NAGMAMADALI na si Monty. Nagpakawala siya ng maanghang na salita matapos silipin ang relo niya. Susunduin niya sa last class nito si Beverly at nasa kabilang dulo pa iyon ng campus. Malamang na mauwi na naman sa away kapag na-late siya ng dating. Beverly could be quite irrational sometimes. Masyadong madaling makahanap ng rason para magtampo. Kapag nangyari iyon, katakot-takot na panunuyo ang kailangan para maalis ang topak nito. Hindi tuloy maiwasang itanong minsan ni Monty sa sarili kung bakit ba niya nagustuhan ito. She is pretty but that's not the real reason. Nagkibit-balikat siya. Kailangan ba niyang maipaliwanag ang dahilan? Naie-explain ba ang love?
Tumakbo na siya para mas mabilis siyang makarating sa Arts and Science building kung saan naghihintay sa kanya si Beverly. Pawisan na siya pagdating doon. Napagod din. Kaya gustong magdilim ng paningin niya nang madatnan niyang kausap ni Beverly si Brigs. Noon pa man ay kontra pelo na sila ng lalaking iyon. Maangas siya, mayabang naman si Brigs. Kaya siguro unang beses pa lang magtama ng paningin nila ay mabigat na ang dugo nila sa isa't isa. Dati ay madalas niyang makaklase si Brigs. Pareho sila kasi ng course na Accounting. Mabuti na lang at nag-shift na ito kaya nabawasan ang mga pagkakataong nakakasalamuha niya ito.
Crush ng bayan si Brigs at sapak siguro sa ego nito na siya ang pinili ni Beverly nang sabay silang manligaw dito. Hindi naman niya talagang kinaribal ang poging-poging-an na iyon. Nauna pa nga yata siyang magkagusto kay Beverly kesa rito. At hindi rin ang ego niya ang dahilan kung bakit naging pursigido siya sa panliligaw sa dalaga. He really likes her, that's why. One of the most satisifying days of his life is when she said yes to him. Para siyang nanalo ng gold medal. And she is really like a gold medal hanging on his neck. Source of pride na magkaroon ng girlfriend na katulad nito. At ngayon na sila na, nakapag-celebrate na nga sila ng pang-pitong monthsary nila, ay handa siya lalong ipakita sa dalaga na tama lang na siya ang pinili nito.
So what is she doing talking with Brigs? Mabuti sana kung nag-uusap lang ang mga ito. Hindi. Kung magbulungan ang mga ito ay parang sinong misyon ang pinagdidiskusyunan at hindi dapat marinig ng kung sino kaya halos mag-umpugan na ang ulo ng mga ito.
"Ehem." Tumikhim siya. Agad-agad namang naglayo ang dalawa, parang nagulat pa.
"Oh, it's you," pabale walang sabi ni Brigs.
"Yes, it's me. I am fetching MY girlfriend." He couldn't help feeling possessive. Nakaka-lalaki kasi ang kilos ng dating karibal niya.
Itinaas ni Brigs ang dalawang kamay nito na parang sinasabing hands off ito sa dalaga.
"Lets go." Hinawakan naman niya sa braso si Beverly at inalalayan na para umalis.
"Don't tell me you're mad," sabi nito hindi pa man sila nakakalayo.
"I didn't say that," ganti niya.
"You don't have to say anything. Sa itsura mo pa lang..."
"Alam mo palang ikakagalit ko, ba't ginawa mo pa?" sabad niya. He is pissed, he admits. Para naman kasing hindi alam ni Beverly ang tungkol sa animosidad na namamagitan sa kanila ni Brigs.
"What did I do? I spoke with Brigs. Is that a crime now?" katwiran nito.
Hindi na siya sumagot. Hahaba pa ang usapan. Ayaw na ayaw pa naman niya ang nakikipagtalo, lalo kung wala iyong paroroonan.
"Where are we going?" Huminto bigla sa paglakad ang dalaga. Palingon-lingon ito.
"Sa waiting shed. Bakit?"
"Waiting shed? Where's your Harley?"
"Sa bahay. Nagluko kanina. Ayaw mag-start."
"What? Sinabi mo sana agad para nagpasundo na lang ako sa driver. So how are we supposed to get home?"
BINABASA MO ANG
Mahal Na Kasi Kita By: Kayla Caliente (COMPLETED)
Fiksi RemajaBuwisit sa buhay ni Jaisie si Beverly, ang campus sweetheart na gandang-ganda sa sarili. Okay na sana kung feel na feel lang nito ang pagiging future beauty titlist pero libangan pa talaga nito ang manlait? At ang madalas nitong pag-trip-ang laitin...