Kasama niya sina Thea pero hindi niya naririnig ang pinag-uusapan ng mga ito. Kahit nga siguro gumuho ang mundo ay hindi niya mapapansin. Busy siya sa pag-e-emote. Ang mahirap pa nito, ni hindi niya puwedeng ipahalata sa mga kasama na nag-e-emote nga siya. Tutuligsain lang siya ng mga ito kapag nalaman ang dahilan. Kaya tulala lang ang peg niya. Sa sobrang sama ng mood niya, ni wala siyang ganang ikuwento ang nangyari sa kanila ni Beverly. Tamad na tamad siyang magsalita o gumawa ng kahit ano. Hanggang sa mag-ring ang cellphone niya. Noon parang sinapian si Jaisie ng kaluluwa ni Flash. Singbilis ng kisapmatang nadaklot niya ang tumutunog na telepono.
Pero hindi si Monty ang tumatawag. Ang half-sister niya. Ayaw niya sanang sagutin iyon. Ayaw na niyang sirain pang lalo ang sirang-sirang araw niya. Pero baka may emergency na naman.
"Si daddy ba?" bungad niya.
"You're so OA, you know." Hindi kagaya nung una siyang tawagan nito, hindi ito mangiyak-ngiyak na nagpa-panic. Cold and aloof na ulit ang tono nito, iyong laging ginagamit nito kapag kausap siya.
"Malay ko ba. Pag may emergency lang naman saka ka tumatawag. O, bakit?" patamad niyang tanong.
"It's dad who told me to call. May dinner mamaya. It's like a thanksgiving of some sort. Punta ka raw." Para itong nagbibigay ng masamang balita.
Masamang balita rin ang turing ni Jaisie sa narinig. Oo, salamat at naalala siyang imbitahan sa thanksgiving of some sort. Pero aminado siya, stressful ang pagharap niya sa pamilya ng dad niya. At malamang, makakarinig na naman siya ng kung ano-ano na magpaparamdam sa kanya na sa lahat ng mga nandoon ay biggest loser siya.
"Anong oras?"
"Eight. Bring a friend if you like."
Alam niya na si Monty ang tinutukoy nito. Ni minsan naman kasi ay hindi siya nagsama ng kaibigan niya sa mga salo-salo ng pamilya. Bakit pa? Para may makasaksi sa humiliation niya? Hindi na. Sosolohin na lang niya.
"Bakit para kang namatayan diyan?" usisa ni Rachelle. Nakatingin lahat sa kanya ang mga kaibigan niya, nadiskubre niya.
"Sino ba 'yon?" Si Sheila naman ang nagtanong.
"Si Daphne, can you believe it? May dinner daw. Thanksgiving chuva."
"Milagro, siya ang nag-imbita," sabi ni Thea.
"Naulanan siguro siya kaya nawala sa sarili." Tumawa si Jaisie pero pagak iyon. "Utos daw ni dad."
"Bakit para ka pa ring namatayan?" ulit ni Rachelle.
"Parang ayokong pumunta."
"Kelan pa?" Iisang-boses na bumulalas ang mga kaibigan niya. Hindi naman siya tumanggi ni minsan sa pagkakataong makasama ang daddy niya. Kahit feeling niya ay bale wala lang ang presensiya niya ay sabik pa rin siyang makita ito. Baka sakali lang namang mauntog ito at ma-realize na may kapuri-puri rin sa pagkatao niya.
"Ngayon lang. Too much stress na. Alam niyo naman kung ano ang eksena sa mga ganyang family dinners namin, di ba? Magmamalaki si dad tungkol kay Daphne. Mamamayagpag naman iyong half-sister ko. Si Tita Crisa, she would have this smug look on her face na para bang sinasabi na mas maganda ang genes namin kesa diyan sa anak sa kabit. Haaay, sawa na 'ko. Not today of all days."
"Ano ba ang meron sa araw na 'to?" May sumingit sa usapan. Isang tinig na ayaw mang tanggapin ni Jaisie ay itinaboy agad ang bad mood niya.
"O, nabuhay ka?" Hindi niya napigilang ibulalas.
"Namatay ba 'ko?" nakangiting tanong ni Monty.
Muntik na. Kasi balak kitang patayin. Nanatili na lang sa isipan niya ang mga salitang iyon. Hindi niya masabi lalo at nag-alsa balutan ang boses niya pagkakita sa ngiti ng lalaki.
"Sorry, nagluko iyong phone ko. Nabasa 'ata. Bumili pa 'ko ng bago. So, ano iyong ine-emote mo diyan?" tanong ng lalaki.
"I got flowers." Ang layo ng sagot niya sa tanong. Naalala kasi niya iyong hula ni Tita May. Na sa lalaking ito galing iyong mga roses.
"Three pink roses. I know. Iniwan ko sa gate niyo. For doing a good job on your assignment." Walang pag-aatubili ang pag-amin ni Monty.
Natuwa na sana si Jaisie, pero nawala rin iyon nang tumagos sa utak niya ang rasong ibinigay ng lalaki. For a job well done daw. Iyon lang.
"Iyon lang?" Naisubo niya bigla ang daliri nang marinig ang mga katagang iyon na lumabas sa bibig niya. Ay syet naman.
"Hindi." Hindi dinugtungan ni Monty ang paliwanag pero ngumiti ito ng makahulugan.
"Uhuuummmm..." Nag-chorus na naman tuloy ang mga kaibigan ni Jaisie.
"Yaman din lang na nagbibigayan na kayo ng bulaklak eh baka gusto mong samahan 'yang si Jaisie. May dinner daw sa bahay ng daddy niya. Nag-iinarte. Ayaw pumunta."
"Would you like me to come with you?" tanong ni Monty.
Narinig mo na ba ang tsismis?Wala na sina Beverly at Brigs. Gustong sabihin ni Jaisie. Tignan niya kung mag-volunteer pa ang lalaki na samahan siya.
"Wala na sina Beverly at Brigs." Si Rachelle ang nagsalita. Hawak nito ang tablet, ang ever realiable source nito ng tsismax. "It's right here." Ang logo ng twitter ang nasilip ni Jaisie.
Napatingin agad siya kay Monty. Gusto niyang makita ang reaksiyon nito sa narinig.
Nakakainis! Poker face ang lalaki. Hindi tuloy niya alam kung natuwa ba ito o walang lang talaga rito ang narinig. O baka hindi pa ito handang maniwala dahil sa tweet lang naman galing ang balita.
"Ano? Gusto mo pa 'kong samahan?" Naghahamon ang tinig ni Jaisie nang tanungin niya ito.
"Why not?"
"Eh di wow!" sabay-sabay na sabi nina Rachelle, Sheila at Thea.
BINABASA MO ANG
Mahal Na Kasi Kita By: Kayla Caliente (COMPLETED)
Teen FictionBuwisit sa buhay ni Jaisie si Beverly, ang campus sweetheart na gandang-ganda sa sarili. Okay na sana kung feel na feel lang nito ang pagiging future beauty titlist pero libangan pa talaga nito ang manlait? At ang madalas nitong pag-trip-ang laitin...