Chapter 8

255 9 0
                                    

PARA talagang binaligtad ang mundo ni Jaisie sa sumunod na mga araw. Iyong loser na si Jaisie, bigla ay naging...winner na. She had become the achiever she never thought she would be. With a lot of help from Monty. Naipasa niya, with flying colors at that, ang mid terms nila sa Algebra. Ipapa-kuwadro niya ang bluebook niya, promise. 1.5 ang grade niya. 1.5! It's a miracle.

Hindi lang siya sa Algebra humataw. Na-inspire yata siya ng husto sa nagawa niya, nadamay na sa sipag niya iyong ibang subjects. Iyon na nga siguro ang best sem niya sa unibersidad. Hindi sasampa ang grades niya sa lebel na sapat para maging dean's lister but so what? Basta ba alam niya na sa sem na iyon ay makukuha niya ang average na hindi niya naabot sa ilang sems na ipinasok niya sa unibersidad na iyon.

Alalay to the max si Monty. Hindi lang niya ito tutor. Morale booster din. At maraming pagkakataon, tiga-hatid at sundo pa. Ayaw na niyang uriratin dito kung bakit nito ginagawa iyon. Kung bakit umaasta ito na parang...tutoong boyfriend niya. Boyfriend without benefits pa. Dahil pwera na lang sa simpleng holding hands at pasandal-sandal ay wala itong ibang hinihingi sa kanya.

Kalokah!

Ayaw na rin niya itong tanungin ng tungkol kay Bev. Natatakot siya sa sasabihin nito, na-realize niya. Masyado na siyang masaya na makasama ito. Nasanay na siya rito. Kaya hindi niya gustong isipin ang nakaambang panganib sa kaligayahan niya.

Pati ang extracurricular activities niya, huwag ismolin. Hayun siya ngayon, nasa kasagsagan ng rehearsal para sa papel niya bilang si Beauty. Muntik siyang mapahagikgik. Hindi pang-PETA ang performance nila ng mga kasamahan niyang gumaganap. Pero hindi rin sasabihing acting-acting-an lang sila. Bigay todo ang kanilang pagganap.

Pero sa kabila ng dibdibang ensayo, pagdating ng araw ng pagtatanghal ay maihi-ihi sa kaba si Jaisie. Lalo at sinabi ng dad niya na manonood talaga ito kasama sina Daphne at Tita Crisa. Hindi siya puwedeng magkalat.

"You can do it." Sa backstage ay hinawakan ni Monty ang dalawang palad niya. "Ang lamig ah," biro pa nito.

"Maiihi na 'ko," sagot niya.

"That's just nerves. Lahat tayo ninenerbiyos. At iyon ang magtutulak sa 'tin na galingan ang acting. Kaya mo 'yan." Dinala nito ang mga kamay niya sa bibig nito. Dinampian ng halik ang mga iyon.

Lalo na yata siyang maiihi. Pero iba na ang dahilan. Hindi na kaba. Kilig.

Ayiiiii!

Marami ang dumalo para manood. Pero kagaya ng sinabi ng direktor nila, sa sandaling sumalang na sila sa stage ay hindi na nila mapapansin ang mga iyon. Ganoon ang nangyari kay Jaisie. Ni hindi na niya naisip na bano siyang umarte o baka mukha siyang tanga. Natuon na ang pansin niya sa paggawa ng itinuro sa kanya sa maraming gabi ng pagsasanay.

It helped a lot that Monty is her partner. Feel na feel niya ang pagmamahal para rito kaya siguro nailabas niya ng husto ang damdaming hinihingi sa kanya. Sa ending ng play, kung saan naging prinsipe na si Beast, dapat ay yayakapin lang siya ni Monty, ilalapait ang mukha sa kanya na kunwari ay hahalikan siya saka magdidilim na ang stage. Pero na-carried away yata ito, ang paglalapit lang dapat ng mukha nila ay nauwi sa...tutoong paglapat ng labi nito sa kanya.

Para siyang nakuryente. Para ring may fireworks na sumindi sa pagkatao niya. Parang anumang sandali ay lilipad siya sa hangin.

Timang! Beauty and the Beast ang play, hindi Wicked.

Pero kiber. Basta't pakiramdam niya ay kaya niyang lumipad.

The stage went dark. But the kiss lasted for a few seconds more. Na para bang ayaw pang lubayan ni Monty ang paghalik sa kanya.

Talaga lang ah!

Hinaplos pa nito ng iang daliri ang labi niya nang pakawalan na siya nito.

"Good job. No, not just good. Great," anito saka siya iniwan na. Nagmamadali pa nga ito na parang may gustong takbuhan.

Baka naiiihi na.

SA CR dumiretso si Monty pero hindi para umihi. He feels...hell, he doesn't know what he feels. So what else is new? Nitong nagdaang mga araw ay ganoon naman talaga ang nararamdaman niya. Para siyang naliligaw ng landas na hindi niya maintindihan. Being with Jaisie is making him feel a lot of new things.Things he couldn't understand. Things that cloud up his mind.

He heard a phone ring. Na-tense siya. Saka niya naalala, hindi sa kanya ang teleponong nag-iingay. For the simple reason that he doesn't have his phone with him. Nasa locker iyon. Na-tense siya dahil kung sa kanya ang tumutnog na phone ay nahuhulaan na niya kung sino ang tumatawag. Si Bev. And he saw Bev in the audience. Kung sabagay, sinabi nga nito na manonood ito.

Beverly is his dream girl. He would be so happy to have her back in his life. He had been making her pay – big time – for what she did to him. Masarap pala sa pakiramdam na siya ang hinahabol-habol nito and not the other way around. Dati kasi ay siya lagi ang nanunuyo rito. He played hard to get. Ang bagay na pinaghirapan daw, mas pinahahalagahan. At gusto niya, kung magkakabalikan sila ni Bev ay pahahalagahan siya nito.

Tumingin siya sa salamin at nakita niya ang repleksiyon niya bilang prinsipe. Napangiwi siya. Mas gusto niya ang itsura niya kapag beast siya. Pero kagaya ni beast, panlabas lang iyong pagiging maangas at astig niya. Deep inside, he has a heart that easily melts. Pusong mamon. Lalo para sa mga nilalang na nangangailangan ng tulong at kalinga.

He saw how his mother had been beaten by his dad. He remembered the brother or sister he lost. Naalala niya kung paano siya binu-bully noon dahil payat at uhugin siya. And he remembered his tae kwan do instructor. His mentor. The man who transformed him.

Ibang tao na siya pero sa loob niya ay parang may kailangan pa rin siyang patunayan. Na astig nga talaga siya. Na hindi lang siya dapat katakutan kung hindi kainggitan. Beverly made him earn a lot of pogi points. Marami rin ang nainggit sa kanya. Partikular na si Brigs, the guy who seem to have everything. Everything but Bev, the campus sweetheart. Si Beverly ay sa kanya. Kaya ang laking suntok sa ego niya nang ipagpalit siya nito kay Brigs pa mismo.

But she learned her lesson. And now, she wants him back. She is begging to have him back.

I'll meet you after the show. Iyon ang ti-next nito sa kanya. Sinabi rin nito ng pangalan ng resto na malapit lang sa venue ng play. Now or never na raw. Kung ayaw daw niya, eh di 'wag.

Nag-fog na iyong salamin sa kakatitig niya. Pinunasan iyon ni Monty gamit ang kamay niya. Minasdan niya ng ilang sandali pa ang repleksiyon niya. Saka siya lumabas na ng banyo.

Mahal Na Kasi Kita By: Kayla Caliente (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon