita? Dahil lang sa pagyakap sa kanya ni Monty? Teka, iba na 'to.
Agad nang lumayo si Jaisie sa lalaki dahil baka naman mahimatay na siya.
"Patingin." Kinuha ni Monty ang bluebook, binuklat-buklat. "Sabi ko naman sa iyo eh," anito. "Wala ka lang bilib sa sarili mo."
"Ang galing ng tutor ko eh." Nginitian niya ito.
"So this means kasali ka na sa play," anang lalaki.
"This means kasali na ako sa play." Inulit lang niya ang sinabi nito. Ang saya lang kasi niya kaya siguro nawalan siya bigla ng originality.
"Yes!" Once more Monty pulled her close and hugged her. "Heads up." Bumulong ito. "May audience tayo."
Gets agad ni Jaisie kung sino ang tinukoy nito.Si Beverly. Natanaw na rin niya maya maya ang ex ni Monty. Base sa pagtikwas ng nguso nito at pagtaas ng noo, hula niya ay nakita na rin sila nito. Magandang pagkakataon iyon para simulan ang paghasa sa imaginary acting skills niya.
Bumitaw na siya sa pagkakayakap ng lalaki pero hindi siya tuluyang lumayo. Imbes ay tumingin siya sa mga mata nito.
Gosh! He has such nice eyes. Nanumbalik bigla ang maarteng persona niya, iyong itinakwil at isinumpa ng mga kaibigan niya. Pati na ni Monty, come to think of it. She couldn't help it. Bigla lang iyong sumulpot dahil sa...sa something na tumuktok sa puso niya nang mapatitig siya sa mga mata nito.

BINABASA MO ANG
Mahal Na Kasi Kita By: Kayla Caliente (COMPLETED)
Teen FictionBuwisit sa buhay ni Jaisie si Beverly, ang campus sweetheart na gandang-ganda sa sarili. Okay na sana kung feel na feel lang nito ang pagiging future beauty titlist pero libangan pa talaga nito ang manlait? At ang madalas nitong pag-trip-ang laitin...