Chapter 1
Letter
"Pagkatapos mong maglinis diyan, mamalengke ka na. Bilisan mo at baka abutan ka pa ng mga bisita ko."
Inipit ko ang buhok ko na nakakasagabal sa mukha ko sa likod ng aking tenga.
"Opo, Auntie."
"Sa likod ka na dumaan para hindi ka nila makita. Maliwanag?" utos niya at saka binuksan ang kaniyang malaking abaniko.
"Opo, Auntie." I replied flatly.
I heard her snort at me before I heard her fading steps. Nakatalikod kasi ako sa kaniya. Kaharap ko ang inidoro. Mas kaaya-aya pa kasi itong tignan kesa sa pagmumukha niya.
Don't get me wrong. Mabait akong pamangkin or should I say ampon, pero sumosobra na kasi ang pang-aabuso nila sa kabaitan ko. Of course I show respect in front of them. May utang na loob naman kasi ako.
Sila ng asawa niya na si Tito Bert ang nagpalaki sa akin. Pamangkin niya raw ako. Inaalila nila ako pero okay lang sa akin kasi kadugo ko naman sila. Pero nang mamatay si Tito Bert, mas lumala ang ugali ni Tita Amanda at ng unica hija niyang si Gianna.
Galing ako noon sa school at narinig kong nag-uusap ang mag-ina.
"Bakit hindi mo pa kasi paalisin sa bahay si Skeet, ma? Palamunin lang naman 'yan eh."
"Soon, anak. Kapag afford ko na ang magpasweldo ng katulong."
"You're so bait kasi. Hindi naman natin siya kadugo. Duh! Wala namin kasi tayong lahing freak."
"That's my anak."
"Yah, napulot lang naman siya ni papa sa may bangin."
"Hayaan na nga natin siya. Let's talk about your manliligaw na lang, anak."
Naiinis ako tuwing naiisip ko 'yun at the same time, nalulungkot. Imagine, I've been living in a lie for seventeen years of my existence.
Tinapos ko na ang paglilinis ng banyo. Tinungo ko ang kusina at kinuha ang bayong doon na ginagamit ko sa pamamalengke.
Nasa lamesa na ang pambili ng ulam. Kinuha ko ito and I'm off to go.
Naglalakad lang ako papuntang palengke. Ang pamasahe ko kasi ay iniipon ko para may pandagdag baon ako sa school. Nakakahiya kasi kay Auntie. Though, hindi naman talaga siya ang nagtutustos ng pangangailangan namin sa bahay.
Kinukuha niya kasi iyon sa lalaki niya. Yeah, she's engaged into adultery, bagay na lalong nagpalala sa sakit ni Tito Bert. Hindi ito alam ni Gianna. Kaya nga ini-ispoil niya si Gianna eh, para mapagtakpan yung guilt niya. To hide the truth that she killed her own husband.
Enough with that. Nandito na pala ako sa palengke. Binili ko na ang kakailanganin para sa lulutuin kong sinigang.
Umuwi na ako nang kumpleto na ang mga binili ko.
Sa gate pa lang, rinig na rinig na ang halakhakan nila Auntie at ng barkada niyang 'socialites'.
Nagpapasikatan sila ng kanilang mga designer clothes, shoes, and such. Tss. Parang mga highschool students.
Pumasok na ako sa bakuran. Bago ko pa man maisara ang gate ay may sumulpot na mail man.
"Dito ba nakatira si Skeet Drianna Walter?" tanong nito.
"A-ako po iyon. Ano pong kailangan nila?"
May inabot siyang sobre. "Ito. Tandaan mo ang password na ito. Empyreal."
"Empyreal." ulit ko. Tinignan ko ang sobre na nasa kamay ko.
"Sino po -" naputol ang sasabihin ko nang mapansin kong wala na yung messenger sa harap ko.
Nagkibit balikat na lang ako at sinarado na ang gate. Katulad nga ng sabi ni Auntie, sa likod ako dumaan.
Nagluto na ako at umakyat sa kwarto ko. Dati itong bodega kaya masikip pero okay lang. Mag-isa lang naman ako dito.
Ni-lock ang pinto. Mahirap na, baka biglang pumasok si Gianna.
Tinignan ko ang sobre. Kulay ginto ito at iba ang kinang. Parang... magical?
May nakasulat sa likod. Sa isang napakagandang font:
Skeet Drianna Walter.
Binuksan ko ito. Isang magandang uri ng papel na mabango ang laman ng sobre.
Ms. Walter,
Please be advised that you're already enrolled at the Celestial Academy. We would like to request your presence on Saturday.
Search for Headmaster Fiazo as you enter.
"Yun lang?" Binali-balikatad ko pa ang papel pero wala nang nakasulat. Tanging yung address lang sa pibakababang part ng papel.
Pero teka... Friday na ngayon! Kailangan ko nang mag-impake. Boarding school kasi ang prestigious school ng Celestial Academy.
***
Hapon na nang matapos akong mag-impake. Nilibot ko ang tingin sa buong kwarto ko. Maliban sa kama at lamesita, wala ng iba pang gamit.
Lumabas na ako para maghanda ng merienda pero ni-lock ko muna ang pinto.
Bumaba na ako at katahimikan ang sumalubong sa akin.
"Uh, Gianna, si Auntie?" tanong ko nang makasalubong ko ito sa sala.
Tinaasan niya ako ng kilay. "May nakikita ka bang kasama ko?" Pilosopo. Tss.
Umiling na lang ako. Inirapan ako nito at nilampasan ako ngunit binangga pa ang balikat ko. Napailing na lang ako sa ugali niya.
"Huwag ka nang maghanda ng merienda, gabi na kami dadating ni Mommy!" narinig kong sigaw niya.
So ako hindi magme-merienda? Ugh. Kumukulo pa naman tiyan ko.
Dumukot ako sa bulsa ko at may nadukot akong sampung piso. Napakunot ang noo ko. Wala naman akong natatandaang may nilagay akong sampu sa bulsa ko. Ipinagkibit balikat ko na lang iyon. Mabuti na ang meron kesa wala.
Binili ko iyon ng tinapay. Hindi ako kumuha sa stock nila Auntie dahil alam nila kung nabawasan ang nandoon o hindi. Ganon sila katindi.
Pagkatapos kumain ay naglinis ako sa loob ng bahay. Pagkatapos sa loob ay sa bakuran naman ako nagwalis. Ganito ang ginagawa ko tuwing bakasyon. Kaya nga nakapagtataka kung bakit parang pasukan na sa Celestial Academy.
Dumating ang hapunan at naghahanda na ako ng pagkain nang dumating sina Auntie.
"Ay, Auntie, kain na po kayo."
Nilagyan ko ng juice ang mga baso nila. Sinusulit ko na yung huling araw ng pag-stay ko dito. Kaya extra-bait ako ngayon.
"Sige na, umalis ka na sa harapan namin." pagtataboy ni Gianna. Pero nginitian ko lang siya at umakyat na sa kwarto ko.
Kumain na ako bago sila dumating kaya okay lang na matulog na ako. Nag-toothbrush na rin ako at naglinis ng katawan. Night rituals kumbaga.
Bukas magbabago ang buhay ko. Bukas, maaari ko nang mahanap ang totoo kong mga magulang. Bukas may pagkakataon na akong malaman ang totoong pagkatao ko.
BINABASA MO ANG
The Academy
FantasyAng ganda ng araw ko noon. Makakaalis na kasi ako sa poder ng aking tiyahin. Noong araw kasing iyon, birthday ko, may dumating na sulat sa akin na nagsasabing tanggap daw ako sa pinag-enrolan kong prestihiyosong academy. Alam kong magbabago ang takb...