HINDI siya iiyak at hindi siya magmamaktol. Higit sa lahat, hindi siya babalik sa dating gawi niya, na petiks lang. Iyon pala ang problema niya Jaisie kaya hindi siya naging honor student ever. Ipinalagay niya na hindi kaya ng utak niya pero ang kulang pala sa kanya, effort. Iyong sapat para pagpawisan naman ang utak niya. Hindi iyong napagod lang iyon ng konti, shut down na siya. Kulang din siya ng confidence sa kakayahan niya. Isang bagay iyon na ibinigay sa kanya ni Monty matapos nitong mapatunayan sa kanya na kaya niya, hindi lang ang Algebra kung hindi pati ang um-acting sa entablado na hindi nagmumukhang tanga. Kaso lang ay wala na si Monty.
With or without Monty, keri kong maging matalino. Battle cry niya iyon at pinanindigan niya.
May isa pa siyang battle cry. With or without Monty kaya kong maging happy. Iyon ang medyo mahirap isabuhay. Pero hindi siya susuko. Hindi rin niya aaminin sa friends niya na mahima-himatay siya sa lungkot ngayong hindi na part ng buhay niya ang lalaki.
Hindi rin siya masyadong nagmadaling umalis sa life ko eh 'no, pagsisintir ni Jaisie. At ni hindi nagpaalam. Kahit thank you man lang, wala.
Bihira niyang makita si Monty. Kung nakikita man niya, kumakaway at tumatango lang ito. Pag sinusuwerte siya, ngumingiti ito. Ang sakit lang dahil dati, sweet na sweet sila.
Tungak ka eh. Kunwari nga lang iyon. Carried away ka agad-agad, 'te! Iyan ang napala mo. Heart ache. Booosit!
Pero mahusay nga siyang umarte, di ba? Dalawang beses na niyang napatunayan iyon. At patutunayan ulit niya ngayon. Arte to death siya na wala siyang dinaramdam na kahit ano.
Aarte to death ulit siya ngayon na birthday niya at dahil ang tataas daw ng grades niya ay iti-treat siya ni Tita May sa isang resto. Siya at ang sino mang friends na gusto niyang isama.
Hindi tamang lungkot-lungkutan ang beauty niya kung ganoong may isang taon na namang ipinagkaloob sa kanya para mabuhay. Kaya kahit ini-imagine niya dati na kasama si Monty sa birthday celeb niya – oo, ganoon siya kalayo mag-isip na kahit matagal pa noon ang birthday niya ay inisip talaga niya na nasa tabi niya ang lalaki sa araw na iyon – ay ngingiti pa rin siya ng todo kahit wala na ito sa buhay niya.
Pumasok na sila nina Tita May sa resto. Nagtaka si Jaisie nang imbes na maupo lang sila sa kahit saan sa mga mesa roon ay tumuloy sila sa loob ng isa sa mga function rooms. Napatunganga siya pagkakita sa banner na nakasabit doon.
Happy birthday, Jaisie. Iyon ang nakalagay doon. Nakagayak din ang function room at nandoon ang ilang kamag-anak at iba pa nilang kaklase.
"Surprise!" sabay-sabay na sabi ng lahat.
Masaya na rin siya. Nag-effort pa si Tita May at gumastos para sa kaarawan niya.
"Thanks, Tita," baling niya rito, maluha-luha
"Don't thank me," anito. "Thank your dad."
Sakto namang palapit sa kanila ang daddy niya. Magpapasalamat lang dapat dito si Jaisie pero naunahan na siya ng silakbo ng kalooban niya. Napayakap siya rito. At napaiyak pa sa dibdib nito.
"There, there, don't cry," alo nito sa kanya.
"Ang saya ko lang talaga, dad. Kasi...kasi...feel na feel ko na...anak niyo 'ko."
Pati dad niya ay namasa ang mga mata. Ito naman ang yumakap ng mahigpit sa kanya.
"I'm sorry if...if I made you feel you're not my daughter. Noong...noong na-stroke ako, bago ako mawalan ng ulirat at iniisip kong mamamatay na 'ko, ay ikaw ang unang naisip ko. I realized that if I die, it's as if you'd be almost like an orphan dahil ang mommy mo ay hindi mo rin kasama. Pero naisip ko rin, ano ba ang ginawa ko para maging mabuting magulang sa iyo? Aside from giving you financial support, nothing much. G-gusto kong bumawi. It took a near-death experience for me to see what I've been doing wrong and by golly, I'm gonna set things right. If you'll let me."
BINABASA MO ANG
Mahal Na Kasi Kita By: Kayla Caliente (COMPLETED)
Teen FictionBuwisit sa buhay ni Jaisie si Beverly, ang campus sweetheart na gandang-ganda sa sarili. Okay na sana kung feel na feel lang nito ang pagiging future beauty titlist pero libangan pa talaga nito ang manlait? At ang madalas nitong pag-trip-ang laitin...