Chapter 4

252 7 0
                                    

KANINA pa tinititigan ni Jaisie ang problem na iyon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

KANINA pa tinititigan ni Jaisie ang problem na iyon. Sumasakit na ang ulo niya. Nakailang ulit na siyang nagsubok na sagutan iyon pero ni hindi niya alam kung paano iyon sisimulan.

Sinilip niya ang laptop na nakabukas sa tabi niya. Alam niyang may exams din bukas ang mga kaibigan niya. Hindi sa Algebra. Siya na lang sa kanilang magbabarkada ang kumukuha ng subject na iyon dahil ilang beses na siyang nag-drop. Sina Sheila, noon pa naipasa iyon. Nahihiya siyang abalahin ang mga kaibigan niya lalo at alam niyang nakakaubos ng oras – at pasensiya – siyang turuan.

Bakit ba kasi bigla na namang nag-absent ang utak niya samantalang kanina, habang si Monty ang nagpapaliwanag ay ang linaw-linaw na sa kanya kung paano sasagutan ang mga tanong sa libro?

"Keri mo 'yan. Konting effort pa." Itinutok ulit ni Jaisie ang pansin sa ginagawa niya. Pero wa epek talaga. "Ayoko naaaa!" Ibinalibag niya ang notebook. Isinunod doon ang libro.

"Ingay mo!" Bumukas ang pinto ng kuwarto niya.

"Tita May!" Nahinto ang pag-a-amok niya. "Sorry po. Naiinis lang kasi ako. Hindi ko maintindihan 'tong lessong namin."

"Ah, tutoo naman pala," anang tita niya na humalukipkip pa habang nakatingin sa kanya.

"Ang alin po?"

"Iyong sabi nung bisita mo."

May bisita siya? "S-sino po?"

"Monty daw. Tuturuan ka raw niya ng Algebra."

Three seconds siyang natulala sa pagkabigla. Saka nag hip-hip-hooray ang kanina ay lupaypay na niyang brain cells. Nakaamoy ng ayuda ang mga ito.

"Yes..." Napapalakpak si Jaisie. May pag-asa na siyang pumasa sa exam bukas. "Sige po, bababa na 'ko," sabi niya.

Hindi katulad ng inasahan niya, hindi pa agad umalis ang tita niya. Nanatili itong nakatingin sa kanya.

"Kaano-ano mo ba ang isang 'yon ha?" tanong nito, parang hindi nakatiis.

"K-kaibigan po."

"Kaibigan lang?"

"O-opo." Hindi naman siguro siya tatamaan ng kidlat. Hindi naman siya nagsinungaling eh. Well, not technically. Hindi niya kaibigan si Monty, as in kaibigan talaga. Pero nahuhulaan niya kung ano ang talagang tinutumbok ng tanong ng tita niya. Kung boyfriend ba niya o manliligaw ang lalaki. Hindi niya ito tutoong boyfriend at hindi rin manliligaw. Kaya ang safe na sagot, kaibigan niya.

"Siguruhin mo lang ah." Hindi naman siya pinagbabawalan nitong mag-boyfriend pero kabilin-bilinan nito sa kanya, unahin ang pag-aaral.

Nagkumahog si Jaisie pag-alis ng tita niya. Ang unang reaksiyon niya ay ang mag-ayos ng sarili. Pero bago pa niya mahablot pabukas ang drawer na pinaglalagyan niya ng abubot ay natigilan siya. Bakit ba feeling niya ay girlfriend siya na dinadalaw ng nobyo? Kahiya naman. Medyo feelingera yata ang dating niya.

Mahal Na Kasi Kita By: Kayla Caliente (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon